Chapter 20

11.7K 471 29
                                    

We went to Gregorio Gumapao's rented apartment to investigate. May ilang pulis na galing sa ibang presinto ang nasa crime scene. Sila ang unang tinawagan ng nakadiskubre sa katawan ng biktima.

Nilapitan namin ang babaeng kasalukuyang ini-interview ng isang pulis sa labas ng apartment. "Excuse me. We're from PCU-UCIPG. Siya ba ang person of interest natin?" Bungad na tanong ni Donnel sa pulis.

"Sir, PO1 Gerardo, Sir." Sumaludo ang PO1 kay Donnel na tinugon naman nito. "Yes, Sir. Siya po ang kinakasama ni Gregorio Gumapao."

Hinarap ni Donnel ang babae. Mukhang teenager pa 'to. "Mga ano'ng oras mo siya natagpuan?"

Nagpahid ng luha ang babae bago sumagod. "Mga 6:30 ho. Galing po ako sa trabaho. Pag-uwi ko, nakita ko siya sa sala. Tadtad ng saksak." Patuloy na humikbi ang babae.

Nilingon ni Donnel ang paligid. "Wala ka bang nakitang kahina-hinalang tao sa paligid ng bahay mo pag dating mo?"

Umiling ang dalaga. "Wala po. Medyo madilim na rin po kasi. Malabo ang mga mata ko po sa gabi."

"Ano'ng pangalan mo at ilang taon ka na?" Inilabas ni Donnel ang notebook at ballpen nito.

"Mara Reyes po. 18 years old."

Nagsulat si Donnel sa notebook nito. "Maaari ka ba naming imbitahan sa presinto para makapag-bigay ng statement?"

Marahang tumango ang babae. "Sige po, pwede po."

Iniwan na muna namin sila ni Victor habang nag-uusap. Tinungo namin ang pinangyarihan ng krimen. Pumasok kami sa sala at bumungad ang katawan ng biktima na nakahandusay sa lapag, nagkalat ang dugo sa sahig maging sa iba't ibang parte ng sala. Kalat-kalat ang mga gamit. Mukhang sign na nanlaban ang biktima bago ito tuluyang napatay. Napabuga ako ng hangin. Nilinga ko ang paligid at naghanap ng gamit na maaari kong basahin ang mga nangyari.

Tinungo ko ang side table sa tabi ng sofa at dinampot ang picture frame na bumagsak.

"Ehem, maari muna kayong lumabas para makapag-conduct kami ng inspection?" Pakiusap ni Victor sa dalawang pulis na nasa sala.

"Sige. Tara na." Tinapik ng isa ang kaaama bago lumabas.

Tiningnan ako ni Victor. "Go, Wesley."

Pumikit ako at binasa ang energy na nagmumula sa picture frame. Ilang saglit ay nahanap ko ang eksenang kailangan kong makita.

Nagtungo si Gregorio sa kusina para sana maghanap ng makakain nang may kumatok sa pinto. Nilapitan nito ang pinto at binuksan. Dalawang malalaking lalaking naka-itim na pants at shirt at naka-maskarang may bungo ang bumungad sa kanya. May mga suot itong hand gloves. Dinaluhong siya agad papasok ng isa pero nanlaban siya. Nabasag ang vase sa center table at ang picture frame sa side table. Nagpambuno sila sa loob ng bahay hanggang sa tinungo ng isa sa dalawa ang kusina at kumuha ng kutsilyo. Sinugod nito agad si Gregorio na nakatalikod sa kanya at sinaksak sa tagiliran. Sasaksakin pa ulit sana ito pero nanlaban si Gregorio. Nagawa pa nitong dumampot ng basag na vase at nadaplisan nito sa leeg ang may hawak na kutsilyo. Hinawakan siya ng kasama nito sa magkabilang braso saka siya sinaksak ng nasugatan niya. Paulit-ulit sinaksak ang biktima bago ito tinigilan. Nang matiyak na wala nang buhay si Gregorio ay umalis na ang dalawa.

"Dalawang lalaking naka-maskarang bungo ang pumasok dito." Naglabas ako ng hand gloves at resealable plastic mula sa belt bag ko. Isinuot ko ang isang gloves at lumakad patungong gilid kung saan nabitawan ni Gregorio ang kapirasong bahagi ng vase na ginamit panaksak sa braso ng isa sa mga salarin. Dinampot ko ito at isinilid sa plastic. "Here. Pinanglaban ito ni Gregorio sa isa sa mga suspect, nasugatan niya sa kaliwang bahagi ng leeg. Dugo iyan ng suspect."

"Great job, Wesley." Kinuha ni Donnel ang plastic.

Sinubukan ni Wesley na basahin pa ang ibang gamit na naroon pero wala na siyang nabasang makakatulong sa kaso. Hinanap din niya ang phone nito pero wala siyang nakita sa katawan ng biktima. "If only I could get a hold of his phone, baka may clue kung sino ang nag-uutos sa kanila o baka may nakausap siyang nasa itaas nila."

Umakyat si Victor sa silid ng biktima at namalagi ng ilang saglit doon bago bumaba. "Wala ring naiwang phone sa taas. We'll ask his live-in partner."

Lumabas na kami ng apartment para kausapin ang ka-live in nito pero isang putok ang gumimbal sa amin. Napaupo kaming lahat dahil sa pagkagulat at para mag-cover. Isang humaharurot na motor na may riding in tandem ang papalayo mula sa amin. Sumakay sa patrol ang ilang pulis at hinabol ang mga nagpaputok. Nilingon ko ang paligid para alamin kung may tinamaan. Duguan ang babaeng ka-live in ni Gregorio at nakahandusay sa simento. May tama sa taas ng kanang dibdib nito.

"No! Mara!" Sinalat ni Donnel ang leeg ng dalaga. "Humihinga pa siya. Dalhin agad sa hospital!" Utos ni Donnel sa dalawang may dalang stretcher para sana sa katawan ni Gregorio. Kinuha ng dalawa ang babae saka isinakay sa ambulance. "Victor. Samahan mo at bantayan ang babae. Magsama ka ng ilan sa mga ibang pulis dito para magbantay. May dahilan kung bakit pati ito ay gusto nilang ipatumba. Pupuntahan namin ang detective."

"Roger." Sumaludo si Victor saka humabol pasakay sa ambulance.

"Wesley. Tara. Mag-aakyat-bahay tayo." Tinapik ako ni Donnel sa balikat bago kami nagtungo sa kotse ko.

Sumakay kami pareho saka pinaharurot ang sasakyan. "Convinced ka nang mag-akyat-bahay tayo?"

"This is not just a small case, I can sense that. They are trying to cover up a big fish kaya pati takas na bilanggo at ka-live in niya ay pinag-aksayahan ng oras to shut them up." Napahampas sa dashboard si Donnel.

"I know. I think all these killings are related to one another. Maliban kay Facundo na na-engganyo lang magmaskara dahil sa nakita niyang may nagsuot ng mask na 'yon." Napaisip ako. Saan nakita ni Facundo ang taong may suot ng mask?

"Naisip mo rin? Facundo saw those men with masks before, and he was able to get a hold of one mask kahit mahirap kumuha no'n." Dinukot ni Donnel ang phone. "Hello, Rowana. Tawagan mo ako kapag nagising na si Facundo. Bantayan n'yo siya. Oras na magising siya, ask him kung may naaalala siya while being possessed. Anything. Bye."

Kalahating oras din ang inabot bago namin narating ang apartment ng detective. May mga tao pa na dumadaan-daan sa paligid.

"Let's wait until midnight." Saad ni Donnel.

To Be Continued....

Action packed ang next scenes. 😊

Paranormal Crime Unit (Wattys PH 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon