Chapter 27

9.7K 429 12
                                    

"Masama bang dalawin ang anak ko? Awarding mo ngayon." Nakapamulsa ito habang nililingon ang kabuuan ng Conference Hall.

"How did you find out where I am?" Napaisip ako. Right, either from Kuya or from that tracking device. "You should leave." Mariin kong sabi.

"Why should I? I need to witness this." Tumitig sa akin si Papa, titig na may kahulugan, may pagbabanta.

Ngumisi ako. "Are you unmasking your face now?"

Hindi sumagot si Papa pero tumawa na katunog ng tawa ni Joker sa Batman movies. Tumalikod si Papa at bumalik sa upuan niya sa bandang likuran.

Nilingon ko si JR at sinenyasan na bantayan ang galaw ni Papa at tumango ito tanda na naintindihan ang sinenyas ko.

Naupo dahil sa magkahalong galit at pangamba. Ano ang pina-plano ni Papa? Bakit pa siya nagpunta dito?

Nagsalita na ang host for the day, saka in-introduce at umakyat sa stage si Provincial Assistant Director Chief Superintendent Delgado, ang ama ni Hannah.

"Allow me to say thank you for attending our awarding for our police officers who did exceptional works in resolving crimes in Region 3." Huminto si Chief Delgado at tumingin sa lahat ng kapulisan na nasa Hall. "Law enforcement work is more than a job to most who get involved in it. Police work is full of challenges. Police Officers are never ‘off duty.’ You are dedicated public servants who sworn to protect public safety all the time in any place that the peace and order situation is threatened. The irony here is that, most often than not, it is the few number of wrong doings of some policemen that bring the entire organization into limelight and your good deeds are not appreciated.  Still, you all gave your best to serve the people. In line to that, we will reward your hard work today to show our deep appreciation and gratitude of having you being part of the organization." Nag-step back ito at tumabi sa dalawa pang police officers na nasa bandang gitna na katabi ng mesang may mga plaque, pins at flowers.

Isa-isang tinawag ang mga police officer na paparangalan mula sa iba't ibang presinto ng Region 3. Unaakyat sila at sinasabitan ng pin, saka inaabot ang plaque. May ilang babaeng officers na inabutan ng flowers. I wonder kung karamihan ng narito ay may abilities like us.

Siniko ako ni Victor. "Sa 2 years ko sa police force, ngayon lang ako magkaka-award. Ang sarap sa pakiramdam." Excited na saad nito. "Rewarding para sa atin na tapat sa serbisyo at itinataya ang buhay para makatulong sa iba."

Tama siya. Karamihan ay hindi maganda ang tingin sa police officers, kadalasan ay kinukutya sila. Ang tingin ay mga kurakot, nangongotong at kung ano-ano pa. Nadadamay ang mga tapat sa serbisyo. May ilan na maloko at lumalabag sa sinumpaang tungkulin, pero mayroon pa ring matitino, tulad ng mga kasama ko sa presinto.

Tinawag si Hannah bilang leader ng PCU. Inabutan ng plaque at kinabitan ng pin ng sariling ama. Sumaludo ito at sinagot ang saludo nito ng proud na proud na si Chief Delgado. Iniabot kay Hannah ang bulaklak bago ito bumaba ng stage. Tinawag si Donnel, sunod sina Baldo. Ako ang huling tinawag. Umakyat ako sa stage saka humarap kay Chief. Kinamayan muna ako nito bago ikinabit ang pin sa akin, saka iniabot ang plaque of appreciation. Lumapit ito sa akin para yakapin ako at tinapik sa likod. "Alagaan mo ang anak ko."

Napamaang ako sa ibinulong ni Chief sa akin, nagtatanong ang mga tingin ko, pero nakatitig lang ito sa akin. Naghihintay yata na sumaludo ako, kaya ginawa ko na lang at tinanggap naman niya ito.

"May we call on all of the officers to join us here on stage for photo ops." Tawag ng host sa lahat. Isa-isang nag-aakyatan ang police officers, habang panay kuha ng litrato ng mediamen sa amin.

Nakahilera ang lahat para magpakuha ng litrato, katabi ko si Hannah. Isa-isa ring naglapitan ang mga kaanak ng mga officer para makikuha ng litrato.

"Wesley." Tawag ni Hannah sa akin. "Congrats." Nakangiti ang mga mata habang nakatitig sa akin.

"Salamat. Congrats din sa'yo." Matamis kong pagbati sa kanya.

"We'll talk later." Bulong nito sa akin bago bumalik sa pagngiti sa mga kumukuha ng litrato. Hindi na ako teenager pero kakaiba ang excitement ko kapag tungkol kay Hannah ang usapan.

Tumuwid ako ng tingin sa harap at nakita ko si Papa na palabas na ng Conference Hall, may kasunod itong apat na lalaking mukhang mga bodyguard niya. Tiningnan ko si JR at sinenyasan na sundan. Tumango ito saka pasimpleng lumabas ng Conference Hall.

Nagbabaan na kami mula sa stage. Ang iba ay hinarap ang media at ang ilan sa amin ay hinarap ang mga kamag-anak at kaibigan. Ako? Hindi ko alam. Makikiumpok na lang sa iba.

"Kuya Wesley! Kuya Donnel!" Tawag ng tinig ng babae mula sa likuran. Si Andrea pala. Patakbo itong lumapit sa amin at yumakap kay Donnel, saka ako kinawayan. "Congrats sa inyo, ang gagaling n'yo! Super proud sister here, Kuya Donnel!"

"Salamat, sis." Tinignan ni Donnel si Violet na katabi ko. "Andrea, si Ate Violet mo. Kasamahan din namin siya sa presinto."

"Hello, Ate Violet." Kaway nito, pero alanganin ang ngiti. Tumingin ito sa akin saka bumalik ng tingin kay Violet. "Mag-boyfriend kayo?" Tanong nito.

"H-Ha? N-Naku, hindi! Kaopisina ko lang si Wesley." Namumula ang pisngi ni Violet habang tumatanggi ito.

Lumuwang ang ngiti ni Andrea. "Ah! Akala ko, kayo eh."

"Hindi, Andrea. Magkaibigan lang sila." Segunda ni Donnel.

We were busy chatting nang makarinig kami ng napakalakas na pagsabog mula sa kung saan. Lahat kami ay napaupo para mag-cover. Naramdaman pa namin ang pagyanig dahil sa lakas nito.

"What's happening?!" Sigaw ni Director Santillan na nasa malapit sa amin. "Officers! Check the perimeter! Go!" Utos nito. Nagtakbuhan ang officers na nasa loob para tingnan ang kaganapan sa labas.

Humahangos na tumatakbo papasok si JR kasama si Lucho. "Boss, may ilang nakaharap si Lucho sa basement. Habang naglalaban sila at humabol siya sa tatlong lalakeng patakas na, iyong katabing kotse natin, sumabog. Damay ang kotse natin."

Now, who's the target? Iyong may-ari ng katabing kotse, o ako? I rushed towards the door, kasunod sina Victor , JR at Lucho. I will find that culprit.

To Be Continued....

Paranormal Crime Unit (Wattys PH 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon