Chapter 15

11.8K 497 20
                                    

Hanna's Point of View

Nakakasilaw naman, ang puti ng paligid. "N-nasaan ako?" Bakit para akong nanghihina?

"Anak, ayos na ba ang pakiramdam mo?" Boses ni Papa.

Nilingon ko ang kanang bahagi ng kinahihigaan ko, naroon si Papa. "'Pa. A-ano'ng nangyari?"

"Nakalimutan mo na? Tinamaan ka ng bala." Hinagod ni Papa ang buhok ko. "Ayos ka na ba, hija?"

Tumango-tango ako. Bigla kong naalala si Wesley. "'Pa, si Wesley?" Nag-aalala ako sa kanya, baka kung napaano na siya.

"Ayos lang siya. He's safe, thanks to you. Iniharang mo ang katawan mo. I know we told you to take care of him, pero that doesn't mean you need to catch every bullet to save him. Don't do it next time." Kita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Papa. He's not vocal about his feelings, pero ramdam kong mahal niya ako.

"I had to do it, Papa. I need his help badly, para mahanap si Mama." Napahawak ako sa noo ko. Nahihilo pa ako.

Lumambot ang mukha ni Papa. Pinaalala ko pa kasi siya. Basta na lang nawala si Mama noong bata pa ako, at hanggang ngayon ay wala kaming balita sa kanya. "Magpahinga ka na muna. Saka mo na isipin ang Mama mo."

"Nasaan si Wesley?" Inilibot ko ang tingin ko sa silid. Bakit wala siya dito?

"Pinuntahan nila ang kuta ng prostitution den na pagmamay-ari ng magkapatid na Salas. Yes, kasangkot si vice sa illegal business ng kapatid niya."

"A-ano? T-teka, baka mapahamak na naman si Wesley do'n!" Pinilit kong tumayo pero sumakit ang tagiliran ko. Napabagsak ako ng higa. "Aaahhh...." nahawakan ko ang kaliwang tagiliran ko.

"Sinabi nang magpahinga ka eh ... teka nga, iyang pag-aalala mo ay hindi pag-aalala ng isang superior sa tao niya ..." mataman akong tinitigan ni Papa. Nag-iwas ako ng tingin. "Sinasabi ko na eh."

"Papa ..." ipinaling ko sa kaliwa ang ulo ko. Nakakahiya.

"Dalaga na talaga ang anak ko. Tama lang 'yan. Nasa tamang edad ka na. Kahit mas matanda ka sa batang iyon ng isang taon ay hindi na masama. He seems responsible and kind."

"Papa naman eh ..." Naiiyak na itinalukbong ko ang kumot sa mukha ko. Of all people, si Papa pa ang nakabuking sa pinakatago-tago kong sikreto na hindi ko rin maamin sa sarili ko, not until I saw that threat to his life.

Napatawa si Papa. Ngayon ko lang siya narinig tumawa ng bukal sa loob niya sa tagal ng panahon mula ng nawala si Mama.

"Sige na, hija. Magpahinga ka na. Hindi ko sasabihin sa iba na may gusto ka sa kanya." Tumawa-tawa pa si Papa habang papalabas ng silid ko.

"Papa!" Nakakainis! Makatulog na nga lang.

Wesley's Point Of View

Narito kami ngayon sa 'di kalayuan sa labas ng Club kung nasaan ang kapatid ni Donnel. Tiningnan ko ang mga kamao niyang naka-benda. Isuntok ba naman sa pader, ano ba ang laban niya do'n?

"Men, remember, magpapanggap tayong customer. Itago ang mga baril, make sure that no one will notice na pulis tayo." Instruction ni Donnel. Tumango ang sampung pulis na kasama naming unang papasok, tiningnan niya rin ang iba pang naka-antabay sa likod na back-up kung sakaling magkakaroon ng labanan.

"Ikaw, huwag lalayo sa paningin namin ni Victor. Yari ako kay Hannah." Mariing utos sa akin ni Donnel. Tumango na lang ako, para naman akong bata kung bantayan ng mga 'to.

Tinungo na namin ang club at pumasok sa main entrance. May seksing babaeng receptionist na sumalubong sa amin. Nakapulang fitted na bestida ito na halos wala nang matakpan sa katawan. "Videoke room for how many, Sir?"

Paranormal Crime Unit (Wattys PH 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon