Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

✥ 39

56.1K 1K 1K
                                    

Lissie

"Ate, may naghahanap po kay Kuya. Nasa sala po siya."

Ang atensyon ko ay nabaling sa kasambahay na nakatayo ngayon sa harapan ko. Natigil ako sa pagluluto at kunot noo siyang pinagmasdan. 

"Sino daw?"

"Ang sabi po niya ay empleyado siya ng Migawurld ba iyon, ate?"

A low chuckle escaped my lips when I heard the way she pronounced the said place. "Oo, iyon nga."

She nodded her head slowly. "Ayun nga, po. Nasa sala na po siya. Doon ko na lang po pinaghintay."

Tipid akong tumango at binaliktad ang piniprito kong manok bago ibinigay sa kanya ang siyanse. "Ikaw na magpatuloy nito, ha? Pupuntahan ko lang siya."

"No problem, ate."

"Salamat." sabi ko bago hinubad ang apron na nakasabit sa akin.

Naghugas ako ng kamay sa sink at sandaling inayos ang sarili sa salamin sa kusina bago nagdesisyon na humarap sa bisita ng asawa ko.

Gusto ko siguraduhin na maayos lagi ang itsura ko kahit nasa bahay lang ako palagi. Katulad ngayon, mayroon kaming hindi inaasahang bisita. Nakakahiya naman kung sabukot akong haharap sa kanya kahit pa empleyado lang siya ng asawa ko.

Malayo pa lang ay natanaw ko na ang isang lalaki na sa tingin ko ay nasa middle-aged na. Siguro ay nasa kwarenta na mahigit. He's wearing a navy blue button down shirt with a light blue neck tie. His black slacks matches his brown leather shoes. May katangkaraan ang isang ito, maputi at may kasingkitan. Bakas sa mukha niya ang pagiging maamo. Pagkakita sa akin ay agad siyang tumayo sa kinauupuan niya at mabilis na tumungo bago inilahad ang palad.

"Good morning, Mrs. Monterro."

A light smile crept on my lips as I extended my hand. "Good morning! Have a seat."

Muli siyang umupo at tumingin sa akin. Naglakad na rin ako patungo sa single couch sa harap niya.

"How may I help you Mr...?"

"Ivan Dimapilis, Ma'am. I'm Mr. Zachary's new secretary. Is he here?"

"Yes. Is there a problem?"

His face turned pale as he timidly bit his bottom lip. "W-Wala naman, po."

Tumango-tango na lang ako bago ngumiti. Although nararamdaman ko na may problema, hindi na ako nagtanong pa tungkol doon. Hindi naman niya siguro sasadyain ang asawa ko kung hindi mahalaga ang pakay niya. But anyway, I know Zach can handle that smoothly. Whatever that problem is.

"Is it okay if I leave you here for a while? Tatawagin ko lang siya."

"Of course. No problem, Mrs. Monterro."

"Great. Please feel at home."

"Thank you, Ma'am."

Muli akong tumango at tumayo na para puntahan si Zach sa library. He's on his additional vacation leave, pero isang araw lang. Sabi niya ay gusto niya pa magpahinga kahit isang araw even if we had just got from our family get away in Iloilo.

Nang makarating ako sa library ay agad akong kumatok ng dalawang beses sabay ng pagbukas ko dito. Isinilip ko ang ulo ko sa maliit na siwang at dinungaw siya.

I saw him busy reading some papers while typing something on his Macbook. Nang maramdaman niya ang presensiya ko ay iniangat niya ang tingin niya patungo sa pinto.

"Lis." nakangiting aniya.

Tuluyan na akong pumasok ng may tipid na ngiti sa labi. "Hi, sorry sa abala."

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay Warranj, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni Warranj
@Warranj
Sales clerk Lissie Cruzem wasn't expecting to catch the eye of Zach M...
I-unlock ang bagong parteng ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 22 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @Warranj.
Promise In The WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon