Chapter 10: Mixed start

6.4K 269 130
                                    

⪼ R I S E I

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

⪼ R I S E I

I crossed my arms, leaning against the wall beside the boy's comfort room. I still can't believe na mapapapayag ako ng transferee na 'yon na samahan siya.

"Can you make it faster?!" Reklamo ko sabay hampas sa pinto. Not sure if he can hear me though. Sakto namang lumabas na siya kaya napairap ako. "Finally."

"Sorry kung natagalan," hindi ko na pinansin si Blake at nagsimula na lang maglakad. Yes, I know his name. Sino ba namang hindi nakakakilala sa taong 'to at sa dalawa pa niyang kasama?

I just can't understand why Mr. President have to accept transferees at the end of the school year. Our grades are being finalized and they are about to choose the Top 20 students para sumabak sa Infernio Battle, which is our supposed to be our final competition inside this Academy.

It's been four years without seeing the outside world. Kaso heto kami ngayon, mukhang madadagdagan pa ang pamamalagi dahil lang sa mga bagong salta.

Unfair.

Natigil ako sa pag-iisip nang mapansing dito na pala ang office ni Mr. President. Tiningnan ko si Blake at para bang nagulat na naman siya ng bahagya ng magtama ang mga mata namin. Is he scared or just plain weird? "Don't forget to knock and greet, alam mo naman siguro ang basic etiquette," sabi ko sabay turo sa pinto.

He nodded and smiled innocently as a response. Hindi na ako nag-abalang ngitian siya pabalik at sa halip ay naglakad na ako palayo pero muli niya akong tinawag kaya napalingon ako.

"Sandali, anong pangalan mo?"

I rolled my eyes at his question. I pivoted, facing him. Kabaliktaran ng masungit kong mga mata ang inosente niyang mukha.

"Risei."


⪼ S H A I A L A

Kanina pa kami ni Dannah rito sa office ni Mr. President. Blake is nowhere to be found. Hindi rin ma-contact ang cellphone nito ayon kay Dannah. Napahikab ako habang pinagmamasdan ang mga paintings na nakalagay sa frame na siyang nakadikit sa pader nitong office. Wala akong mapaglibangan since dead batt na ang cellphone ko.

"Tagal naman ni Blake," reklamo ni Dannah at sa isang iglap bigla na lamang bumukas ang pinto at niluwa noon si Blake na ngiting-ngiti. Bakit ba laging masaya ang lalaking 'to? Kung ako ang tatanungin, walang masaya sa nangyayari ngayon. 

Iba ang kutob ko sa Academy na 'to.

"Buti nahanap niyo 'tong office ni Mr. President," Sabi ni Blake saka naupo sa tabi ng pinsan niya. Pagkatapos no'n ay agad niyang nilibot ang tingin sa paligid at tila ba namangha.

"Nagtanong-tanong lang kami ni Shaiala."

Magkaklase kasi kami ni Dannah sa last subject kaya sabay na rin kaming pumunta rito. 

"You told me you have a terrible sense of directions, buti hindi ka naligaw," biro ko kay Blake.

"Muntik na. Kaso nagpasama ako doon sa babaeng may kulay pulang buhok," sagot nito. "Ang sungit pero sinamahan naman ako, mabait rin pala."

Infernio Academy 1: Touch of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon