Chapter 32

10K 455 43
                                    

Wesley's Point Of View

Para akong nabingi sa narinig ko. Hacienda Alfonso? "Sandali ... Hacienda Alfonso? Iyong may taniman ng mais?" Hindi pa rin ako makapaniwala. Nagtinginan kami ni Hannah.

Tumango si Araullo. "Oo, duon nga. Alam mo ang Haceindang iyon?"

"O-Oo ... I can't believe this. Wait," dinukot ko ang phone ko at hinanap ang lumang larawan ni Kuya Leo, iyong huling larawan na mayroon siya sa akin. Hindi pa rin naman nagkakalayo ang itsura niya nuon at ngayon, "ito ba ang nakita mo?" Inilapit ko kay Detective Araullo ang phone ko.

Tinitigan nitong mabuti ang screen. "Hindi ko masyadong maalala. Nakatalikod siya sa gawi namin no'ng lumapit kami, tapos pinalayo kami ng kanang-kamay niya, bawal daw lumapit. Malayo na kami no'ng humarap siya sa gawi namin."

Napaunat ako ng upo. May iba pa bang tao na nakatira do'n maliban kay Kuya? Ano rin ba ang dahilan para hindi niya ipakilala si Ate Cedes kay Papa? Habang tumatagal ay lalong nagiging kumplikado ang mga bagay, sala-salabat na rin ang problema.

"Sino ang kanang-kamay no'ng Big Boy?" Tanong ni Hannah.

"Iyong napatay na takas na bilanggo, si Gregorio Gumapao. Labas-pasok iyon sa kulungan. Nakakatakas gamit ang koneksyon. Sinawaan na siguro sila sa kanya kaya tinapos na."

This is getting deeper. Tinatapos ang mga nakakakilala kay Big Boy. "Iyong Big Boy ba ang pinaka-pinuno nila?"

Umiling si Araullo. "Hindi ako sigurado. Pero narinig ko na may isang tinawag na Master si Gregorio habang may kausap ito sa phone. Hindi ko pa siya nakikita kahit minsan."

"Peter," putol ni Dark Knight sa usapan namin, "pakitawag si Mike. We need someone with an exceptional IT skills to track and hack that person, whoever he is. Isama mo si Araullo."

"Roger." Tumayo na sina Peter at Araullo saka lumabas ng office.

"Now, what's with this Hacienda Alfonso?" Tanong ni Dark Knight sa akin. Mukhang nakahalata na may itinatago ako, kaya siguro pinaalis din sina Peter at Araullo.

"The person who lives there," putol ko, humugot muna ako ng malalim na hinga bago ako nagpatuloy, "is my older brother."

Ilang saglit na natigilan si Dark Knight, tila pina-process pa ng utak niya ang sinabi ko. "Wala kang alam sa nangyayari sa Haciendang iyon?" Pinag-aaralan nito ang kilos ko, ramdam ko 'yon.

Umiling ako. "I've been hiding from them since my Mom was killed 10 years ago. My father killed my Mom, but no one believed me." Pagsisimula ko. "Iniwan ni Mama sa akin ang halos lahat ng ari-arian niya, at nagalit sila sa akin. My father tried to kill me back then pero nakaligtas ako at itinago sa America ni Sec Johnson."

"Sec... si Johnson Villareal ba 'yan?" Bulalas ni Dark Knight.

"Yes. Do you know him?" Nagtatanong ang mga tingin ko. Kilala niya si Sec?

"Nasaan siya? Teka ... Gutierrez ... Ikaw ba ang anak nina Marina at Romeo?!" May pagkagulat sa tinig nito.

"O-opo. Pangalawang anak nila. Kilala n'yo po ang mga magulang ko?!" Mas lalo akong nagulat.

"Kung gano'n ay ikaw ang balak na ilapit sa akin dati ni Marina when you were still a kid pero hindi kami nagkita dahil lumabas ako ng bansa and I was away for several years, then I never heard anything from them when I came back." Maang na sabi ni Dark Knight. "Akina ang numero ni Johnson."

Nag-aalangan man ay ibingay ko na rin ang phone number ni Sec. Pumindot sa phone nito si Dark Knight at naghintay ng sagot sa kabilang linya. Inilagay sa loud speaker ang phone. "Hello?" Tinig ni Sec.

"Johnson, Dark Knight ito." Saad nito.

"Dark Knight? Kamusta?" Tanong ni Johnson. "Ang hirap mong hanapin."

"Ipinasunog ng magaling na si Romeo ang lumang building." Tumawa ng mapakla si Dark Knight. "Patay na pala si Marina? Ano ba ang nangyari? Nalaman na ba ni Romeo na anak mo 'tong si Wesley? Iyon ang sabi ni Marina sa akin 10 years ago."

Napanganga ako sa narinig ko. Ano daw?!

"Hindi ko alam. Siguro. May DNA na noon pa kaya malamang alam na niya, nito ko lang din nalaman no'ng ibinigay ng abogado ang sulat na na-misplace niya, pero hindi pa alam ni Wesley. Teka, paano mo nalaman ang number ko?" Nagtatakang tanong ni Sec.

"Kay Wesley, narito siya sa harap ko. Narinig niya ang lahat ng usapan natin." Tumingin sa akin si Dark Knight.

Hindi ako makapagsalita. Si Sec ang totoong tatay ko? Ano? Paano? Paanong nagkakilala sina Dark Knight at si Papa? Hinawakan ako ni Hannah, saka ngumiti para ibalik ang isip ko na parang lumulutang dahil sa mga narinig ko.

"W-Wesley?" Tinig ni Johnson sa kabilang linya.

"Sec ... Ikaw ang tatay ko?!"

"U-unfortunately?" Alanganin ang tinig nito.

"Ano'ng unfortunate do'n? Buti na lang ikaw ang tatay ko! Pero teka, paanong nangyari 'yon?" Hindi pa rin ako makapaniwala, pero masaya ako. He's been my guardian angel since I was a kid.

"Kailangan ko pa bang ikwento kung paano?" Tumawa ito. "Hindi ka galit?"

"Bakit naman ako magagalit? You've been nice to me, kaya pala walang amor si Papa sa akin mula noon pa." Now everything's clear. Romeo Gutierrez is not my father afterall. Kaya pala gano'n na lang ang galit niya sa akin, pati rin si Gray ay pinatay niya. "Wait, pati rin ba si Gray ay anak mo?"

"Ha? No. He's Romeo's biological son, pero pinaghinalaan siya ng Papa mo nuon na anak ko siya. Minsan lang kami nagkamali ni Marina, at ikaw ang nabuo. Iyon ang nakasaad sa sulat na iniwan niya sa akin, kailan ko lang nakuha kay Attorney Mercado, nai-misplace niya ang sulat at nahanap niya ito sa bahay niya sa Singapore last year."

"A-Alam ni Papa na hindi niya ako anak? Kaya ba ipinapapatay niya ako noon?" May namumuong galit sa tinig ko. Kahit pa sabihing hindi niya ako anak, wala pa rin siyang karapatang patayin ang Mama ko at si Gray.

"Mukhang alam na niya noon pa, bago pa mapatay ang Mama mo." Ramdam ko ang kalungkutan sa tinig ni Sec, este ni Papa pala.

"Can I call you Papa, then? Akala ko kailangan ko pang magpapalit ng dugo."

"Ikaw ang bahala. Kung komportable ka nang tawagin akong Papa."

Masaya akong napangiti kay Hannah, na alam kong masaya rin para sa akin. Tumingin ako kay Dark Knight. "Paano n'yo pong nakilala sina Mama?"

"Your Mama, Johnson and I were under Paranormal Group, mga unang myembro at nagtatag nito doon pa sa unang building 28 years ago, we were just a normal Paranormal Group, walang koneksyon sa gobyerno at nagkataong nagtratrabaho ang ilang myembro bilang private detectives." Tumayo si Dark Knight at tinungo ang cabinet nito. Inilabas ang photo album saka ipinakita sa akin. "Ang Mama mo ay may postcognitive ability, at si Johnson ay isang empath. Ang akala ko nga ay sila ang magkakatuluyan pero ang napangasawa ni Marina ay si Romeo dahil na rin sa kagustuhan ng lolo mo. Nakilala at naging kaibigan ko rin ang iyong kinilalang ama. Umalis na rin si Marina sa grupo matapos manganak sa panganay nila pero may komunikasyon pa rin at nagkikita sa ilang pagtitipon. 10 years ago, tinawagan ako ng Mama mo dahil nakitaan ka niya ng kakaibang kakayahan nang hinawakan mo raw ang boquet of roses at nalaman mong bigay iyon ni Johnson."

Pilit kong inaalala ang nangyaring iyon. Ah, noong 12th birthday ko pala 'yon. May white roses na padala kay Mama at ako ang nakatanggap pero walang dedication. "Ano po ang nangyari pagkatapos?"

"May malaking pasugalan ang Papa mo na nasagasaan ng private detective na under ng grupo namin kaya nagalit siya sa amin. Pinasunog niya ang building at pinagtangkaan akong patayin kaya umalis muna ako ng bansa at nagtagal sa Amerika ng ilang taon. Ang pamilya ko ay lumipat ng malayong lugar para hindi niya matunton. Pagbalik ko ay wala na akong contact sa Mama mo at kay Johnson."

To Be Continued....

Paranormal Crime Unit (Wattys PH 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon