Chapter 43

9.9K 403 13
                                    

Wesley's PointOf View

Tumigil kami sa pagtakbo at nagtago kami, kanya-kanyang puwesto. Katabi ko si Kuya sa isang malaking punong nakatumba at sa kabila niya si JR, habang sa ibang puno sa 'di kalayuan si Lucho. Kumirot ang sugat ko sa hita pero hindi ko ito iniinda. Mas inaalala ko si Kuya Leo. Nangingig ngayon sa takot, mukhang walang alam sa pakikipag-barilan.

"Kuya, kailangan mong lumaban. Mapapatay ka sa ginagawa mo eh." Sita ko dito. Nakalupasay ito at nakasandal sa malaking puno.

"Wesley, wala akong alam sa ganito. Ang alam ko lang ay ang mga dokumentong laging pinipirmahan ko." Humihingal pa si Kuya habang nagsasalita. Mukhang hindi sanay sa takbuhan.

"Stay close, Kuya." Sumilip ako sa pinanggalingan namin, wala pa ang apat na humahabol sa amin. Apat lang sila, pero posibleng may back-up sila.

"Boss, iikutan ko sila doon." Itinuro ni Lucho ang kaliwang bahagi ng kakahuyan. "JR, maiwan ka rito at bantayan mo si Boss."

"Sige. Ingat sila sa'yo." Sabay ngisi ni JR.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko kay JR.

"Pinakamatinik sa bodyguard ni Boss Johnson si Lucho. Nagkamali sila ng kinatalo." Natatawang sabi ni JR.

Nakarinig kami ng dalawang alingawngaw na putok ng baril.

"One down." Pagbibilang ng malakas ni JR. Napailing na lang ako.

May nagpaputok sa gawi namin kaya yumuko kaming tatlo.

"Kainis ka ah!" Sumilip si JR sabay paputok. "Two. Lipat lang ako sa kabilang puno, Boss, dito lang kayo." Gumapang ito patungo sa kabila. Walang nakitang kalaban kaya lumipat sa iba pang puno.

"Wesley!" Tinig ni Kuya sa likuran ko.

Paglingon ko ay may assassin sa 'di kalayuan sa amin. Tipong nagulat pa na nakita niya kami. Itututok na sana nito ang baril sa akin pero nakarinig agad ako ng putok bago pa maitutok ng husto ang baril nito. Bumulagta ito.

"N-Nakapatay ako. N-Nakapatay ako!" Itinapon ni Kuya Leo ang baril na ibinigay ko sa kanya at nanginginig na gumapang para tingnan ang nabaril niya. Iniligtas ni Kuya ang buhay ko, naming dalawa.

"Salamat, Kuya Leo. Iniligtas mo ako." Pagpapalubag ko ng loob dito.

"N-Nakapatay ako...."

"Kuya, kung hindi mo siya napatay, malamang na patay tayo." Pagpapaintindi ko dito.

"Mananagot sa akin si Papa." Napansin ko ang pag-tiim-bagang ni Kuya at ang panggigigil ng kamao nito sa ilang damo sa tabi nito. Na-realize na siguro niya ngayon kung ano ang totoong nangyari sa akin, sa pamilya namin.

Bumalik si Kuya Leo sa pwesto kanina at dinampot ang baril, naghanda sa pagsugod ng kalaban. Mukhang pursigido na ring lumaban.

May sumulpot na isa pang lalakeng naka-black mask. Pinaputukan ko agad ito ng dalawang beses, pinatamaan sa magkabilang balikat. Nilapitan ko ito at nag-squat ako. Hinablot ko ang kuwelyo ng black jacket niya. "Ang init-init, naka-jacket ka. Sino ang ang nag-utos sa inyo?" Itinutok ko ang bunganga ng baril ko sa noo nito. Napansin kong takot mamatay ang taong hawak ko dahil naglumikot ang mga mata nito.

"Ahh!" Daing nito dahil sa tama ng bala sa magkabilang balikat. "W-Wala akong alam. H-hindi ko kilala." Nangangatog na sagot nito.

"Akala mo ba hindi kita tatapusin? Sino ang nag-utos sa inyo?" Idiniin ko pa lalo ang baril sa noo nito.

"S-Si Master. S-Sabi ni B-Big Boy, si Master." Nauutal na sagot nito.

Napapikit ako. Gusto kong iputok ang baril na 'to pero kailangan namin ng testigo. Dinukot ko ang posas sa bulsa ko saka pinosasan ang assassin. Tinanggal ko ang mask nito. Hindi ko ito kilala, mukhang nautusan lang talaga para patayin ako.

Paranormal Crime Unit (Wattys PH 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon