Wattpad Original
Mayroong 21 pang mga libreng parte

✥ 18

26.7K 440 18
                                    

Chapter 18

LISSIE

Nagising ang diwa ko nang may maramdaman akong dumidila sa aking kamay. Nakapikit kong kinapa ito hanggang sa may mahawakan akong mabalahibo.

“Lis!”

I quickly opened my eyes when I heard that voice. Nakita kong sakal-sakal ko ang isang asong maamong nakatingin sa’kin na para bang nagpapaawa na huwag ko siyang saktan.

Ito yung aso kahapon, ah.

“Mornin’.”

Literal na napatalon ako sa pagkakahiga ko at napabangon dahil sa narinig.

“Zach!” I yelled while massaging my chest. “Ginulat mo ako! Anong ginagawa mo dito?”

He chuckled. “Kanina pa ako nagsasalita dito. You almost throttle his neck, Lissie. Ngayon lang yata nagising ang diwa mo.”

I rubbed my face and took the puppy in my hands. I gently caressed him. Panay ang pikit nito na parang sarap na sarap sa paghaplos ko sa kanya. I look at my man beside me. Yes, my man. May hang over pa nga ata ako sa nangyari kahapon.

“Ang aga mo? No work? Paano ka nakapasok dito?”

He let out a breathless chuckle. “Easy, baby. Isa isa lang.” He sat beside me and put his arm around my waist. “To answer all your questions, I wanted to see you early in the morning. This is our first day being a couple so we should make this one unforgettable. Though, last night were hands down.” He said wiggling his eyebrows. I chuckled. I didn’t know he has sweet bones. “Second, I have some papers to sign, but fuck paper work. It can wait. Lastly, I have the duplicate keys, remember?”

“Ganoon ba? Sana sinabi mo sa’kin na may plano ka para nakagising ako ng maaga.”

Kinapa ko ang bawat parte ng mukha ko dahil baka mayroon pa akong panis na laway o muta.

“I wanted to surprise you and I wanna see your morning face, too.” He said as he pulled me and kissed my temple.

I smiled inwardly. My gaze went to the dog who’s looking cute in his tee.

“Anong pangalan niya?” I asked, referring to the dog.

“Buster Monterro, a yorkshire.”

I raised my eyebrow when I heard his name. May surname pa talaga.

“Sosyal naman! Bantay na lang!” sabi ko.

“The fuck?” he cursed. Ngumuso ako. I heard him chuckle. “Sanay na si Buster sa pangalan niya. Kapag bumili tayo ng isa pang aso, promise, I’ll name him bantay.”

Umiling ako. “Ayoko na ng aso sa susunod.”

“Then what do you want? Name it,” he caressed my hair.

“Biik.”

A moment of silence…

Nang hindi siya sumagot ay agad akong tumingin sa kanya. I saw him staring intently at me.

“Bakit?” tanong ko sa nagtataka na boses.

“A p-pig? Seriously, Lissie?” His forehead creased.

Ano naman ngayon? Masama bang mag alaga ng biik?

“Sabi ko biik, hindi baboy.” Nakangusong sabi ko. Humalakhak siya.

Patulis na ng patulis ang nguso ko dahil sa naging reaskyon niya. Nagising ang nakatulog na aso dahil sa lakas ng tawa ni Zach. Nang di pa matigil ay mahina ko siyang hinampas sa braso.

Promise In The WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon