36.3 - THE WEDDING SPECIAL CHAPTER

83.6K 1K 47
                                    

Nakapaa ang halos karamihan, ang iba ay nakasuot na lamang ng tsinelas ngayon, matapos ang masayang seremonyas ng kasalang naganap ay nagtungo sila sa venue ng reception which is isang beach resort na walang ibang tao kundi sina Mule at Myz lamang kasama ng mga mahal nilang bisita.

Kinakausap ni Mule ang mga bisita at kaibigan ng Dad niya, pinagmamalaki siya nito. Humble lang naman na nakikipag-usap si Mule sa mga bigatin at mayayamang businessmen na kakilala ng dad niya abroad. Lalo pa no'ng nag-toast speech ang Dad ni Mule.

Mule's dad, beams with pride as he introduces Mule to his circle of wealthy businessman friends during a sophisticated cocktail party. The atmosphere is filled with the clinking of glasses and the hum of animated conversations.

Raising his glass, "Gentlemen, may I have your attention, please? I'd like to introduce my son, Mule. He's not just my pride and joy, but he's also the future of the Tiu's legacy.

Sumagot yung isa, he got this big round face, sagana sa beard. He's smirking as he responded, "Ah, Mule, the man of the hour! So, are you ready to join the ranks of the married men's club?

Nakangiti lang si Mule, adjusting kung paano ba dapat siya makipag-usap sa mga professionals na tao. He decided to reply in a language kung saan siya kinausap. "Well, I'm about to sign up for a lifetime membership."

The other one spoke up, smiling. "Good choice, my boy! Marriage is like a successful business deal – it requires negotiation skills, compromise, and a sense of humor."

The senior Tiu, nodding in agreement. "Wise words! Mule, remember, in both marriage and business, it's essential to invest time and effort."

The third one teased, "And just like in business, always listen to the CEO – that's Chief Emotional Officer, in this case, your lovely wife."

Mule was caught off guard with that joke. He joyfully said, "Got it, Chief Emotional Officer it is!

The first man chimed in, raising his glass. "To Mule, the newest member of the married men's club! May your days be filled with laughter, your nights with love, and your wallet with a decent allowance."

And then everyone, of all these men, now toasting and screaming: 'To Mule!'

As laughter echoes through the room, Mule finds himself surrounded by not just businessmen, but a group of mentors and friends offering humorous yet heartfelt advice on this new chapter of his life.

In-excuse niya muna ang sarili niya para mag-refill ng wine sa glass niya. Nakasalubong niya si Carlos na mukhang tyinempuhan talaga siyang makausap.

"Bro, congrats ulit, ha?" He grabbed Mule's right hand by his left, pulling him abruptly so when their chests collided, he gently tapped the back of his friend by his free hand.

"Thanks, bro!" Sumenyas si Mule ng saglit lang at huwag umalis si Carlos sa kinatatayuan niya. Kaagad ring nakabalik si Mule, dala ang dalawang wine glass na puno at halos umaapaw na. "Cheers!"

"Cheers, bro!" Sobrang saya ng dalawa na nagkwentuhan at nagtatawanan. Overwhelmed pa rin ang isa sa mga nangyayari at bago pa maging seryoso ang usapan ay iniliko ni Carlos ang topic para naman maiba.

"Any plans about sa... hmm," ngumisi si Carlos matapos ay pinagtaas-baba ang kilay habang may ibig iparating ang mga ngiti at tingin na 'yon.

Si Mule patay malisya lang kunwari, "Wala akong alam d'yan sa mga sinasabi mo."

Napamura na lang si Carlos sabay sabing 'Ay, sorry, sorry'. Tinawanan ang kaibigan na alam naman niyang hindi lang nagseseryoso. "Huwag mong sabihing hindi ka pa ready para sa bakbakan mamaya?"

"Ano na naman bang bakbakan? Si Coco Martin ba 'ko?"

"Si tanga, oh!" Napalayo nang bahagya si Carlos. "Huwag mong ipapahiya ang bataan, ha? Dapat isang kasa, tatlong putok!"

Sinabihan ni Mule na ang kaibigan ay puro talaga kalokohan pero sinakyan niya naman din ang trip nito. "Gusto mo apatin ko pa, e!"

"Apat!?" ani Carlos at napamura na naman ng malutong.

Hanggang sa nagulat sila nang may magsalita sa tabi nila.

"Anong apat?"

Halos malaglag ang puso ni Carlos sa gulat, "Uy, Myz! Nand'yan ka pala. Nakakagulat ka naman!"

"Hi, salamat sa pagpunta, Carlos." Nginitian siya ni Myz.

"Wala 'yon, kayo pa ba? Congrats, congrats." Tumango-tango lang si Carlos.

"So, ano namang pinag-uusapan niyo? Bakit nahinto kayo? Ako ba pinag-uusapan niyo?"

"Ah, oo! Si Mule kasi sabi niya apat na putok —" bago pa matapos ni Carlos ang sasabihin ay tinakpan na ni Mule ang bibig niya.

"Ha?" ani Myz, nagtataka at natatawa sa dalawa.

"Putok, pumutok na ang fireworks!" Biglang nagliwanag ang kalangitan, saktong turo ni Mule sa taas ay doon na nagsimula ang fireworks display na pinagawa niya for Myz.

Kinulong ni Mule sa makapanindig-balahibong titig si Carlos, dahilan para umalis na ito nang hindi namamalayan ni Myz. Bago pa siya tuluyang bumingo kay Mule.

Naiwan na lamang sina Mule at Myz na magkatabi, nakatingala sa kalangitan, pinapanood ang makukulay na fireworks.

"Hindi ko alam na may ni-ready kang ganito," bulong ni Myz kay Mule.

Inakbayan ni Mule ang asawa, "For you, I will always love to make surprises." Nginitian niya ito at nang maalala ay biglang sinabi, "Tignan mo 'yon, that's my favorite part!"

Nang mabasa ni Myz yung huling part ng fireworks, ang nakasulat doon ay 'I love you'. Napatingin si Myz kay Mule at napasagot na lang din ng 'I love you too'. Marahang nagdampi ang kanilang mga labi, nagtagpo sa ilalim ng kumikinang na mga bituin sa gabing ito.

Saan nga ba sila dadalhin ng bagong journey na ito? Bagong chapter ng kanilang story. Walang nakakaalam. Basta't ang mahalaga ay masaya sila at alam nilang ipaglalaban nila ang pagmamahal na matagal nilang pinagtibay.

"Ready ka na gumawa ng baby?" tanong ni Mule, na ikinabigla ni Myz.

"Baby agad? Gagi ka!" Kinurot niya at tinapik si Mule sa dibdib.

"Siyempre, honeymoon na mamaya, o!" Kumindat-kindat si Mule. "Ano? Palag na, a! Ako na 'to, my gosh! Aarte pa!"

"Hay nako, Mule! Ewan ko sa'yo..." Naglakad ito palayo kay Mule.

"Ay si OA, gusto pa ba magpahabol?" Tinawanan ni Mule ang kaartehan ng asawa. "Bahala ka d'yan, kagatin ka ng jellyfish!"

"Bahala ka rin d'yan, hindi ka makakakagat mamaya sa aking jellyfish!" Tumakbo si Myz at tumawa nang tumawa.

"HOY! TEKA! A'YAN NA 'KO!" Kumaripas na si Mule nang takbo para maabutan ang asawa. "LAGOT KAYO SA'KIN NG JELLYFISH MO NA 'YAN 'PAG NAABUTAN KO KAYO!"

FLIRTY HABITS • THE FUCKBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon