Chapter 37

9.3K 416 13
                                    

"H-Hannah, anak...." ito ang mga namutawi sa labi ng babaeng nasa harap namin.

"M-Mama...." Tiningnan ko si Hannah, nagtatanong ang mga mata ko. Bakas sa mukha niya ang pangungulila sa ina, namumuo ang mga luha sa magkabilang mata nito. "A-ano'ng nangyari sa mukha mo?" Lumapit ito ng unti-unti sa kanyang ina, tila hindi makapaniwalang nasa harap na niya ang babaeng nagluwal sa kanya. Tinangkang hawakan ang mukha nitong may sunog pero umiwas ang babae.

"S-Siya ang Mama mo, Hannah?" Tanong ko dito saka bumalik ang tingin ko sa babaeng may bandana. "Erlinda Victorino."

Pagkagimbal ang gumuhit sa mukha ng babae, takot at pag-aalala ang sumilay sa mga mata nito.

"Wesley? No, she's my Mom, Eloisa Delgado." Tumingin sa akin si Hannah saka nagtatanong ang mga matang tumingin sa ina.

Tatakbo na sana ang babae pero pinigilan ko. Marami siyang kailangang ipaliwanag sa akin, sa amin ni Hannah. "Sandali, hindi ako kaaway. May gusto lang akong linawin." Hinawakan ko ito sa braso saka tinitigan sa mga mata. "Naaalala mo? 10 years ago sa MR Star Hotel, Romeo Gutierrez killed my Mom Marina Gutierrez and you took the blame."

Ilang ulit tinitigan ng babae ang mukha ko. "I-Ikaw? Ikaw ang batang iyon?"

"Ano ang nangyari sa'yo? Nawala ka sa kulungan. Pinahanap ka raw ni Papa Johnson matapos ang pagsintensya sa'yo pero wala ka sa Correctional." Tinitigan ko siya sa mga mata niya, baka sakaling may mahanap akong kasagutan sa mga tanong ko.

"P-Papa Johnson? Hindi ba't si Romeo ang iyong ama?" Naguguluhang sabi nito.

"Mahabang paliwanag, pero hindi kami magkadugo. Sagutin n'yo po muna ang mga tanong ko." Nagsusumamo ang tono ko.

Yumuko muna ito saka bumaling ng tingin kay Hannah, na mukhang naguguluhan sa mga nangyayari. Pumalahaw ng iyak ang babae at napaupo ito na tila nanghihina.

"Mama!" Nilapitan ni Hannah ang ina at inalalayang tumayo, niyakap niya ito para pakalmahin. "M-Mama, tahan na po. Naguguluhan ako pero may paliwanag kayo sa lahat, hindi po ba?" Humigpit ang yakap ng babae kay Hannah.

"Why don't we bring her inside? Para makapagpahinga muna at makapagpaliwanag siya ng maayos." Suggestion ko kay Hannah.

"Huwag! Huwag n'yo akong ipasok. Ayokong makita ako ng asawa ko. Wala akong mukhang maihaharap sa kanya." Hagulgol na pakiusap nito sa amin.

"Mama, miss ka na ni Papa. Hindi siya vocal sa feelings niya pero ramdam kong hinihintay niya ang pagbabalik mo." Pagkukumbinsi ni Hannah sa ina.

"Ayoko. Nagkasala ako sa iyong ama. Malaki ang pagkakasala ko sa kanya. Pakiusap, ayokong makita niya ako lalo na sa ganitong itsura ko." Pagmamakaawa nito sa pagitan ng pagtangis.

Tila nag-isip si Hannah, lumikot ang mga mata bago tumingin sa akin. "Wesley, pwede ba si Mama sa inyo?"

"Pwede naman. Marami rin akong gustong itanong sa kanya." Tiningnan ko ang Mama niya at nakatingin rin siya sa akin, tingin ng isang guilty.

"Sandali lang." Lakad-takbo na bumalik si Hannah sa looban, ilang minuto pa ay lumalabas na ang sasakyan nito palabas ng gate. Binuksan nito ang bintana pagtapat sa amin. "Sakay na."

Inalalayan ko ang kanyang ina papasok sa kotse, iniupo ko ito sa passenger's seat at sa backseat ako naupo. Pinaharurot ni Hannah ang kotse niya patungong Resthouse. Ramdam ko ang pangungulila niya sa kanyang ina pero marami rin akong mga tanong na naghahanap ng kasagutan at narito ngayon ang babaeng makakasagot sa lahat.

Nakarating kami agad sa tapat ng Resthouse, sa sobrang bilis ba naman ng pagpapatakbo ni Hannah. Pinagbuksan kami ng gate ni Mang Gusting. Pagkababa ng kotse ay pinakiusapan ko si Mang Gusting na magpahanda sa kanyang asawa ng pananghalian para sa mga bisita. Pinauna kong pumasok sina Hannah, alalay sa paglakad ang ina. Tinungo ko muna ang quarters ng mga bodyguard.

Nagtayuan ang anim na bodyguards na kumakain ng pananghalian. "Bossing!" Salubong ni JR sa akin. "Kamusta na kayo? Na-miss namin kayo. Magpapadala pa ng back-up bodyguards si Boss Johnson. Parating na sila maya-maya."

"Ayos lang naman naman kami. Mamaya matapos n'yong mananghalian ay magmasid kayo sa paligid. Bantayan ng mabuti ang bawat sulok." Kailangang maging alerto, baka bigla na lang kaming atakihin dito. "Pakisabihan na rin ang mga bagong parating."

"Masusunod, Boss!" Sumaludo pa ito, nagtanguan din ang iba pang bodyguards.

Nagmamadaling tinungo ko ang bahay,kasalukuyang nakaupo sila sa sala, hinahagod-hagod ni Hannah ang likod ng kanyang ina. Pumasok si Marissa mula sa kusina dala ang inumin at meryenda. "Kuya Wesley, ang tagal mong nawala."

"Busy lang sa trabaho. Kamusta kayo dito?"

"Ayos naman kami." Mahaba ang ngiti nito at nagpapungay pa ng mata. Inilapag nito ang meryenda saka tumalikod pabalik ng kusina. Tiningnan ko si Hannah, ang sama ng titig at nakasimangot sa akin.

"Anak siya ni Mang Gusting." Paliwanag ko rito pero iningusan ako. Selosa, ang cute! Nakakagigil! Pasalamat ka Hannah at may kinakaharap pa tayong problema dito. Nabaling ang tingin ko sa kanyang ina, si Eloisa Delgado a.k.a. Erlinda Victorino.

"Maaari ho ba kayong magpaliwanag? Ano ho ba talaga ang pangalan ninyo?" Tanong ko rito.

"A-Ang tunay kong pangalan ay Erlinda Victorino." Panimula nito sa pagitan ng impit na iyak.

"M-Mama?" Lumuwag ang pagkakahawak ni Hannah sa ina.

Pumatak ang ilang butil ng luha sa mga mata ng babae. "Nagmula ako sa hirap, laking baryo na may matayog na pangarap. Dahil bata ako at maganda ay maraming kalalakihan ang naaakit sa akin. Nagpalit ako ng pangalan bilang si Eloisa Madrid at nagbenta ng katawan sa Casa, isa sa mga Casa ni Romeo Gutierrez. 'Di kalaunan ay nakilala ko ang iyong ama sa isang handaan kung saan isinama ako ng isang kaibigan. Hannah, ang ama mo ay isang maginoo, matipuno, kagalang-galang, mayaman. Naisip kong pagkakataon ko na para makatakas sa lusak na kinalalagyan ko." Nagpahid muna ito ng luha bago nagpatuloy sa pagku-kwento. "Umalis ako sa Casa, nagpanggap akong mayaman, disente para makuha ang iyong ama, gamit ang ipon ko sa pagbebenta ng katawan noon sa mayayamang lalake. Sinuyo niya ako at pinakasalan. Ikaw ang naging bunga ng aming pagsasama, naging masaya ang ating pamilya pero si Romeo...." Tumingin ito sa akin bago impit na umiyak.

"Mama, ituloy n'yo po, pipilitin ko kayong unawain hanggang sa makakaya ko." Malamyos ang tinig ni Hannah. Napakabusilak ng puso niya.

"Tinakot niya akong sasabihin niya ang madilim kong nakaraan sa aking asawa kung hindi ako papayag sa mga nais niya. Ginagamit niya ako sa tuwing naisin niya dahil hindi raw siya pinagbibigyan ng kanyang asawa. Labag man sa kalooban ko ay wala akong magawa." Napalakas ang hagulgol nito. Inabutan ko ito ng iced tea para kumalma. Inalalayan rin ni Hannah ang baso habang pinapainom ang ina.

"Iyong sa hotel, alam ko pong si Papa Romeo ang may gawa no'n, pero bakit n'yo inako ang kasalanang hindi n'yo naman ginawa?"

"Kinuha ko ang baril sa kanya dahil sa pagkataranta, sa takot ko na ring baka maisipan din niyang iputok iyon sa akin bilang witness sa krimen niya. Tapos ay bigla kang pumasok sa kwarto," nagpahid muna ulit ito ng luha, "ilang ulit niya akong dinalaw sa piitan, tinakot na papatayin ang pamilya ko kapag nagsalita ako kaya nanahimik ako."

Napakasama talaga niya! Ilang tao pa ba ang kaya niyang paglaruan? Ang sinira ang buhay? Ipinagpapasalamat ko sa Diyos na hindi siya ang aking ama!

Niyakap ni Hannah ang ina, ilang patak ng luha ang bumagsak sa mga mata nito. Kumalas ito sa ina at iniharap ito sa kanya. "Napa'no ang mukha mo? Sino ang may gawa niyan?"

"Si Romeo!" Pumalahaw ulit ito ng iyak. "Matapos akong sintensyahan ay palihim akong inilabas ng Correctional, pinabugbog sa mga tauhan saka sinunog ang mukha ko! Nakatakas lang ako sa mga lasing niyang tauhan pero napilitan akong magtago dahil sa takot na pati kayo ay saktan niya!" Hindi na ito tumigil pa sa pag-iyak.

"Napakahayop talaga ng taong 'yon! Magbabayad siya sa akin!" Niyakap nito ang ina. Nagngangalit ang mga bagang ni Hannah, poot ang nababanaag ko sa mga mata niyang basa ng luha. Ako ang nahihiya sa kanya. Winasak ng kinilala kong ama ang pamilya niya.

To Be Continued....

Paranormal Crime Unit (Wattys PH 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon