CHAPTER 5

70.5K 318 23
                                    

flirty v

"MISTER TIU!" malakas na hiyaw niya.

Nakakarinding boses, parang boses ni Squidward. Hayy, bakit ba napakatalas talaga ng mga mata niya pagdating kay Mule?

"Anong sinisilip mo r'yan sa ilalim ng upuan?" patuloy niyang bulyaw, nanlilisik ang kanyang mga matang nakatingin lang sa binata.

Para siyang dragon kung magalit at ang kulang na lang ay 'yong bumubugang apoy mula sa bibig niya. Kaya lang... 'di nga pala apoy ang ibinubuga ng bibig niya kundi bumabalong na laway tapos lumalaki pa ang butas ng ilong niya kapag nagsesermon pero... hindi pa rin natatakot si Mule sa kanya.

Kawawa lang talaga ang mga kaklase niyang naaambunan nang tumatalsik na laway ni Sir Nep at ang inosenteng si Mule— siya na naman ngayon ang nasa peligro. Nagtatakip na lang ang binata ng notebook sa mukha habang nagpapagalit ang guro dahil sobrang lapit nito sa kanya.

Kadiri!

It's raining saliva.

Matapos ang eksenang 'yon ay nalipat sa dalawang magkaibigan ang atensiyon ng buong klase. Bakit ba kasi siya nag-iskandalo?

"Sir, I'm just--" hindi niya pinatapos magsalita si Mule at umepal kaagad siya. Oh, I get it. Siguro ipapahiya na naman niya ang lalaki sa buong klase? The heck. Wala namang epekto sa kanya 'yon lalo na sa mga classmate niya dahil sanay na rin sila na laging nagtatalo ang dalawang ito.

"AHA! YOU'RE NOT LISTENING TO ME AGAIN!? I WAS DISCUSSING HERE AND YOU-- SCHUPID!" pag-aalboroto ng mala-bulkan niyang bunganga. Umaapaw na ang lava, I mean saliva. Kailangan na yata nilang lumikas.

How could he escape? He asked himself, too. He knew it. He is the teacher's aim again. He... no... they always noticed it. One wrong move and one embarrassment moment he'll give to Mule. If only he is Mule's classmate, he would have bleeding mouth because of hard punches. Ang kaso nga lang, teacher niya si Sir Nep.

Kung minamalas nga naman talaga.

"Mister Tiu! I'm talking to YOU!" Napaiktad naman si Mule sa kanyang kinauupuan dahil sobrang nagulat siya, nasa harapan na kasi niya si Sir Nep, as in sobrang lapit niya. Hindi niya man lang namalayan.

Ano pa nga ba ang inaasahang reaksyon ng isang tao kapag nagugulat? Hindi... hindi siya nagmura kundi sumigaw nang napakalakas. Nagulat siya dahil akala niya may bakulaw na biglang sumulpot sa harapan niya.

"Sinisigawan mo 'ko? Schupid ka! Ba't sumisigaw ka? Bakit parang nakakita ka ng halimaw? Schupid! Mukha ba akong monster?" at tinanong pa talaga niya. Nakatatawa.

Hindi ba siya aware?

Napatakip naman si Mule sa ilong kasi medyo naaamoy niya ang hininga ni Sir Nep na panis at ang mga mata nitong kay sarap tusukin ng ballpen kasi napakalaki't buragat; nakamurilat.

Nang mapansin ni Mule na mas lalong lumala ang hitsura ng kanyang guro ay taranta siyang sumagot, "NO, SIR!" sigaw niya. Medyo nataasan niya ng boses ang guro— medyo lang naman— kaya naman lalong nagsalubong ang dalawang kilay nito. Narinig na naman ang tawanan ng mga estudyante. Hay, ano bang nakakatawa?

"Sinisigawan mo ba ako, Mr. Tiu? Schupid ka talaga!" Mukhang nagngingitngit na ang kanyang mga bagang sa sobrang gigil. A, alam ko na! Kaya pala sila nagtatawanan kasi nasigawan ni Mule si Sir Nep.

FLIRTY HABITS • THE FUCKBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon