Chapter 3

14.5K 623 17
                                    

Wesley's Point Of View

Isinara ni Hanna ang pinto kung saan ginaganap ang autopsy ng victims. Nakahinga ako ng maluwag. "Ito ang official na autopsy crime center ng PCU-UCIPG. We make sure that those victims of crimes in our jurisdiction will be examined here, of course we need the consent of their relatives. Si Dr. Caroline Cruz ang nakita mo kanina, siya ang resident Pathologist natin. She's also one of us."

Clueless ang mukha ko. "What do you mean about one of us?"

"I am a clairvoyant, she's a clairaudience." Napabuntong-hininga si Hannah. "But this case is difficult since we can't hear a word from the spirit of the victim."

Bigla kong naalala, "yeah. I saw that picture. Sa kotse siya pinatay, somewhere. Malayo sa pinagtapunan sa kanya. Most spirits hang around those areas where they were killed, right?"

"Right. Some spirits remain at or near the site of their death, especially if it was sudden and unexpected. Teka, doon muna tayo sa office ko. We need to talk."

Lumakad kami patungo sa building na pinanggalingan ko kanina. Wala yung kalbo sa help desk, mamaya yari siya sa akin. Dumirecho kami sa kaliwa, then Hannah opened the door at the far end ng hallway. May nakasulat na Inspector Hannah Delgado sa pinto. "This is my office."

Pumasok si Hannah, sumunod naman ako. "Have a seat." Alok nito sa tapat na upuan ng table niya, saka ito naupo sa swivel chair.

"Thank you." Nilinga-linga ko ang office niya. Malinis at well-maintained. Buti naman at puti ang pintura ng loob ng building. Ang creepy at baduy talaga tingnan ang labas ng building.

"Gusto ko sanang malaman ang ability mo. Honestly..." tila nag-iisip si Hannah kung paano sasabihin ang gusto niyang sabihin, "no one thought that psychometry exists. Well, normal people will really think that clairvoyance, third eye, ESP and the rest do not exist, right? But psychometry is still not yet proven scientifically."

Napabuga ako ng hangin. "I know. That's why I never mentioned my ability to anyone."

Napakamot sa batok si Hannah. "What do you normally experience when you use your ability? Are they vivid picture, glimpse, or anything."

"Like a movie playing. Kung ano ang nangyari sa paligid kung saan naroon ang bagay na hinawakan ko. I can see the history of anything."

Napalingon si Hannah sa mga kamay ko, tipong duda pa rin sa kakayahan ko. "Why are you not wearing gloves, kung talagang may psychometric ability ka?"

"I can control my ability. I can block it. Matagal din bago ko na-control."

"Kailan mo nalaman na may ganyang kang ability?"

"When my mom and younger brother died. First time kong na-experience 'yon noon, but no one believed me..." napatigil ako sa pagkukwento, baka kung saan pa makarating ang kwento ko, "anyway, I wore hand gloves from that day until I mastered my ability 3 years ago."

Hannah crossed her arms. "I still want to test your ability. Are you okay with that?"

Tumango ako. Hinahamon ako ng babaeng 'to. "No worries."

Tumayo si Hannah, "follow me." Saka ito nagtungo sa pinto at lumabas. Sinundan ko siya kung saan man siya papunta. Dumiretso ito sa hallway at kumanan, nilakad ang mahabang hallway patungo sa hagdan sa dulo, umakyat kami sa second floor saka dumiretso sa dulong bahagi ng hallway. Inilabas ni Hannah ang susi saka binuksan ang pinto. Tumambad sa akin ang maraming estante na may iba't ibang bagay na nakasalansan doon.

"What are these?" Inisa-isa kong tiningnan ang mga naroon. Knife, golf club, wallet, cellphone, etc, mga naka-plastic lahat, may label din lahat pero hindi ko binasa.

Paranormal Crime Unit (Wattys PH 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon