Chapter 39

10K 430 30
                                    

Wesley's Point Of View

Hindi ako maaaring magkamali, iyon ang sugat na iniwan ni Gregorio sa isa sa mga pumatay sa kanya!

"Boss, okay ka lang ba?" Pukaw ni JR sa kanya. "Para kang namaligno."

Hindi ako makapaniwala, siya ang pumatay kay Gregorio Gumapao! Ano ang kinalaman niya sa Black Mask Gang? Lalo rin akong naguguluhan sa sitwasyon. Magkaaway ang dalawang pamilya at ayon kay Papa Johnson, sinisisi no'ng Darwin ang kinagisnang ama ko sa pagkamatay ng kanyang ama pero casual lang kung banggitin nito ang pangalan ni Kuya Leo. Hinayaan pa niyang magkaroon ng relasyon si Kuya at si Ate Cedes? Parang malabo.

"Halika, bayaran na natin ito." Nagpatiuna na akong maglakad para sundan sina Ate Cedes sa counter 22 kung saan sila magbabayad.

"Teka Boss, wala pang underwear ang bisita n'yo." Pigil ni JR dito.

Dumampot ako ng ilang pack ng underwear sa nadaanan kong estante kahit hindi nakatingin sa mga ito dahil tutok ang atensyon ko kina Ate Cedes na papalayo na. Humakbang na ako para magmadaling sumunod pero may pumigil sa akin.

"Sir." Pukaw ng isang Sales Lady. Nilingon ko ito. "Sigurado na po kayo sa kinuha n'yong size n'yo? No return no exchange po kapag undergarments."

Napanganga ako sa sinabi ng babae. Ano daw? Size ko? Nakita kong impit na napahagikgik sina JR at Lucho.

"Ah, eh, h-hindi para sa akin 'to. Para sa girlfriend ko. Sige." Saka ako matulin na naglakad kasunod sina JR. Sigurado akong pulang-pula ang mukha ko sa inis!

Tinungo namin ang counter 22 at nagbayad na, nilingon ko sina Ate Cedes na papalabas na ng department store. Hindi ko na kinuha ang sukli at nagmamadaling dinampot ang mga pinamili namin. "Halika na, sundan natin sila." Aya ko kina JR.

"Ano'ng problema, Boss?" Nagtatakang tanong ni JR.

"Malalaman natin mamaya. Pasimple lang kayo. Kunwari ay namimili lang tayo." Tinungo namin ang direksyon kung saan sila dumiretso. Ilang metro rin ang distansya namin sa kanila upang hindi makahalata. Napansin ko rin ang dalawang lalaking naka-leather jacket ang nakasunod sa kanila, mga bodyguard siguro. Napansin kong sobrang close sina Ate Cedes at ang Kuya nito dahil umangkla pa ito sa braso ng kapatid.

Pumasok ang dalawa sa IMax, mukhang may balak manood ng sine ang dalawa, kasunod pa rin ang dalawang bodyguard nito. Napaisip ako kung may saysay ba ang pagsunod namin sa mga ito o hayaan ko na lang sila pero may isang bahagi sa loob ang nagsasabi sa akin para sundan sila.

"Boss, manonood tayo? Nice!" Napasuntok pa sa hangin si JR. Mukhang natuwa rin si Lucho, bakas iyon sa mukha nito.

"Oo, manonood tayo." Tiningala ko ang movie schedule. Next screening ay 6PM at isang movie lang ang palabas. Malamang na iyon ang kinuha nila dahil 5:40 PM na. Napansin kong lumingon ang isa sa mga bodyguard nila kaya inaya ko muna ang dalawa. "Mamaya na tayo papasok. Lucho, bumili ka ng tickets natin after 10 minutes." Inabutan ko ito ng pera.

"Yes, Boss."

Nilagpasan namin ng kaunti ang IMax Theater. Dinukot ko ang phone ko saka tumawag kay Mike.

"Hello, kamusta?" Sagot ng tinig sa kabilang linya.

"Ayos naman kami dito. Mike, may nais akong ipagawa sa'yo. Kaya mo bang alamin ang tungkol sa pamilya ng mga Alfonso? Baka may makuha ka pang information sa computer ni Kuya Leo. In any means." Alam kong naintindihan nito ang ibig kong tukuyin-- hacking.

"Madali lang 'yan." Matter-of-fact na sagot nito pero walang halong yabang sa tono.

"Good. Call me immediately kapag may importante ka nang nalaman tungkol sa kanila." Bilin ko rito. "Urgent ito. Thanks!"

Paranormal Crime Unit (Wattys PH 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon