Chapter 29

10.5K 471 26
                                    

Third Person's Point Of View

"Mga inutil kayo! Iisa lang ang target n'yo, hindi n'yo pa nagawang tapusin!" Bulyaw ng lalakeng nakatalikod sa apat na lalakeng naka-black mask na may skull design. Nakaharap ito sa painting ng babae na nasa wall, sa ibaba nito ang mababang estante na may puting flower vase na nakapatong at may bulaklak ng hyacinth.

"Eh, boss, nagkamali eh. Akala namin siya iyong sumakay sa kotse. Iyong katabi pala ang kanila." Kakamot-kamot sa ulo ang may pinakamalaking kaha sa apat na goons.

"Oh, eh ano ang nangyari pagkatapos? Saan n'yo ba kinuha ang dalawang iyon, babaril na lang, mintis pa!" Tinabig ng lalaking nakatalikod ang flower vase na nasa harap niya, bumagsak ito at nabasag. Nagkalat ang pumpon ng hyacinth sa sahig, humalo sa nabasag na flower vase.

"Eh boss, mga bagong pasok sila. Training nila ang pagpatay sa pulis na 'yon, kaso sumablay. Tinapos na namin sila. Pati iyong sa ospital." Paliwanag ng isa pang goon na pinaka-maliit sa apat.

"Sapat na ba 'yon? May natitira pang buhay! Si Kadyo!" Humarap ang lalakeng naka-maskara rin saka tinadyakan ang nangatwirang goon.

Umakmang iniharang ng tatlo ang mga braso para salagin ang tangkang pagsipa sa kanila ng Boss nila. "C-comatose naman siya. Babalikan namin siya, Big Boy." Nangiginig sa takot na sabi ng matabang goon.

"Dapat lang! Kayo ba ang nasasabon ni Master? Hindi, 'di ba? Lakad na! Ang lalaki n'yong mga tanga!" Hiyaw nito sa apat na utusan. "Huwag kayong gumawa ng eksena! Tapusin si Kadyo ng tahimik!" Nagmamadaling lumabas ng silid ang mga ito. Muling tumalikod ang lalake at humarap sa painting na nasa wall.

Wesley's Point Of View

Natapos din ang pagtanggal ng bala sa hita ko. Maari na raw akong umuwi matapos makapagpahinga ng ilang oras. Inilipat ako sa ICU.

"Wesley, ayos ka na ba?" Bungad ni Hannah pagdungaw sa makapal na kurtina sa paanan ko. Naupo ito sa bakanteng silya sa tabi ng higaan ko.

"Okay na ako. Kamusta na ang nabaril ko kahapon? Siya na lang kamo ang buhay. Nasaan siya?"

"Kaya dito kita ipinadiretso." Itinuro ang kurtina sa kanang bahagi ng kama ko. "Iyan siya."

Hinawi ko ang kurtina sa gilid, katabi ng pwesto ko ang nabaril kong driver kahapon. "Richard Gomez." Nakasulat sa taas ng headboard ng higaan nito. Maraming nakakabit na aparato dito at halos hindi na makita ang mukha dahil sa oxygen mask at benda sa ulo. Kapangalan pa ng artista.

"He's still in coma dahil sa lakas ng impact, pero sabi ng doctor, he's out of danger."

"Mabuti naman." Ibinaba ko na ang kurtina. "May mga nagbabantay ba sa labas? Baka sumugod na naman dito ang galamay ng black mask gang."

"Yes, and to protect him, pinapalitan namin ng pangalan. Ricardo Cruz ang totoong pangalan niya." Natatawang sabi ni Hannah.

Napa-buntong hininga ako. "Kaya pala. Ramdam ko na babalik ang mga 'yon dahil may isa pa silang hindi napapatahimik."

"Wesley, we need to figure out who the culprit is, kung ikaw ba talaga ang target nila at kung ano ang dahilan." Seryosong sabi ni Hannah habang nakatitig sa akin, titig ng naaawa at nag-aalala.

"Hindi ko rin alam. Gusto kong isipin na hindi aabot si Papa sa hayagang pagtatangkang pagpatay sa akin, pero nagpakita na siya kanina. Hindi ko alam kung bakit at ano ang pakay niya. Ang pera ba ni Mama? Mukhang mas marami pa siyang pera kaysa sa akin ngayon, hindi na niya kailangan 'yon." Mapakla kong pagkakasabi sa pagbanggit ng salitang 'Papa'.

"Pamamanmanan ko ang Papa mo, pati na rin ang Kuya mo." Dinukot ni Hannah ang phone niya at may tinawagan. "Yes, may itetext ako sa'yong pangalan at address. I want you to follow them discretely. Report to me directly. Don't tell Papa about it." Ini-off nito ang phone.

Paranormal Crime Unit (Wattys PH 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon