Chapter 21

10.9K 484 24
                                    

Umusad kami ng kaunti, malayo sa bahay para hindi mahalatang ang apartment na 'yon ang pakay namin. Isang oras din mahigit ang pinalipas namin bago nagpasyang gawin ang plano.

"Let's go." Aya ni Donnel. Lumabas ito ng kotse kaya bumaba na rin ako. Pasado alas-dose na at wala nang tao sa paligid. Nasa gitna ng malaking lote ang apartment ng nawawalang detective. May isa pang apartment na katabi ito pero mukhang wala ring tao. Naka-kadena ang gate kaya umakyat kami ni Donnel sa mababang bakod.

Sumenyas si Donnel na maghiwalay kami at ikutan ang bahay. Sa kaliwa ako nagpunta sa side ng katabing apartment at sa kanan siya sa side ng apartment ng detective. Marahan akong lumigid sa katabing unit. Sinilip ko ang bintana sa gilid pero walang tao sa loob. Mukhang parehong abandonadong unit ang narito. Nilakad ko hanggang sa likod at nagtagpo kami ni Donnel. Tumapat kami sa back door ng apartment ng detective, sumenyas si Donnel na buksan ang pinto.

Sinibukan kong pihitin ang seradura para tingnan kung naka-lock pero bukas ito. Nagkatinginan kami ni Donnel, mukhang may ibang naunang pumasok dito. Itinulak ko ng kaunti ang pinto at pinakiramdaman ang loob, wala namang tao o kaluskos kaya pumasok na ako kasunod si Donnel. Tinawid namin ang kusina at nagtungo sa sala.

"Walang tao." Binuksan ni Donnel ang ilaw sa sala, at tumambad sa amin ang kalat-kalat na gamit ng detective.

"Mukhang may pumasok dito at may nag-halughog ng mga gamit niya." Inisa-isa kong sinipat ang mga gamit na nakakalat. Umupo ako at tatangkain na sanang basahin ang energy ng remote control ng TV na nakakalat nang biglang may nagpaputok ng baril. Dumapa agad kami ni Donnel para mag-cover. Pinauulanan ng bala ang apartment na kinaroroonan namin!

"Wesley! Just dock! Huwag kang tatayo!" Sigaw ni Donnel.

Hindi pa rin tumitigil ang pagpapaulan ng bala sa amin mula sa harap ng bahay, tila armalite ang gamit at hindi lang isa. Nagsimulang gumapang si Donnel patungong kusina kaya sumunod na rin ako pero hindi pa rin tumitigil ang pagpapaulan ng bala sa amin. Inilabas ko ang baril ko at pinaputukan ang ilaw ng sala. Mas makakakilos kami kung madilim ang loob.

"Halika na!" Sigaw ni Donnel.

Sumunod ako sa paggapang sa kanya. Ngayon pa lang ako nakikipag-sayaw sa bala, abot-abot ang kaba sa dibdib ko pero kailangan kong makaligtas dito.

"Shit!" Hindi lang dapat dito magtapos ang buhay ko. Nakaabot kami sa kusina, palabas ng bahay sa likod. Gumapang kami ni Donnel kahit nasa lupa na kami habang hawak ko pa rin ang remote control ng TV ng detective, tinungo namin ang madamong bahagi sa likod ng bahay saka nagtago sa pagitan ng mga matataas na damo ng nakadapa pa rin. Madilim ngunit nasanay na ang mga mata namin. Itinuro ni Donnel ang gilid ng pader. Kailangan naming makasampa duon para makalabas ng bakuran at makabalik sa kotse.

"Mabilisan 'to, makikipag-unahan tayo sa bala. Game?" Seryosong bulong ni Donnel.

"Game." Huminga ako ng malalim saka marahang umupo para maghanda sa pag-sampa sa bakod. Mababa iyon kaya madaling akyatin.

Tumayo akong bigla at nilundag ang bakod, ginamit ang dalawang braso pangtukod para madala ang buong katawan ko patawid sa bakod.

"Ayun sila!" Sigaw ng isang lalake.

Nilingon ko muna ito bago ko ibinagsak ang katawan ko sa kabilang side ng bakod. Bumagsak din si Donnel sa tabi ko, saka namin narinig ang pagpapaulan ng bala sa amin. Humahangos kaming tumakbo patungo sa sasakyan ko na malapit na sa gawi ng tinalunan namin.

"Sakay!" Hiyaw ko kay Donnel.

Mabilisang umangkas kami ng sasakyan at ini-start ang makina saka ko pinaharurot ng matulin. Nadaanan pa namin ang apat na lalakeng may maskarang bungo na lumigid sa harap ng bahay patungong sasakyan nila. Tinangka ko silang sagasaan pero nakailag sila. Malayo-layo na kami nang magpaputok sila sa amin.

"Damn! My car!" Inihampas ko ang kamay ko sa manibela ng kotse.

"Hayaan mo na, rich kid ka naman." Humihingal na sabi ni Donnel.

Nakakalayo na kami nang mapansin namin ang headlight ng kotse sa 'di kalayuan sa likod namin.

"Sinusundan tayo." Saad ni Donnel. Bakas sa mukha ang pag-aalala nito. "What now? Where are we heading?"

"Sa presinto. Hindi sila magpapaulan ng bala do'n. I wonder kung tayo talaga ang target nila o ang detective at tyempo lang na tayo ang naroon." Iniliko ko sa intersection ang kotse para mailigaw ang mga sumusunod pa rin sa amin. Pagkaliko ay ipinasok ko ito agad sa isang bakanteng lote at pinatay ang makina ng sasakyan. Nilingon namin ang kalsada at inabangang lumagpas ang sasakyang nakabuntot sa amin.

"Sila 'yon!" Bulalas ni Donnel nang lumagpas ang nagmamadaling kotse.

Hinintay ko ang ilang saglit bago ko binuhay ang makina ng sasakyan, inimaniobra paharap saka lumabas ng vacant lot. Sinilip pa namin ang kanang bahagi para matiyak na wala na sila, gladly ay wala na nga ang mga ito.

Napabuga ng hangin si Donnel. "Let's go."

Ikinabig ko pakaliwa ang manibela at binaybay ang daan pabalik sa presinto. Mabilis pa rin ang pagpapatakbo na ginawa ko para matiyak na hindi kami nasusundan ng mga nakaharap namin.

"I think we are trying to open a big can of worms." Konklusyon ni Donnel.

"I think yes. Pinag-aksayahan ng panahon at maraming bala ang bahay ng isang employed detective. There is really someone big behind these crimes." Ipinasok ko na sa malawak na looban ng presinto ang sasakyan ko.

We went out of the car pero hindi muna ako pumasok sa opisina, niligid ko ang kotse ko para tingnan ang tinamaan ng bala. Tatlong bala ang tumama sa likuran. "Can I make them pay me up?" Namaywang ako.

Tumawa si Donnel. "Kapag nahanap na natin sila." Tinawag nito ang dalawang pulis na nasa labas ng building. "Paki-imbestigahan ito. Pinaulanan ng bala ang dalawang police officers habang nasa mission." Itinuro sa dalawang pulis ang likod ng kotse ko.

"Yes, Sir." Sumaludo pa ang dalawa.

"Halika na." Tawag ni Donnel sa akin para sumunod papasok ng office. "Napapagod na 'ko. Hayaan na natin muna silang mag-imbestiga sa attempted ambush sa atin." Tumingala muna si Donnel bago lumakad ulit papasok ng opisina.

Alam ko. Pinipilit niyang kumalma tulad ko matapos naming makipag-patintero kay kamatayan. I am also trying to pull myself together. Tiningnan ko ang mga galos sa siko't braso ko gawa ng paggapang at ang maruming T-shirt ko na puno ng lupa. Hawak ko pa rin ang remote control ng TV ng detective, may makita sana akong kapaki-pakinabang para makausad naman ang kaso. Napakaraming nangyari sa araw na 'to. I sighed deeply bago ako pumasok sa loob.

To Be Continued....

More action on the next chapters. Update will be on Sunday. Thanks for reading Paranormal Crime Unit!😊

Paranormal Crime Unit (Wattys PH 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon