Chapter 41

10.2K 390 6
                                    

Third Person's Point Of View

"Bakit mo naman sinungitan si Leo kanina?" Tanong ni Darwin habang himas-himas ang braso ni Cedes. Magkayakap sila sa kama, nakatapis ng puting kumot. Katatapos lang nila ng ilang oras na pagpapaligaya sa isa't isa. Narito sila sa hotel na pag-aari ni Darwin.

"Nakakainis, eh. Istorbo, gusto pa yatang mabitin ako." Reklamo ni Cedes. Tumingala ito at hinalikan ang leeg ni Darwin.

"Hmm.... Kaunting pasensya at pagtitiis pa. Makukuha rin natin ang lahat sa kanya." Gumanti ng halik si Darwin, hinalik-halikan ang noo at pisngi ni Cedes.

"Ang hirap tapusin ng kapatid niya. Mawala lang 'yon sa landas natin at mamana ni Leo ang kayamanan niya, tiba-tiba na tayo. Madali kong makukuha lahat sa kanya. Uto-uto 'yon eh." Humalakhak pa si Cedes. "Nakuha ko nga siya ng walang kahirap-hirap. Madaling kumagat sa pain."

"Dapat talagang mawala ang pulis na 'yon, isama mo na ang mga kasamahan niya. Marami na silang nasagasaang operasyon natin." May panggigigil sa tono ni Darwin. "Nakakatawa lang na pati sarili niyang ama ay gusto siyang tapusin."

"Gano'n talaga. Walang kama-kamag-anak pagdating sa pera." Muling humalakhak si Cedes. "Hindi niya alam na tayo ang makikinabang oras na mawala sa landas si Wesley at mamana ni Leo ang kayamanan niya."

Tumunog ang phone nito. "Hello, Master."

"Ano na ang nangyari sa pinag-uutos ko?!" Tinig ng nasa kabilang linya, halos bumasag sa eardrum ni Darwin sa sobrang lakas.

"Matinik ang pulis na 'yon. Nakakaligtas siya sa mga tauhan ko." Sagot ni Darwin.

"Humihina na ba kayo? Kaya kayo ang kinuha kong assassin ay dahil rekomendado kayo ng kumpare ko." Inis na sabi ng nasa kabilang linya.

"Huwag kang mag-alala, tatapusin namin siya agad." Paniniyak ni Darwin.

"Big Boy, malaki ang binabayad ko sa inyo kaya gawin n'yo ang trabaho n'yo." Ramdam ang panggigigil at pagkasabik ng nasa kabilang linya na matapos ang pinag-uutos nito. "Ilang beses na kayong pumalpak. Ang dami ninyo pero buhay pa rin si Wesley? Ang tatanga n'yo!"

"Sisimulan na namin bukas ang pagtapos sa kanya." Napipikon na rin si Darwin sa inaasta ng kausap pero may malaking pakinabang naman siya sa pinag-uutos nito bukod pa sa malaking bayad sa kanila.

"Tapusin n'yo na siya agad!" Ini-end ang call ng nasa kabilang linya.

Nakangising tiningnan ni Darwin si Cedes. "Walang kamalay-malay ang matanda na sa atin ang huling halakhak."

"Naturingang pinuno ng sindikato pero tanga rin, parang anak niya. Walang kamalay-malay na ka-deal niya ang iniwang pamilya ng kinamumuhian niya." Ang lakas ng tawa ni Cedes, pinaghalong kasiyahan at pagkakiliti dahil sa paghagod ni Darwin sa katawan niya.

"Sa oras na mapatumba natin ang pulis na 'yon, isusunod natin si Leo, tapos ay si Master Romeo para makuha ko ang mga pasugalan at Casa niya. Oras na para bawiin ang mga kinuha niya kay Papa." Kinubabawan ang kayakap, kita ang likod ni Darwin na may Bow and Arrow tattoo sa likod at may crown sa ibabaw nito. Sinibasib ng halik si Cedes na panay ang tili. Hindi pa rin sila tapos sa paglulunoy sa kasalanan.

Leo's Point of View

Ilang oras din ang binyahe ko patungong Manila. Diniretso ko agad ang mansion, I need to talk to someone to clear my head and I could only think of Papa. Alam kong hindi ako matalino kagaya ni Wesley, pero hindi ko akalaing madali akong malinlang ng isang mapagpanggap na babae!

"Mang Tano, si Papa?" Tanong ko sa guard namin pagbukas nito ng gate.

"Nasa loob, senyorito." Sagot nito.

Paranormal Crime Unit (Wattys PH 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon