Wattpad Original
Mayroong 24 pang mga libreng parte

✥ 15

28.7K 524 22
                                    

Chapter 15

Lissie

“Hala, friendship!”

Abot hanggang tainga ang pagkakangiti ni Clyde nang dumating ako sa area namin. Humagikhik ako.

“Clyde, namiss kita.” Sabi ko nang makarating ako sa tapat niya. Pasimple ko siyang niyakap. “Kumusta ka na?”

“Ayos naman. Ikaw? Maayos ka na ba?” sadness splashed in her eyes.

Tumango ako at tipid na ngumiti. “Maayos naman na kahit papaano. Nakakamove on na din.” My eyes roamed around the whole area and breathe deeply. “Namiss ko magtrabaho.”

She smiled back. “Namiss ka din ng mga tao dito, Liss. Bilib nga kami sa’yo kasi kinaya mo pa rin ang tumayo at magpatuloy sa buhay.”

“Iyon lang naman ang choice na mayroon ako, e.”

“Kaya naman hanga talaga ako sa’yo.” Aniya. She suddenly pulled her lips into smirk. “May hindi ka sinasabi sa’kin, huh?”

I slightly raised my eyebrow. “Ano ‘yon?”

“Bakit palagi naroon si Sir Monterro, ha?”  may bahid ng pangaasar na aniya. Natawa ako.

“Wala, mabait lang talaga si boss. Tinulungan niya ako sa lahat.”

Kailangan ko mailayo ang usapan tungkol sa amin ni Zach. Ayokong magkaroon sila ng idea kung anong mayroon sa amin ni Zach. Unang una ay dahil wala naman kamig label, even though he has already declared his feelings for me, ayoko pa rin siya pangunahan.

Clyde let out a mocking laugh.

“Hah! At sa sobrang bait, gabi-gabi ka sinasamahan, no? Huwag ako, Liss! Tampulan kayo ng issue dito, no! Nag-iingat nga lang sila kasi s’yempre, may-ari mismo ang pinag-tsitsismisan nila.” Taas kilay niyang sabi.

I sighed heavily.

“Pabayaan mo na sila, Cyd.” Kalmadong sabi ko. Pero ang totoo ay natatakot akong mahusgahan nila.

“Ang ibang empleyado ay sinasabing gold digger ka, karamihan ay hinuhusgahan ka. Pero siyempre, hindi kami naniniwala doon.” Aniya na para bang nalaman niya ang nasa isip ko.

Ano ba ang alam nila?

Sandali akong tumitig sa kanya. Tinatanya ang mga salita na dapat sabihin.

“K-Kung sakali nga ba na ganoon, may masama ba sa pagkakaroon namin ng relasyon?” tanong ko. “Kung sakali lang naman. Huwag mo bigyan ng kahulugan.”

“Defensive.” She teased. “Kung sakali man na may namamagitan nga sa inyo ni Sir Monterro, okay lang naman ‘yon. Kung ako lang ay never kitang pagiisipan ng negative, dahil kilalang-kilala kita. Daig mo pa kaya ang madre sa bait! Pero sila, ewan ko lang. Siyempre, hindi mo na lang sila iintindihin. Buhay niyo naman yan, e.” she continued. “Pero, Liss…”

From somewhere, I shifted my gaze at her. “Bakit?”

Bumuntong hininga siya. “Kaibigan kita, best friend na nga ang turing ko sa’yo. Pero alam mo naman ang reputasyon ni Sir Monterro sa mga babae, hindi ba? Hindi ko sinasabing huwag kang magkakagusto sa kanya, kagaya nga ng sabi ko, buhay mo ‘yan. Pero sana… sana limitahan mo ang sarili mo, pag-isipan mo mabuti lahat ng magiging kilos mo. Ayokong masaktan ka.”

Tears flowed down her cheek. Pasimple kong inabot ang tissue ko sa kanya.

“Cyd, ano ba ang nangyayari sa’yo? OA mo, ha! Sabi ko what if lang. Hindi naman m-mangyayaring m-maging kami.” Nauutal na saad ko. “Ayusin mo na yang sarili mo, baka may makakita sa’yo.”

Promise In The WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon