Chapter 16: Fear and anger

4.9K 263 41
                                    

⪼ S H A I A L A

I don't get it. 

Why is this school so huge? 

Isang linggo na ang nakalilipas pero naliligaw pa rin ako. Isang-daang estudyante lang naman ang nag-aaral rito ah? 

I'm currently figuring out where's the indoor pool. Sunday ngayon at kailangan kong makapagrelax pero heto ako ngayon, naliligaw. Naiwan ko pa kasi ang phone ko, kainis

May ilang students akong nakakasalubong pero ayaw kong magtanong sa kanila. I know their personalities, well not totally pero sigurado akong tatarayan lang nila ako. Wala pa talaga akong nakikitang approachable rito. Tinuturuan ba sila kung paano magsungit? Pare-parehas ang mga ugali!

But whatever, wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko 'di ba? At ano naman kung tarayan nila ako? Kaya ko rin namang magtaray pabalik. 

Okay I swear, kung sino ang estudyanteng makikita ko pag-angat ko ng ulo ko, sa kaniya ako magtatanong.

Huminga ako ng malalim bago ko i-angat ang ulo at kung minamalas ka nga naman...

"Kanina pa kita nakikitang paikot-ikot, naliligaw ka ba?" Denver asked as he stopped in front of me. Hindi siya ganon kalapit sa akin pero sapat na para marinig ko ang sinabi niya.

"Obvious ba?" Okay, hindi ko sinasadyang magsalita ng gano'n. Naiinis lang talaga ko dahil nga kanina pa ako naliligaw.

"I'm asking nicely, woman. Watch your words." Seryosong tugon nito na siyang ikinalunok ko. 

No, Shai. Hindi ka dapat matakot sa lalaking 'to. And he's nice, he helped you with your panic attack, 'di ba? So, hindi siya ang dapat mong kalabanin. Hindi mo siya dapat katakutan. He has a nice side, don't be so intimidated with those pair of black, emotionless eyes.

"Paano mo nalaman na kanina pa ako paikot-ikot? Stalker ba kita?" Nagtaas noo ako. 

Napangisi siya sa naging tanong ko at itinaas ang magkabilang kilay sabay turo sa sarili na para bang hindi makapaniwala sa naging tanong ko sa kaniya.

"Stalker? Ako?" Hindi, baka yung pader. "You must be kidding." Umiling-iling pa ito bago ito maglakad palapit sa akin.

"Whatever, whatever." Iwinasiwas ko ang kamay ko sa kaniyang mukha. "Turo mo na lang sa akin kung nasaan ang indoor pool."

"You're on the right track now. Pagkaliko mo diyan sa kanan, makikita mo na yung indoor pool." Sabi nito nang huminto siya sa gilid ko at bago siya magpatuloy sa paglalakad, nagsalita siyang muli. "You're welcome."

I followed his directions and thanks to him again, I finally found my destination.

Inilagay ko na muna ang towel at ang suot kong shirt at shorts kanina sa locker. Pagkalubog ko pa lamang ng katawan ko sa pool ay biglang bumukas ang pinto kaya naman napalingon ako sa gawi no'n. 

"Sapphire." Pagbanggit ko sa pangalan nito. Dire-diretsyo lang siya sa paglalakad ngunit bigla siyang napahinto nang makita ako. Kumunot ang noo niya na para bang inaalala niya kung sino ako pero maya-maya lang ay naglakad na siyang muli.

Tahimik lamang itong naglalagay ng mga gamit niya sa locker at maya-maya ay nakarinig ako ng music na nage-echo sa buong kwarto. It was a Taylor Swift song! Fifteen. One of her old songs. Oh, my love for pop genre is still unbeatable.

"Hey! I love that song." I clapped excitedly. 

"So?" Bigla niyang pinatay ang kanta. Okay, damn. Nawala tuloy ang ngiti ko.

"So?" I scoffed. "So the rumor's true? You're not that nice." I said and rolled my eyes. I'm trying to be friendly here, actually gusto ko siyang maging kaibigan dahil mukhang ang astig ng personality niya pero binabawi ko na ngayon. She's a bitch.

Infernio Academy 1: Touch of HellWhere stories live. Discover now