CHAPTER 26

23.8K 99 1
                                    


flirty xxvi

"Hay, ba't ba namumula ka riyan? Tinatanong lang naman kita, e!"

Hindi pa rin makasagot si Myz dahil nape-pressure na siya. Grabe! Ang init-init na nga tapos pinapainit pa lalo ni Mule. Bakit ba naging ganito ang dating ni Mule? Bakit kahit pilitin niyang magalit sa lalaki ay nawawala na lang bigla kapag ngumiti at tumitig na ito sa kanya?

"Ah... hooh!" Nagpaypay si Myz, "Ang init! Ang hot... ng araw!" Pilit na pilit ang tawa ni Myz.

Natawa naman si Mule sa isinagot ng babae hanggang sa nagtawanan na silang dalawa.

"Nauuhaw ako. Bilhan mo 'ko ng tubig."

Biglang naglaho ang ngiti sa labi ni Myz. Okay na sana... masaya na sana tapos biglang gano'n Mule?

"Tawa-tawa ka pa diyan, a..." ani Mule, "dali, bilhan mo 'ko ng tubig!"

Padabog na umalis si Myz at nagtungo sa canteen para bumili ng bottled mineral water para kay Mule. Nakakapagod. Bakit ba 'ko pinahihirapan ni footlong ng ganito?

"O! Heto na po, boss!" Inihagis ni Myz kay Mule ang mineral water na nakabote at mabuti na lang alisto si Mule kaya nasalo niya iyon.

"Galit?"

"Hindi."

"Sumunod ka sa 'kin." Naunang maglakad si Mule.

"Saan na naman?" angal ni Myz na sinundan lang ng tingin si Mule. "Pagod na 'kong maglakad!"

"Edi bubuhatin kita. Halika."

Napaatras si Myz nang akmang bubuhatin siya ni Mule.

"OA, ampota! Asa ka naman, ikaw 'yong alila hindi ako."

Nagpatuloy si Mule sa paglalakad at pinaasa lang si Myz na nagmamaktol na sumusunod sa bawat hakbang ng paa niya.

"Bakit tayo babalik sa soccer field?" tanong ni Myz. "Pagod na pagod na 'ko... puro lakad! Lakad! Utos dito. Utos doon!"

"Payungan mo na lang ako kaysa daldal ka nang daldal d'yan!" Pasimpleng napangiti si Mule habang nauunang maglakad, kunwaring sinusungitan si Myz.

Kaagad naman niyang isineryoso ang mukha nang maabutan at mapayungan siya ni Myz.

"Ang init pa rin! Paypayan mo 'ko," utos niya kay Myz na palihim na siyang isinusumpa sa isip-isip.

"'Yan na po!" padabog na sambit ni Myz at ibinuka ang pamaypay na kinuha rin sa bag.

"Lakasan mo! Kumain ka ba?" reklamo pa ni Mule at sinunod naman ni Myz kahit na ngawit na ngawit na ang kili-kili kapapaypay sa madiwarang lalaki.

"Hay, gusto ko nang magpakamatay!" bulalas niya pa. Napatingin naman sa kanya si Mule pero inirapan niya lang ito.

"Naiinitan ka yata. Dito ka," sambit ni Mule at inakbayan siya para masukuban din ng payong.

Heavens above.

Hinigpitan pa nito ang pag-akbay sa kanya kaya naman napadikit siya sa nag-iinit nitong katawan. Nakaakbay pa rin si Mr. Footlong at nanatili sila sa gano'ng posisyon habang naglalakad at magkasalo sa ilalim ng iisang payong.

Nakarating sila sa soccer field at pinagpapawisan na naman si Mule. Paano napansin ni Myz na pawisin pala ito? Abot na naman ang titig niya rito.

Nang ipipihit ni Myz ang katawan patagilid ay bigla siyang hinarangan ni Mule at itinapat ang payong sa harapan.

FLIRTY HABITS • THE FUCKBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon