Chapter 28

10.3K 471 19
                                    

Patakbo kaming lumabas ng Convention Center at tumigil sa tapat nito para tingnan ang palibot ng area. May ilang pulis ang nag-iikot din sa paligid. Tinawid ko ang open space na parking area sa harap palabas ng gate at pumagitna ako sa highway para silipin ang mga nagdadaang sasakyan. Kaliwa't kanan ang tingin ko sa paligid nang makarinig ako ng putok ng baril, bumagsak ako sa simento.

"Aaaahhhh!" Daing ko. Tiningnan ko ang hita ko at nakita ko ang tama ng bala, daplis lang pero sobrang sakit, parang nagliliyab sa init ang balang bumaon sa hita ko.

Patakbong sumugod sina JR at Lucho at naglabas ng baril. Inalalayan ako ni JR samantalang pinaulanan ng bala ni Lucho ang papalayong humaharurot na kotseng itim. Sapul ang dalawang gulong nito sa likod at mukhang pati ang tao sa loob kaya umekis-ekis ang saskayan, sumalpok ito sa malaking puno ng acacia sa gilid ng highway.

"Boss Wesley, ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni JR. Lumapit din si Victor para alalayan ako patabi sa kalsada at isinandal sa naka-park na kotseng pula. Nagtakbuhan din ang mga pulis mula sa compound ng Convention Center palapit sa amin at tinanaw ang sumalpok na kotse sa gilid.

Tumango ako kahit idinadaing ng palihim ang sugat ko. "A-ayos lang ako. Mukhang ako ang target nila."

"Ayos ka lang, PO1?" Tanong ng isang pulis. SPO2 ito base sa Rank Insignia niya. Lalakad-takbo na sana ito pati ang mga tatlong kasama palapit sa sasakyan nang may isa pang humaharurot na kotseng itim din na walang plaka mula sa gilid ng Convention Center ang lumiko at papadaan sa harap namin kaya nag-cover kaming lahat agad sa kotse na sinasandalan ko. Nagpaputok ang nasa loob ng kotse, hindi ko makita ang mga ito dahil naka-cover kami. Inilabas ko ang baril ko at inihanda para makipagsabayan ng putok.

Nang marinig ko ang paglagpas nila ay sumilip ako at nakita kong huminto ito sa bumanggang kotse, may lalaking naglabas ng kalahati ng katawan sa kaliwang bahagi ng back seat at iniumang ang mahabang baril, mukhang M16 ito. Itinutok sa harapan ng kotseng bumangga saka pinaputok ito ng ilang ulit bago muling ipinasok ang katawan sa kotse. Pinaharurot mg mga ito ang sasakyan nila.

"No!" Tatakbo sana ako palapit sa kotseng sumalpok sa puno pero nagliliyab na ito at pinigilan ako nina Victor. Napa-cover kaming lahat dahil sa lakas ng pagsabog ng sasakyan. Malayo na rin ang kotseng itim na walang plaka.

"Wesley, dadalhin ka namin sa ospital. Halika na." Saad ni Victor. Inalalayan ako ni Victor at dinala sa service vehicle ng presinto ng PCU na naka-park sa open space ng Convention Center. Dinukot nito ang phone saka tinawagan si Donnel. "Sir, may tama si Wesley. We need the patrol car's key." Naghintay ito ng sagot bago ini-off ang phone.

Ilang saglit din ang hinintay namin bago namin nakita sina Hannah, Donnel, Violet at Andrea na humahangos palapit sa akin.

"Wesley, what happened to you?" Nag-aalalang tanong ni Hannah. "Halika na! Sa kotse ko na tayo sumakay. Victor, sumunod kayo gamit ang police car."

Wala na silang nagawa kundi ang sumunod kay Hannah. Tinakbo nito ang kotse na nasa kabilang dulo ng open space parking, sumakay saka kami dinaanan sa pwesto namin. Inalalayan ako ni JR pasakay sa passenger's seat, sumakay ito sa likod at si Lucho. Sa patrol car naman sumakay sina Donnel.

"Wesley, ikaw ba ang target nila?" Sigurado ang tono ni Hannah kahit nagtatanong.

"Hindi ko alam. Siguro." Naguguluhan ako. Si Papa ba ang may gawa no'n? Si Kuya? Alam nilang narito ako sa San Jose. Posible ring isa sa mga galamay ng black mask gang. Napahampas ako sa dashboard ng kotse ni Hannah. "Relax, di ka kaya ng kotse ko."

"Sorry."

"Is it your dad? Siya iyong kausap mo kanina, hindi ba? Your brother looks like him. May resemblance sila." Tanong ni Hannah habang mabilis na nagpapatakbo ng kotse.

"Unfortunately, yes." Napasandig ako sa upuan at ipinikit ko ang mata ko. Mas masakit ang kalooban ko kaysa sa sugat sa hita ko.

"Hello, Sir Johnson. Tinamaan po ng bala si Wesley sa hita. Narito rin ang Papa niya kanina." Narinig kong sabi ni JR, kausap si Johnson sa kabilang linya. Nakita ko sa salamin na inilayo ni JR ang phone sa tainga niya at napasimangot ito bago ibinalik ang phone sa tainga. "Patungo kami sa ospital. Daplis lang naman po ang tama niya. Sige po."

"Nabulyawan ka ba ni Sec?" Natatawang tanong ko kay JR.

"Oo, Boss. Kahit daw sa lamok 'di ka niya pinadapuan tapos nagkasugat ka habang kasama kami." Kakamot-lamot ito sa ulo.

"Huwag mo na lang pansinin si Sec. Gano'n lang talaga maglambing 'yon." Pagpapalubag-loob ko dito. Halos kasing edad ko si JR, matanda lang siguro ako ng isang taon. Sabi nga ni Donnel, mukha kaming magkapatid, marami kaming similarities. Sana nga siya na lang ang kapatid ko, iba rin siguro ang magulang ko.

Nakarating kami sa maliit na pagamutan kung saan naroon din ang mga nagtangka sa amin kahapon. "Kamusta na kaya sila?" Tanong ko kay Hannah.

"Wesley, unfortunately, 3 of them were killed last night sa hospital, mano-manong pagpatay. May tatlong casualties din tayo. That's the reason why I needed to talk to you. Iyong nabaril mo na lang ang buhay pero comatose pa." Nanggigigil na sabi ni Hannah. "It's either ikaw ang target nila or someone big ang nakakabangga natin sa paghahalungkat sa black mask gang. Ilang robberies na rin ang nagaganap dito at sa ibang karatig lugar, at lahat sila ay may black mask na suot." Ipinark ni Hannah ang kotse sa tapat ng ER. May nga lumapit na mga nurse at may dalang stretcher. Inalalayan akong maupo doon saka itinulak ang stretcher papasok ng ER. Medyo maliit ang space na may tatlong kamang nahahati ng kurtina pero ayos na rin 'to. Pumasok din sina Hannah, kasunod sina Donnel na kararating lang din.

Napabuga ako ng hangin. I don't know what to think. Masyado akong occupied these days, sa dami ng kailangan kong hanapin. Ang detective na nawawala, ang kabit ni Papa, ang nagtatangkang pumatay sa akin at ang black mask gang. I don't even know where to start.

"Dito na lang po kayo." Pigil ng isang nurse kina Hannah. Naupo na lang sina Hannah sa waiting area habang ipinapasok ako sa operating room.

"Daplis lang naman ang tama ng bala. You'll be fine." Saad ng babaeng doctor na magtatanggal ng bala sa hita ko.

To Be Continued....

☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆

A/N:

I'd like to know your thoughts about this story. Your comments will be highly appreciated. Makakatulong po para malaman ko ang response ng nagbabasa nito, kung masaya kayo or bored or anything. Thank you!❤

Paranormal Crime Unit (Wattys PH 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon