Chapter 29: His worst nightmare

3.6K 208 71
                                    

Multimedia: Silver

⪼ H A D L E Y

Ang init. Napakainit. Parang may mga apoy na nakapaligid sa akin.

Hindi ako makahinga. Sobrang hirap huminga. Parang kada langhap ko ng hangin ay naninikip ang dibdib ko.

Dinilat ko ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pagtulo ng aking mga pawis. Napatingin ako sa pintuan nang may makitang usok na nanggagaling sa labas kasabag ng mga yabag ng mga paa na animo'y may mga humahabol sa kanila.

Napatingin ako sa pinto nang may kumalabog rito. Paulit-ulit na kumakatok ang kung sino mang nasa labas kaya naman nakiramdam ako lalo.

What's happening?

"Hadley! Open the fucking door, sleepy head!" It was Sapphire. 

Sinuot ko ang tsinelas ko at dali-daling tinangay ang aking cellphone bago buksan ang pinto. Natigil sa pagkatok si Sapphire at tinitigan ako ng mata sa mata. "Malapit ng matupok ng apoy ang mga building sa Infernio pero natutulog ka pa rin? Ibang klase ka." Inis niyang hinawakan ang kamay ko saka ako hinila paalis. Humapdi ang mga mata ko nang pumasok rito ang usok. Sa sobrang kapal nito ay para bang hindi ko na magawang dumilat pa. Mas lalo akong nahirapang huminga, singhap ako ng singhap pero parang nauubos na ang hangin sa paligid.

Nakaramdam ako ng takot. Saan nagsimula ang amoy na 'to? 

Nagtagumpay kaming makalabas ng dorm at bumungad sa amin ang ilang kasamahan namin.

"Risei, Dannah, and Shai... where are they?" I asked. Humawak ako kay Sapphire dala ng sobrang panghihina. Bigla namang umilaw ang cellphone ko. Agad kong tiningnan kung sino ang nagmessage.

From: Unknown number
This is Newt. Nasa main building kami.
SOS ASAP

Nahihilo man, pinilit ko pa ring bilisan ang pagtakbo ko matapos matanggap ang text na 'yon. Hindi na ako nagsayang pa ng oras. The ground floor of the main building is on fire and Newt and the others are still there.

"Hindi ka na dapat sumama! May sakit ka 'di ba?" Inis na tanong sa akin ni Sapphire nang lingunin niya ako. How did she know na may sakit ako? Sinabi ba ni Ford sa kaniya?

"I want to help my friends, okay?!" I exclaimed, emphasizing the word she hated to hear the most.

Friends.

Napansin kong natigilan siya na hindi ko na lang pinuna.

Sa hindi kalayuan natanawan na namin sila Newt, Shaiala at Dannah. May ilang personnel na rin na umaasikaso ng lahat. Pero alam kong kulang pa sila.

Ito ang cons ng pag-aaral sa Academy na 'to. Kapag nagkaroon ng sunog, hindi maagapan agad dahil wala namang malapit na fire station. Kulang pa sila sa kagamitan.

"Ano nang nangyayari?" Tanong ni Sapphire sa tatlo. Nilingon siya nila Dannah at Shai pero si Newt ay diretsyo lang ang tingin sa main door na nakasara. Tagaktak na ang pawis nito at bakas na rin ang pagkainis sa mukha.

"Nasa loob pa rin sila Blake. Gusto ko ng tumulong pero ayaw nila." Pero si Newt ang sumagot. Tinuro niya ang mga personnel na halos wala namang natutulong.

"Why? Do they think the three of them are enough?" Sapphire squinted her eyes. "Maiwan kayo rito, papasok ako. Maghahanap ako ng ibang daan para pumasok at susubukan ko silang iligtas." Sa tono ng pananalitan ni Sapphire ay halatang desidido na siya, gusto ko mang umangal dahil napakadelikado ng binabalak niya pero alam ko namang hindi na siya papapigil.

"Sasama ako sa 'yo." Pagpresinta ko kaya napatingin siya sa akin pati na rin ang tatlo.

"You're sick. Sa tingin mo ba papayag ako?" Iniwas ni Sapphire ang tingin niya sa akin at nagsimula ng maglakad.

"Ako na lang ang sasama. Hindi pwedeng mag-isa ka lang maghahanap, marami pa ang nasa loob." Sabi ni Shaiala saka sumunod kay Sapphire.

"Hindi. Ako na lang ang sasama, maiwan ka rito Shai. Samahan mo ang dalawang 'to." Sabi ni Newt sabay turo sa amin ni Dannah. Muli akong nakaramdam ng pag-ikot ng paningin kaya napahawak ako kay Dannah. Napatingin naman siya sa akin at agad akong inalalayan.

"Okay, let's go." Tinanguan siya ni Sapphire.

"Hadley, i-text mo ako kung may nakabalik na." Newt nodded as he showed me a reassuring smile.



⪼ S I L V E R

Wala akong magawa kundi titigan ang apoy. Gusto ko mang umiwas ng tingin para hindi ito makita pero kahit saan naman ako tumingin ay may nasusunog. Para bang gusto ko na lang pumikit para hindi ako lamunin ng nakaraan.

"Nawala na sila Risei at Blake sa paningin ko! Nasaan na sila?!" Rinig kong tanong ni Denver na siyang nangunguna sa pagtakbo. Walang sumagot sa amin. Tagaktak na ang pawis ko at hirap na rin akong huminga. Something's weighing in my chest and it feels so heavy.

"Silver!" Sigaw ni Ford. Tatakbuhan ko na sana ang distansya ko sa kanila kaso bigla na lamang may nalaglag na kahoy sa harapan ko kaya nawalan ako ng balanse matapos ko iyong ilagan.

Fuck! Someone get me out of here.

Napaatras ako nang napaatras hanggang sa dumikit ang likod ko sa pader. Napapikit ako ng mariin nang may marinig na boses sa kung saan. Mas lalong tumindi ang pagkahilo ko at ang pagsinghap ko ng hangin. Pinagpawisan ako ng malamig at nagsimula ng manginig ang mga kamay ko.

"Silver, ano ba?! Silver!" Ang boses ni Ford ay bigla na lamang napalitan ng ibang boses na paulit-ulit na isinisigaw ang pangalan ko. Nang idilat ko ang mga mata ko ay mistulang nasa ibang lugar na ako pero katulad kanina ay meron pa ring apoy sa paligid. 


"Anak! Anak! Tumakbo ka na! Iwan mo na ako! Iligtas mo ang kapatid mo!" Sigaw sa akin ni mama habang nakadikit ang likuran sa pader. Wala akong ibang maramdaman kundi takot, walang hanggang takot, walang katumbas na takot. Napuno ng takot ang dibdib at utak ko. Hindi na ako makapag-isip ng maayos. Ang alam ko lang nasa panganib si Mama at dahil iyon sa akin. Dahil sa akin ang nangyayaring ito. Kagagawan ko ito.

"Ma! Hindi kita iiwan!" Sigaw ko sa kaniya. Pinilit kong humanap ng daan at paraan para maialis siya kinalalagyan niya pero wala na. Napapaligiran ng apoy si Mama. 

"Iligtas mo ang kapatid mo! Sige na! Takbo na, anak!" Sigaw pa ni Mama kaya napatingin ako sa kapatid ko. Umiiyak ko itong kinarga at bago pa man din ako tumakbo paalis ay nilingon ko si Mama na ngayon ay umiiyak na rin.

"Mama, I love you. Sorry. Sorry."

Napasigaw ako at napasabunot sa buhok ko. Ang palahaw ni Mama ang paulit-ulit kong naririnig kahit wala naman siya rito sa paligid. Nag-aagawan sa pandinig ko ang boses ni Mama at ang boses ni Sapphire kaya naman diniinan ko pa ang pagkakasabunot ko sa buhok ko. 

Pero teka... boses ni Sapphire? 

"Silver Inferno, what do you think you're doing?!" Ibinaba ko ang kamay ko at nakita ko siya. Nakita ko si Sapphire. Muli niya akong tiningnan bago pumunta sa gawi ko. Hindi niya alintana ang mga nagliliyab na bagay na nakaharang sa dinaraanan niya.

"Stand up! Kailangan na nating umalis!" 

"Silver, tara na!" Hinila niya ako patayo hanggang sa matagpuan ko na lamang ang sarili kong tumatakbo palabas sa building na 'to. 

Sinalubong kami ng isang personnel at sinubukan akong alalayan pero tinabig ko lang siya at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Sapphire. She drag me away at nang makalayo, muli niya akong hinarap. "What happened to you?" I stared at her questioning eyes.

What happened?

Binalikan ako ng madilim na nakaraan. Bumalik sa ala-ala ko ang pinaka-ayaw kong pangyayari sa buhay ko.

Bigla kong naalala kung paano namatay si mama. 

Nakaramdam ako ng panghihina kaya wala akong nagawa kundi mapayakap kay Sapphire. Ibinaon ko ang mukha ko sa balikat niya at mas lalo pang hinigpitan ang yakap. Para bang bumalik ang ilan sa nawala kong lakas nang maramdaman ko ang pagyakap niya sa akin pabalik.



_

Infernio Academy 1: Touch of HellWhere stories live. Discover now