CHAPTER 15

33.7K 166 9
                                    


flirty xv

NASA KALAGITNAAN NA SILA ng panonood ng movie nang biglang bumaba si Carlos dahil tinawag ito ng Mama niya. Pagkalipas ng ilang minuto ay nakabalik na rin ang lalaki. Tila may sinabi lang pala sa kanya ang Mama niya.

"Bro, ano sabi sa'yo?" tanong ni Mule kay Carlos na naupo na ulit sa tabi ng kaibigan.

"Aalis daw sila," tugon ni Carlos.

"Bakit daw?" usisa pa ni Mule habang 'di inaalis sa TV ang atensyon.

"Susunduin kasi nila 'yong pinsan ko," tugon ni Carlos.

"Ah, okay," patangong sagot ni Mule.

"Mamaya lang nand'yan na rin sila kasama 'yong kambal na makukulit," saad ni Carlos, tumayo at dumamba sa kama.

Napasunod naman ng tingin si Mule sa kaibigan at napangiti sa sinabi nito, "Cute ba sila?"

"Um... oo, sobrang cute at ganda," tugon ni Carlos.

"Maganda? A, nag-aaral na ba sila? Kapag nakita ko 'yang mga 'yan baka kurutin ko sa pisngi!" mahilig kasi siya sa mga bata kaya natuwa siya nang malaman na cute ang pinsan ni Carlos.

"Gago! Anong akala mo sa kanila? Bata? Teenager na 'yon! Kagaya natin. Ahead sila ng one year sa 'kin," paliwanag ni Carlos matapos magkamali ng akala ang kaibigan.

"Sorry naman daw. Akala ko kasi bata."

"Hindi."

"Kaya nga... e di mas maganda kung gano'n!" tuwang saad ni Mule.

"Huh? Anong sabi mo?" kunot-noo namang tanong ni Carlos.

"Ah... ano... maganda! Maganda 'yung movie na 'yan, o!" ani Mule sabay turo sa TV.

"Sus! Kalokohan mo na naman."

Pagkalipas pa ng kalahating oras ay parang nagsawa na ang mata ni Mule sa pinapanood.

"Ayoko na. Patayin mo na 'yan," sambit nito.

Kinuha ni Carlos ang remote at pinindot ang power off button.

Humiga naman si Mule sa kama ng kaibigan. Pabagsak niya iyong ginawa. Napatingin naman sa kanya si Carlos.

"Ganyan lang talaga gawain mo sa bahay niyo?" tanong nito.

"Yup," tipid na sagot ni Mule.

"As in palagi? Araw-araw?" tanong pa nito at inayos ang higa para matingnang maigi si Mule.

"Yup," sagot muli ni Mule na ngayon ay nakatihaya na't nakatingin diretso sa itaas.

"Wala ka man lang ba balak lumabas? Tara sa labas! Basketball tayo?" pag-aya ni Carlos sa kaibigan.

"Bro, kailan ako nahilig sa sports?" tanong ni Mule sa kaibigan na ikinangiwi ng labi nito.

"Oo nga pala." Napatingin ulit si Carlos kay Mule.

FLIRTY HABITS • THE FUCKBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon