Chapter 19

11.3K 548 13
                                    

Dinala rin sa ospital si Facundo para malunasan ang nanghihina nitong katawan. Wala pa rin itong malay at puro sugat ang buong katawan. Ipinagpaliban muna namin ni Donnel ang pag-alam tungkol sa tattoo dahil mainit pa ang naging problema ng presinto. Sensation ngayon sa news ang pagpatay ni Facundo sa tatlong inmates nito. Hindi naman namin masabing sinaniban ito ng masamang espiritu kaya nakapatay dahil malamang na walang maniwala sa pulisya, lalo pa't mayro'n itong history of insanity.

"What now? Sikat talaga ang division natin." Sambit ni Donnel habang pinapanood ang pang-gabing news sa TV.

"Ayon sa ulat. Nagwala sa kulungan sa CPU-UCIPG San Jose district ang suspected Long-Stemmed Rose Serial Killer na si Facundo Hererra, also known as Dencio Macario. Nakapatay diumano ito ng tatlong inmates, at hindi tumigil sa pagwawala at pagbabanta na papatayin ang lahat. Nai-contain na ang suspect ng mga pulis at kasalukuyang nasa ospital dahil sa tinamong bugbog mula sa panlalaban sa mga pulis at kapwa inmates para mapatahimik ito. Nananalangin ang mga kaanak ng mga biktima ni Facundo na maibalik ang death penalty at unahin ang suspect upang mabigyan ng katarungan ang pagkakapatay sa mga mahal nila sa buhay. Ayon sa kanila ay mukhang libangan na nito ang pagpatay at hindi nagpapakita ng pagsisisi dahil kahit sa kulungan ay nagawa pa ring kumitil ng buhay. Ako po si Janice Sanchez, nag-uulat."

Ini-off ni Donnel ang TV saka isinubsob ang ulo sa desk.

Napahilamos ako ng kamay ko sa mukha ko. "Kamusta na si Violet?"

"She's still unconscious. Nasa quarter's room." Umunat ng upo si Donnel at humugot ng malalim na hinga.

"Ano ang plano n'yo kay Facundo?" Tanong ni Winston.

"He'll face the charges. No matter what, siya pa rin ang pumatay sa mga biktima niya. Hindi natin alam kung kailan siya sinapian ng evil spirit pero sa tagal na niyang pumapatay, malabong hindi niya gusto ang ginagawa niya. He allowed that spirit to reside in his body. Sa mata rin ng ibang tao, he's still a murderer." Nanlalatang sagot ni Donnel.

Naalala ko ang energy na nilabas ni Donnel kanina. "Sir, ano 'yong parang malakas na hangin na lumabas sa'yo kanina? Iyong nagtaboy sa espiritu palabas sa katawan ni Facundo?"

"Tinawagan ko si Dark Knight tungkol diyan, ang sabi niya ay naglabas daw ako ng Chi. Lahat daw ng tao ay may Chi pero may ilang piling nilalang ang may malalakas na Chi at kayang magpalabas nito sa katawan bilang sandata o bilang proteksyon. Tayong may mga ability ang ilan sa mga may kakayahang gawin 'yon." Mahabang paliwanag ni Donnel. "Sabi niya, mapra-practice daw 'yon, kung kailan mo naisin gamitin ang Chi ay magagawa mo."

"Magagawa ko kaya 'yon?" I think it's cool to have that. Hindi ko pa alam ang extent ng ability ko, at kung may iba pa akong ability maliban sa psychometry. Sa ngayon ay ito ang kasalukuyang kakayahan ko at bihasa sa paggamit nito.

"Wesley, sa makalawa na ang awarding. Lalabas na rin bukas ng hapon si Hannah so makakaattend siya ng awarding, pero hindi pa siya pwedeng bumalik sa trabaho." Pukaw ni Donnel sa malalim na iniisip ko.

"Ah, mabuti naman. Sasama ako sa pagsundo sa kanya. Wala akong pasok bukas." Maluwang na ngiti ko.

"Boss." Sumaludo sa akin si JR.

"Hey, huwag ako ang saluduhan mo, siya ang may mataas na ranggo dito. SPO4 Donnel." Sabay turo dito. Sumaludo si JR sa kanya, napatawa naman si Donnel.

"Para kang may kakambal, Wesley. Pareho kayo ng kilos." Napapailing na sabi nito.

"Whatever." Tiningnan ko si JR. "Ano'ng balita?"

"Nawawala ang detective. Ilang araw na raw hindi siya umuuwi sa unit niya sabi ng landlord niya." Iniabot sa akin ang kapirasong papel, may address na nakasulat. "Ito ang address ng opisina niya pero ilang araw na rin daw hindi ito pumapasok."

Bigla akong nag-alala. Posible kayang may nangyari sa kanya dahil mayro'n siyang alam?

"We also need to know about Roberto Salas' men. Kung ano'ng tattoo ang gamit nila." Nasabi ko ito habang nakatulala. Nilingon ko si JR. "Salamat, JR. Naghapunan ka na ba? Kumain ka na muna." Dumukot ako ng pera sa pitaka sa inabot sa kanya.

"Wow, thanks, Boss! Nasa labas si Gino, ililibre ko." Sumaludo ulit ito bago tumalikod at lumabas ng HQ.

"Paano na? Dead end na ba ang investigation natin?" Napasapo sa noo si Donnel.

Umiling ako. "No. May chance pa. Ako ang pupunta sa bahay ng detective. I just need anything he owns, 'yong lagi niyang dala. I might be able to find a clue. Sasamahan mo ba ulit ako?"

"Magtre-trespassing tayo sa unit niya?!" Nandidilat ang mga mata ni Donnel. Thinking about police officers who trespassed a detective's house, and soon were put in jail for being caught.

"We don't have a choice." Nagkibit-balikat ako. "Let's do it by midnight. Kumain na rin muna tayo." Tumayo ako para mag-aya ng hapunan at tatayo na rin sana si Donnel nang tumunog ang telepono sa ibabaw ng table nito. Sinagot nito ang tawag.

"Hello, PCU-UCIPG, good evening." Naghintay ito ng magsasalita sa kabilang linya.

"Yes, ito nga po. Kami ang may hawak sa kaso nang binatilyong napatay sa lawa pero we already turned it over sa jurisdiction ng convicted criminals dahil takas na bilanggo si Gregorio Gumapao." Naghintay ulit ng sagot mula sa kabilang linya. "Ano?!" Hindi maipinta ang mukha nito.

"Why?" Nag-alalang sabay-sabay na tanong namin nina Winston, Vixtor at Baldo. Problema na naman ba?

"Sige, salamat. Pupuntahan na namin ngayon." Ibinaba nito ang handset ng phone at tumingin sa amin. "Gregorio Gumapao was found dead in his rented apartment. We need to go there, now. Dito sa district natin nangyari ang krimen. Let's go."

Ano na naman ba 'to? Hindi pa 'ko kumakain mula umaga, problema na naman? Dinampot ko ang jacket ko saka sumunod kay Donnel sa labas.

To Be Continued....

Thank you for reading Paranormal Crime Unit. I appreciate all of you, guys. Next chapter will have an action-packed scenes. Update will be posted tomorrow. Be patient!✌ Love you all!😙

Paranormal Crime Unit (Wattys PH 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon