CHAPTER 10

42.3K 362 75
                                    

flirty x

Pasado alas-dose ng gabi nang matapos ang house party sa bahay ni Wesley. Naiwan ang boys para maglinis ng mga kalat pero hindi rin nagtagal ay umuwi na rin at tinamad nang tapusin ang paglilinis.

Kasama rin pala si Jannah dito sa party. Kanina lang din nakita ni Mule ang haliparot na babaeng iyon. Nakita nila ang isa't isa pero hindi sila nag-usap at nagpansinan. Si Wesley nga pala ang boyfriend ni Jannah kaya siguro naiilang din ang babae kay Mule kanina. Hindi na rin nakita ni Mule ang babae sa party o baka hindi niya na napansin kasi busy siya sa mga friends niya. Naisip niyang siguro ay umuwi na rin ang dalaga nang hindi niya napapansin.

Medyo tinamaan din ng kalasingan si Mule. Naisipan niyang maya-maya na lang siya uuwi. Hindi naman siya totally lasing dahil hindi naman siya uminom masyado saka hindi rin naman siya malakas uminom ng alak.

"Bro, p'wede ba makiligo?" tanong niya kay Wesley nang lapitan niya itong namumulot ng mga red cups na nagkalat sa sahig.

"Oo naman bro," sagot nito nang humarap kay Mule.

"Ang init kasi. Nag-iinit katawan ko," sagot ni Mule habang hinahatak-hatak pa ang t-shirt dahil sa init na nararamdaman dulot ng alcoholic drinks.

"A, okay, dumiretso ka lang. Nando'n lang 'yon... 'yon... nakikita mo ba 'yon? Pagkalampas ng kitchen, makikita mo na 'yon," sabi ni Wesley habang itinuturo ang direksyon.

"Thanks bro," naglakad na si Mule pero napahinto siya at muling humarap kay Wesley, "saka pahiram na rin ng damit. Ibabalik ko na lang bukas," aniya pa't kinapalan ang mukha.

"Sige basta pagkatapos mong maligo, umakyat ka na lang do'n sa taas. Nando'n lang ako sa kwarto ko," ani Wesley at saglit lamang tinapunan ng tingin si Mule dahil busy siya sa napulot niyang bote ng alak sa sahig. Pagkabukas niya no'n ay ininom niya ang natitirang laman hanggang sa maubos.

Pinanood ni Mule si Wesley at nang mapansin siya nito ay tinaasan siya nito ng kilay. Inginuso niyang muli ang direksyon ng comfort room. Napatango naman si Mule, napailing bago magtungo sa banyo.

Sinunod niya ang sinabi ni Wesley. Nang matunton niya ang comfort room, pinihit niya ang doorknob at nasaksihan niya kung gaano iyon kalinis, kaluwang at kabango. Agad siyang naghubad ng kanyang damit, pinihit ang handle ng shower at tumapat sa pumapatak na tubig.

Guminhawa ang pakiramdam niya at parang sumingaw ang init na dulot ng alak. Matapos niyang maligo ay pumunta na siya sa itaas. Pagkapanhik niya sa itaas ng hagdanan, isa lamang ang nahagip ng kanyang paningin-- ang hindi nakasarang pinto.

Lumapit naman siya roon dahil inisip niyang baka iyon ang kwarto ni Wesley. Itinulak niya nang marahan ang pinto upang bumukas iyon nang tuluyan at doon sa loob natanaw niya si Wesley. Agad niya namang kinabig pabalik ang pinto dahil nabigla siya sa nakita niya.

"Mule?" narinig niyang sabi ni Wesley na naramdaman ang presensiya ni Mule, ang langitngit ng pinto at s'yempre si Mule lang naman ang ine-expect niyang pupunta sa kwarto niya kaya alam niya na agad 'yon. "Pumasok ka na bro... ayos lang," sabi pa ni Wesley, sinisipat ang pinto mula sa kinaroroonan niya.

Pumasok naman si Mule, wala na siyang choice, nakita na siya. At hindi nga siya nagkamali sa nakita niya. Nag-aano sila... ano... basta. Hindi niya masabi ang ginagawa ng dalawa.

FLIRTY HABITS • THE FUCKBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon