CHAPTER 27

22.1K 99 4
                                    


flirty xxvii

Mule is waiting for Myz at SM and he thinks he has been here on the fourth floor of the mall for more than half an hour because he woke up early and honestly, prepared for this day. Carlos and him even argued about what clothes he would wear but in the end he's still got the prize. He was wearing a dark blue sweatshirt with a white collar design on it that is so good to his stature. His hair was being perfectly combed and there's a scenting smell of hairwax on it and the dark chocolate Axe perfume he used was lingering on his clothes. White shoes and black ripped jeans that are very fit to his thighs complementing his overall appearance. Another moments had passed and at last, Myz finally arrived.

Kaagad na binati ni Mule ng "Hi" ang babaeng salubong na agad ang kilay.

"O, ba't ganyan mukha mo? Binangungot ka ba?" tanong pa ng binata.

"Seriously? You even have the guts to ask me, huh?"

"A... gets ko na!" Natawa si Mule. Alam niyang dahil sa panty 'yon na niregalo niya, "You like it, don't you?"

"I hate you!" Inundayan ng isang suntok sa mukha ni Myz ang lalaki pero nasalo nito ang kamao niya.

"I like you," kumikindat na ani Mule nang sumilip kay Myz.

"Seryoso 'ko!" Binawi ni Myz ang kamao niya sa kamay ni Mule.

"Seryoso rin ako," ngising ani Mule.

Sa gigil ni Myz ay hinatak niya't kinuwelyuhan sa damit ang binata.

"Easy lang, uy! 'Di ba favorite color mo 'yong lavender kaya niregaluhan kita ng underwear na lavender," ani Mule, inilalayo ang mukha habang pinandidilatan siya ng mga mata ni Myz.

Sa inis ay humiyaw si Myz at biglang piningot ang tainga ni Mule nang ubod ng higpit.

Makailang umaray ang binata habang pinipiga ng dalaga ang tainga niya.

"Sa susunod kapag magreregalo ka, ayoko ng..." pahigpit nang pahigpit ang pagpingot ni Myz, "makatanggap ng gano'ng..." lalo pang humigpit, "klaseng regalo!" Isinagad niya ang pagpingot na halos mapaluhod si Mule sa sakit.

Binitiwan niya rin naman ito nang makitang namumula na ang tenga at nasasaktan na ang binata.

Nagwalk-out siya.

"Myz! Uy! Sa'n ka pupunta?" ani Mule, sinusundan ang dalaga habang hawak ang taingang bugbog, "Teka... mali ba 'yung size na nabili ko? Tara, bumili tayo ng bago!"

Hindi naabutan ni Mule ang babae at nakatapak na ito kaagad sa escalator. Naharangan na rin siya ng mga taong naglalakad pero hindi siya tumigil sa paghahanap hanggang sa makita niya ang fast food resto at pinuntahan niya iyon. May malaki itong letter "M" na kulay dilaw.

Lumabas siya roon bitbit ang dalawang drinks na float. Mabilis siyang naglakad at tumuntong sa escalator pataas. Nagpalinga-linga siya upang hanapin si Myz at laking tuwa niya nang makita itong nakaupo sa bench doon sa garden malapit sa fountain. Nilapitan niya ito nang hindi namamalayan. Kinuha niya ang isang float na nagpapawis ang baso sa sobrang lamig, idinikit niya iyon sa pisngi ni Myz. Nagulat ito at napatingin sa gilid niya kung saan nandoon na ang mukha ni Mule nag-aabang sa kanya.

"Sorry," sambit ni Mule, inalok kay Myz ang hawak niyang drinks.

Ilang segundo pa silang nagkatitigan, hindi naglaon ay kinuha na rin ni Myz 'yong drinks dahil nauuhaw na rin siya kakasalita kanina.

Tinabihan ni Mule ang dalaga at mayamaya'y tinanong, "Galit ka pa ba sa 'kin? Sorry na, please. Friends na tayo, 'di ba?"

"Ano sa tingin mo?" Galit na isinaksak ni Myz ang straw sa butas na takip ng baso at brutal na humigop.

FLIRTY HABITS • THE FUCKBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon