CHAPTER 25

25.5K 104 4
                                    


♣ flirty xxv ♣

Katatapos lang maglinis ng classroom nina Myz na akala mong sinalanta ng delubyo kanina. Ano ba naman kasing klaseng section 'to? Section A pa man din pero napaka-iresponsable ng iba. Grade 12 na pero wala pa ring disiplina.

"Okay, ganito na nga lang! Para hindi na kayo nag-iingay at nagkakagulo, gagawa ako ng seating arrangement ninyo. Alphabetically!" Nagwawala na naman si Sir Nep na kinuha ang atensyon ng lahat.

Wala naman silang nagawa kundi tumayo sa upuan, hintayin na tawagin ang apelyido at maupo sa designated chair.

"ABAD..."

"Sir!"

"AGOS!"

"Sir!"

"SUNOD-SUNOD! Ay, doon ka maupo! Sasabunutan ko 'yong mag-iinarteng schupid r'yan, a!" hiyaw niya pa sa mga babagal-bagal at pautay-utay.

What? Mixed arrangement ang gagawin niya? So, nakahalo ang girls sa boys? Tama, babae at lalaki ang tinatawag niya. So, naka-alphabetical lahat ng apelyido namin mapa-babae o lalaki man. Napailing na lang si Myz sa napagtanto.

Nagpatuloy sa pagtawag ng apelyido si Sir Nep. Itong baklang 'to talaga! Kung ano maisipan--- gagawin.

"BANTA."

"BATIKOL."

"BURATO!" Natigilan ang lahat sa sinabi ng guro, "Ay, ano bang basa rito? Burat? Ay, Burnato pala... sorry!"

"Eww! Sir, kadiri ka!" sigaw ng mga estudyante niya.

"Mga bastos!" bulyaw ni Sir Nep at nagpatuloy siya sa pagtawag hanggang sa malapit nang mabigkas ang apelyido ni Myz.

"REYES!"

"Sir!"

"SAL... SALAMANQUE!"

"Sir, ano ba 'yan?" diring sambit ni Myz.

"Tumahimik ka't nabubulol ako sa 'sal'!" sagot ng guro at nagtawanan ang mga estudyante. "Okay, next... SAL... SAL... ay, ano ba 'to?" sinipat niya pang maigi ang class record, "Salada pala, schupid!" Naghagalpakan na naman ang mga kaklase ni Myz.

Anim na lang silang natitira na hindi pa natatawag pero napansin ni Myz na nandito pa rin si Mule at nakatayo kagaya niya. Ano na ngang apelyido nito? Nakalimutan na rin ni Myz. Naisip niyang tanungin pero minabuti niyang huwag na lang.

"Sal... Sal... Salazar! Sorry nauutal ako mga kasama," palusot pa ng pilyong guro.

"Next... Mr. Tiu!" tawag niya at biglang sumagot si Mule nang marinig ang apelyido.

"Sir!" Nagtaas siya ng kamay.

"Do'n ka sa tabi ni Ms. Salazar! O, a 'yan... 'di na 'ko nabulol sa 'Sal'," ani Sir Nep at tawanan na naman ang narinig sa mga estudyante niya.

"Yes, sir!" Nginitian muna ni Mule si Myz bago nilandas ang daan patungo sa kanyang upuan.

"Next... Ms. Tonne!"

Heavens above.

Ngayon alam na ni Myz kung bakit nginitian siya ni Mule.

Sumisigaw at nagmumura siya sa isip habang naglalakad papunta sa upuan. Hindi maaari ito. Ayaw niya sa tabi ni Mule! Ayaw niyang makatabi ito kahit kailan! Tama na ang isang beses na naging seatmate sila, pero ang maging permanent seatmate? 'Wag na lang. Mas gugustuhin pa niyang lumunok ng bubog kaysa makatabi araw-araw ang lalaking 'to.

"Hi, Ms. Tonne," pagbati ni Mule nang maupo sa tabi niya si Myz.

Her eyes bulged so good looked like a rolling billiard balls.

FLIRTY HABITS • THE FUCKBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon