38.1 - BIRTHDAY SPECIAL CHAPTER

73.9K 942 39
                                    

A/N: Happy birthday, Mule! I missed you so much. To y'all, hope u enjoy this chapter! I'll post the 2nd & 3rd part tomorrow 'cause I'm not feeling well today. Mwah!


°•°•°•


NORMAL NAMAN ANG araw lagi para kay Mule at kapag sinabing normal ay kung ano lamang ang nakagawian niyang gawin, 'yon ang madadatnan niya paggising.

Gaya ng araw ngayon. Nagising siyang wala sa tabi ang asawang si Myz pero hindi naman problema ito dahil madalas nagluluto lang iyon sa ibaba para hasain ang kanyang skills sa pagiging perfect wife para sa kanyang husband, nagtitimpla ng kape o kung anoman.

Perfect na sana, 'yon nga lang, ang problema, pagkatapos mag-unat-unat ni Mule, i-stretch ang leeg pakaliwa, pakanan at paikot gayon din ang baywang ay lumabas siya ng kwarto nila. Siyempre, nakangiti siya, masaya, excited sa pag-welcome ng asawa at umaasang mainit ang pagtanggap nito sa kanya---kaso hindi.

Sinadya niyang masamhid nang sa gayon ay malinis man ang kung anong nakabara sa kanyang lalamunan. Nakuha niya naman ang atensyon ng asawa pero nanlamig siya. Bakit? Dahil malamig ang pagtanggap nito, e.

Nagtaka si Mule. Hindi 'to kabilang sa mga normal na araw na tinutukoy niya. Kahit pa bumati na siya ng 'good morning' at humalik sa pisngi ng asawa ay hindi man lang ito bumati pabalik. Kahit man lang halik sa pisngi ay hindi gumanti ang kanyang wife.

"Baby, is there something wrong?" tanong ni Mule. May pag-aalala. Kahit sino naman ay 'yon ang mararamdaman maliban na lang kung hindi ka mahal ng isang tao o walang pakialam sa 'yo. Hindi naman gano'n si Mule as a husband.

Ngunit hindi kumibo si Myz kaya naman ang mga kakatwang haka-hakang naisip ni Mule ay kiniliti ang kanyang utak na tila mabagal pa ang pagproseso.

"Hindi mo na 'ko mahal?" tanong ni Mule, pouting his lips para magpa-cute sa asawa. Akala niya naman, uubra pa ang mga banat niyang gan'to kay Myz? P'wes hindi, akala niya lang 'yon.

Hindi niya napangiti ang wife niya and it really widened his speculations that something's off. Should he ask her wife now? Tinanong niya na nga, 'di ba? Hindi naman sumagot. Hindi naman sinabi kung bakit.

Strange.

It really is. So, in the back of his mind, he came to think that maybe it is the right time para gawin ang kanyang last resort.

Ginamit na namang muli ni Mule ang kanyang signature seductive smirk with his eyes na hindi inaalis ang tingin kay Myz. Madalas mahulog ang wife niya sa ganitong taktika ng husband. Naaral niya na 'yon dati pa at hindi pa siya pumapalya kapag ginagamit ang card na 'to.

Napaliit niya nang napaliit ang gap nila sa isa't isa at ngayon magkadikit na ang mga dibdib nilang—teka—bakit kabog lang ng sariling dibdib ang nararamdaman ni Mule? Bakit hindi niya maramdaman ang lakas ng kabog ng dibdib ni Myz na dapat ay nararamdaman niya o naririnig kapag ginagawa niya ito. Napakatahimik naman sana at walang ingay sa paligid nila—pero bakit?

Biglang nabasag iyon—ang katahimikang binuo nila—maingay na ngayon. Inasahan ba nila 'yon? Hindi. Napatingin sila sa pinagmulan ng nakaririnding ingay. Ingay na mula sa malakas na boses ni Carlos, na nauna pang sumigaw at tumawa kaysa kumatok ng pinto.

"Huy!" basag ang boses nitong sambit kina Myz at Mule na naaktuhan niyang malapit nang magdampi ang mga labi para sa isang kiss. "Morning sex? Wow. Mukhang hindi ko naman yata nasira ang inyong mainit na sandali?" Tumawa siya nang malakas, sinuksok ang kamay sa bulsa at inayos ang kanyang pagtayo sa tapat ng doorway.

Nakatanggap siya ng matatalim na tingin mula sa bagong kasal na couple.

"Sabi ko nga, nasira ko." Seryoso na si Carlos at gano'n kabilis niyang binura ang mapang-inis niyang halakhak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FLIRTY HABITS • THE FUCKBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon