Chapter 40

9.7K 410 27
                                    

Leo's Point Of View

Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luhang pinipigilan kong tumulo. Hindi ko maintindihan ang mga nakikita ko sa computer files ni Cedes. Is she playing pranks on me? Hindi ko anak si Desiree? Magkapatid sila ni Darwin!

I quickly wiped my eyes using my hand. Nanginig ang mga kamay ko habang hawak ang mouse at binabasa ang DNA test result. Galing ito sa isang laboratory sa US. Do'n pa ipinadala to test it, at Alfonso ang ginamit na last name ni Desiree, hindi Gutierrez.

I closed the file and about to close everything I opened para hanapin ang asawa ko at itanong ang mga nakita ko nang mahagip ng mga mata ko ang Bow and Arrow File Folder. Excel files ito. Nagdadalawang isip akong buksan pero dahil sa nanginginig ang kamay kong nakahawak sa mouse ay aksidenteng na-click ko ang file icon. Bumungad sa akin ang Excel sheet na may header na Assassination List.

"A-assassination list?" Kumabog ang dibdib ko. Binasa ko ang second row, naka-highlight din ang nakasulat dito, Client, Target, Fee, Remarks. May mga pangalan sa ilalim ng "Client", may ilan na kilalang personalidad. Binasa ko ang una sa listahan. Kilalang Haciendero ito ng kabilang probinsya, si Don Mariano Tan, ang katapat ng pangalan nito na nasa ilalim ng Target ay isang dating Gobernador sa kaparehong probinsya. Sa ilalim ng Fee ay 5M ang nakasulat. Muli kong naramdaman ang tagaktak na pawis sa noo ko, ang Remarks na narito ay Completed.

Nanginginig ang mga daliri ko habang nag-oopen ng browser. I searched for the name of Governor Raul Sanchez, and according to the news, his car fell on a cliff. Napahilamos ang kamay ko sa mukha ko dahil sa nerbyos. Anim na taon na kaming nagsasama ni Cedes pero wala pa pala akong gaanong alam tungkol dito maliban sa moments na magkasama kami. Tiningnan ko ulit ang file name. Bow and arrow? Katulad nito ang nais niyang ipa-tattoo ko noon sa likod ko, ayaw ko sana pero dahil sa hiling niya ay pumayag ako dahil mahal ko siya. Nagbalik ang alaala ng nakaraan kung paano kami nagkakilala....

Six years ago...

"Hi, you're alone?" Tinig ng isang babae sa likuran ko. Narito ako sa bar ngayon at namrumrublema kung paano ko hahanapin ang kapatid ko at ipagkasundo sila ni Papa. Tatatlo na nga lang kami ay watak-watak pa kami. Ang huling balita ko ay nasa America si Wesley, inilayo ni Johnson. Tuso talaga ang traydor na 'yon.

"Hello." Tipid kong sagot. Maganda siya, maputi, mukhang disente pero hindi ako interesado.

"I'm sorry kung naabala ko ang pagmumuni-muni mo." Umupo ito sa long stool sa tabi ko. "My boyfriend just dumped me." Uminom ito sa dala niyang wine glass.

"Hindi lovelife ang problema ko, hindi ako makaka-relate." Tinungga ko ang iniinom ko.

"Ay!" Nahulog ang bag ng babae. Being a gentleman, I stood up and bent, then someone passed by and bumped me from behind while I was bending to pick the bag. Muntik na akong masubsob, mabuti na lang at naitukod ko ang kamay ko.

The guy apologized to me. "Sorry, pare, naiihi na kasi ako." Saka ito nagmamadaling tumakbo papuntang restroom. Napailing na lang ako. I picked the bag and sat on the stool.

"Are you okay?" Nag-aalalang tinig ng babae. "I'm sorry, clumsy ako eh. Ayan tuloy muntik ka pang masaktan."

"No, it's fine." Iniabot ko ang bag sa kanya saka ko ininom ang huling lagok ng alak sa baso ko. "I need to go." Paalam ko dito.

"Sige. Thanks again."

Tumalikod na ako at naglakad palayo pero bigla akong nahilo. Naparami na yata ang inom ko. Hindi ko na alam ang nangyari dahil umikot ang paningin ko.

Paranormal Crime Unit (Wattys PH 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon