36.1 - THE WEDDING SPECIAL CHAPTER

97.7K 783 155
                                    

Marahang naglalakad si Myz sa pulang carpet na napupuno ng mga pulang petals ng rosas, tila ba anghel ang dumarating at papalapit sa kanya. Hindi makapaniwalang kasal na nila ngayon ni Myz, parang kailan lang magkaaway lang sila, laging nag-aasaran, ni walang sinuman ang nakakaalam na magkakatuluyan pala sila at magkakamabutihan ng loob.

Sermon na ni Father, sobrang bilis ng pangyayari. Hindi nila namalayan na halos patapos na ang kanilang kasal ngunit bago ideklara ni Father na sila ay ganap na kasal na. Bago pa maisuot ang singsing sa daliri ni Myz ay hinugot nito kaagad ang daliri, inilayo. Tumingin kay Mule nang may mga luha sa mata, hinawakan nang mahigpit ang magkabilang gilid ng wedding gown saka mabilis na tumakbo palayo sa altar, palayo sa lalaking pakakasalan niya.

"Myz!" sigaw ni Mule, gulat na gulat. Nanlalaki ang mga mata, nagkaroon nang luha na hindi namamalayan. Sinubukang habulin si Myz pero mabilis na itong nakaalis sakay ng wedding car niya.

"MYZ! 'WAG MO 'KONG IWAN!" sigaw ni Mule, basag ang boses, garalgal na humagulgol sa pag-iyak.

"Mule, nananaginip ka, anak. Ako 'tong kasama mo, hindi si Myz." Mga salitang nagpabalik sa huwisyo kay Mule na panaginip lang ang lahat. "Ayusin mo sarili mo," sabi pa ng papa niya. Inayos naman ni Mule ang suit niya at necktie na bahagyang nagulo. Nasa backseat siya ng wedding car, nakatulog pala siya nang lingid sa kaalaman niya.

"Malapit na ba tayo?" tanong ni Mule sa papa niya.

"Oo, ito na nga, e." Nagmaniyobra ang papa niya at tinapakan ang break mayamaya. "We're here."

"Kinakabahan ako, Dad." Tinitigan niya sa mata ang kanyang papa na wala namang mabanaag na kahit anong pangamba, "Myz ran away from me during our wedding."

"Where did that happen?" asked his father.

"In my dreams," Mule answered, over thinking about it.

"Panaginip, hindi totoo. Kabaligtaran, kadalasan ang nangyayari. So it's gonna be fun, it's gonna be a lit and epic wedding. Let's go, son! Shake it off!"

After those words na narinig niya mula sa ama niya, never niya nang inisip ang panaginip na 'yon. Hindi na siya nangamba pa dahil may point ang Dad niya and thanks to him, natauhan siya. Iniisip niya na lang ngayon ay kung gaano ba kaganda si Myz sa kanyang wedding gown. He's so excited.

Binati niya ang mga nagsidalo, mga kamag-anak, friends, especially ang best friend niyang si Carlos. Mayamaya ay nasa harap na siya ng altar nang i-announced na dumating na ang bride.

Napakaraming taong naririto ngayon sa sagradong lugar na ito, halos katumbas ng bilang ng bulaklak na nagsilbing dekorasyon, ang mahabang red carpet mula sa altar patungo sa pinto ng simbahan at pagbukas no'n ay bumungad kay Mule ang isang anghel, mali, mistulang anghel pala sa taglay na ganda nitong si Myz, ang babaeng kanyang mapapangasawa.

Hindi biro ang mga nangyari kaya naman paano naman humantong sa ganitong ending ang love story nilang dalawa? Hindi rin alam ni Mule. Basta't ang importante ngayon ay masaya ang puso niya at ang pinapangarap niyang kasal, ngayo'y matutupad na sa taong pangarap din niya.

Marahan niyang pinagmasdan ang paglalakad ni Myz, kasabay ng mga taong nakatingin din sa babaeng naglalakad sa aisle, nag-iisa, walang katulad. Kasama ni Myz ang papa niya sa paghahatid rito patungo sa altar at habang papalapit nang papalapit ang minamahal, palapit na rin nang palapit sa chorus ang kanta, ang kanyang puso ay halos sumabog na.

Ngunit naunang umagos ang mga luha sa kanyang mga mata sa kaligayahang hindi masukat, walang katumbas. Nakangiti lamang siya at tila ba bumalik lahat sa umpisa. Tila ba nakita niya kung saan sila nagsimula ni Myz hanggang sa kung ano sila ngayon. Bangayan, awayan na walang humpay. Oo, minsan nakakarindi, nakakasawa pero sinong mag-aakalang ang asaran na iyon ay mauuwi pala sa kasalanan.

Sa hinahaba-haba nga man ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy, literal.

Nakarating na si Myz sa harapan ni Mule at tila nakita niya na rin ang lahat-lahat ng mga pinagdaanan nila ni Mule sa mga mata nilang magkatitigan mula pa nang magsimula siyang maglakad patungo sa altar.

"This is it!" Ngumiti si Myz, naisipang pagaanin ang sitwasyon. Napansin niya kasing tulo nang tulo ang luha ni Mule. "Huy, Mr. Footlong! Bawal umiyak, 'di ba? Malas 'yon!" Umiiling-iling ito matapos pabirong sabihin 'yon kay Mule.

"Sorry, Miss B... hindi ko talaga mapigilan," sagot ni Mule, natawang bahagya. "Sabi ko, hindi ako iiyak, hay... 'tang ina — ay sorry po Father," bawi nito agad nang ma-realize na nasa simbahan pala sila. "Ang ganda po ng misis ko, 'no?"

Ngumiti si Father at tumango, mayamaya pa ay sinimulan na nito ang sermon para sa kasal nilang dalawa.

"Mga minamahal na kapatid, tayo ngayo'y nagtipon-tipon upang masaksihan ang pag-iisang dibdib nitong dalawang taong ito na wagas ang pag-ibig sa isa't isa—oh, mukhang tatakbo na ang bride?" Nagtawanan ang audience, joker pala 'tong si Father, e. Biro lamang iyon, saad niya. Obviously, that's a good one, by the way. Nagpatuloy siya, "We gather here today to witness the union of two souls—Mule and Myz—whose love is as grand as Noah's Ark but hopefully without the flood." Nagtawanan muli ang mga tao, maging ang dalawa ay humahagikgik na rin. "Mule, handa ka na bang maging kapitan ng iyong sariling barko?"

Tumango si Mule dahilan para matawa muli ang mga tao dahil ginaya siya ni Father. "Sagot niya ho mga kapatid ay tango," saad ni Father at ginaya ang pagtango ni Mule. "Sagot!" sigaw ni Father dahilan para mapasagot si Mule ng dagling 'Opo, Father!' Nagtawanan muli ang mga tao. Tiningnan niya si Myz, nginitian siya nito na para bang ang ibig sabihin ay 'okay lang 'yan, 'wag kang kabahan, nandito lang ako'. Atleast, gumaan ang pakiramdam niya. Medyo nabawasan ang kaba sa dibdib.

"Mule, my man, today marks also the day you trade your bachelor's degree in solo adventures for a lifetime subscription to Team Myz. It's a package deal – you get the love, the laughter, and, of course, the eternal search for the other sock."

Laughter ripples through the pews.

FLIRTY HABITS • THE FUCKBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon