CHAPTER 9

54.6K 364 3
                                    

flirty ix

Naging mabilis ang paglipas ng mga araw para kay Mule. Hindi niya namalayan na dalawang linggo na pala ang nakakalipas matapos mailibing ang Mom niya. Nakararamdam pa rin siya ng kalungkutan pero nand'yan naman palagi ang Dad niya para libangin siya.

Nagpatuloy pa rin ang magandang performance niya sa school. Ipinagpatuloy niya ang nakasanayan, pinagbutihan niya lalo ang pag-aaral kahit na wala na ang Mom niya and he dedicate all of these to her. Kinaya niya kahit mahirap at patuloy niyang kakayanin. Hindi siya pwedeng magpatibag sa kalungkutan. Ginawa niya lahat ng makakaya para maging proud pa rin sa kanya ang parents niya kahit na ang Dad na lang niya ang kasama niya at ang kapatid nitong si Lisa.

Naintindihan niya na rin ang kanilang rason kung bakit nila nagawang ilihim sa kanya ang pagkamatay ng Mom niya. Silang dalawa lang ang gumagabay at nag-aalaga kay Mule. Hindi nila ipinaramdam sa bata na kulang siya; na may kulang sa pamilya nila.

Sa paglipas ng panahon, unti-unti nakakarecover na sa sakit ang puso niya. Dumating na rin ang araw kung saan nagbunga ang lahat ng pagsisikap niya. Recognition day na nila. Masaya siya dahil nakatapos na naman siya ng isang taon. Proud na proud ang Tita at Dad niya. Magkakasabay silang bumiyahe papuntang school at pagkarating nila roon ay sinalubong si Mule ng mga kaklase niya. Hindi pa man nag-uumpisa ang ceremony pero halos lahat ng kaklase niya ay nakapag-congrats na sa kanya.

Pagkatapos ng program ay kumain muna sila sa restaurant at pagkatapos ay namili sila ng mga gamit. Binilhan si Mule ng Dad niya ng mga bagong t-shirt, pants, shoes at iba pa. Sobrang thankful naman siya sa dad niya dahil do'n pero masaya talaga siya dahil hindi nito nakalimutan na bilhin ang paborito niya. Binilhan niya ang anak ng maraming books, 'yong mga paborito niyang novels ay mayro'n na siya ngayon saka mga educational books like Science, History at s'yempre ang paborito niya-- Mathematics.

Umuwi na rin sila ng bahay matapos ang nakakapagod na pamamasyal. Naaalala pa rin ni Mule ang hitsura ng kanyang dad habang nasa stage kanina kung saan isinabit nito sa kanya ang medalya kasabay ng pag-abot ng certificate na tanda ng pagsisikap niya sa pag-aaral.

Kinaumagahan ay magkasabay silang nag-breakfast ng Dad niya dahil si Lisa ay lumuwas na rin pauwi sa kanila kaya hindi na nila ito nakasabay kumain. Mamaya lang din ay aalis na ang dad niya at babalik nang Spain. Sinabi niya ulit sa dad na kung tatanungin siya nito kung gusto niya bang sumama sa kanya ay isa lang ang isasagot niya.

"Hindi po Dad. Ayoko po umalis dito sa Pinas. Mas gusto ko po rito kasi nandito ang mga friends ko at dito ako masaya," sagot ni Mule sa dad nang tanungin siya nito ulit.

"Magkakaro'n ka rin naman ng mga friends do'n," sabi pa nito pero desidido na talaga si Mule sa pasya niya. Oo, magkakaroon siya ng mga bagong kaibigan pero mahihirapan siyang makahanap ng totoong kaibigan saka mas napamahal na talaga siya rito.

Hindi siya sumagot at nagpatuloy sa pagsubo ng kanyang kinakain.

"Okay, sige. Hindi na kita pipilitin basta mag-iingat ka rito palagi," sabi niya sa anak at napangiti naman ito.

"Opo, Dad. Mag-iingat ako rito palagi at magpapakabait ako," sagot ni Mule habang nakangiti pa rin.

Kinagabihan, siya na lang mag-isa sa bahay. Nakaalis na ang Dad niya at inihatid niya pa ito sa airport kanina. Hindi naman niya maiwasang malungkot dahil magiging mag-isa na naman siya rito sa loob ng mahabang panahon. Nakatanggap naman siya ng call galing kay Wesley. Sinagot niya iyon.

"Hello, Mule! Punta ka rito sa bahay. Nandito ang mga classmates natin. Nandito silang lahat ikaw lang ang wala," sabi nito sa kabilang linya ng tawag.

"Ah, gano'n ba? Ang ingay, mukhang nagkakasiyahan na kayo, a!" tugon ni Mule habang pinakikinggan ang ingay at sigawan na naririnig niya sa cellphone.

"Oo nga, kaya pumunta ka na rito, bro!" sabi pa ni Wesley.

Si Wesley, classmate ni Mule pero hindi sila masyadong close. Isa siya sa mga mayaman na kaklase ni Mule at ayos lang sa kanya na imbitahan ang lahat ng kaklase niya para mag-celebrate. Okay lang 'yon at barya lang sa kanya ang gagastusin niya para do'n.

"Ano? Pupunta ka o pupunta? S'yempre pupunta ka! Minsan lang 'to, o! Come on, bro! 'Wag nang KJ!" sunod-sunod na ani Wesley, ayaw niyang humindi si Mule at halatang pipilitin kahit ayaw.

"You leave me no choice, bro," mahinang natawa si Mule, "Oo na, oo na, pupunta 'ko."

• • • • •

Nakarating siya sa harap ng bahay ni Wesley at nasa labas pa lang siya ng gate ay dinig na dinig nang dalawang tainga niya ang malakas na tugtugan at maingay na sigawan. Tinawagan niya naman si Wesley at sinabing nasa gate na siya ng bahay nila. Wala pang limang segundo ay nakita na niya ang kaklase.

Okay na siguro 'to kaysa naman ma-bored ako sa bahay at baka isa rin ito sa mga paraan para bumalik ang dating sigla ng katawan ko. Kailangan ko munang mag-enjoy.

Tumakbo si Wesley papunta sa gate at pinagbuksan ang kaibigan. Pinapasok niya si Mule kaagad at naglakad sila habang nakaakbay siya kay Mule. Mukhang lasing na 'to dahil parang nagpapaalalay siya kay Mule at ang daldal na rin niya, salita nang salita at kwento nang kwento ng kung ano-ano. Wala ring ideya si Mule kung bakit parang biglang naging feeling close si Wesley sa kanya.

Nasa loob na sila ng bahay ni Wesley at ang bahay nila ay hindi na mukhang bahay dahil napakagulo na nito't nagmistulang bar sa sobrang dami ng mga nagpa-party. Hindi maiwasang magmasid ni Mule sa paligid nito dahil maganda at maluwang ang bahay nina Wesley. Kahit na maraming nandito ngayon ay hindi pa rin no'n nagawang okupahin ang kabuuan ng bahay. Bahay pa ba ang tawag dito? I think, it's a mansion. His thoughts had gone away in his mind as he heard some voices behind.

"Hey, bro!" masayang bati nila kay Mule. They did a high five. He saw other peers waving to him and he greeted them with a head nod and a bright smile.

Habang tumatagal ang party ay nagkakasiyahan na talaga ang bawat isa at sa bawat paglipas naman ng oras ay nababawasan na rin ang bilang ng mga bisita ni Wesley. Umuwi na ang iba.

Pumunta si Mule sa p'westo nila at nakisali sa kanilang hindi pa umuuwi at patuloy na nagpapakasaya.

FLIRTY HABITS • THE FUCKBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon