Chapter 35: Devil with a mask

4.2K 214 135
                                    

Chapter theme: PNK FME - Dark Demons

⪼ S A P P H I R E

Paulit-ulit rumerehistro sa utak ko ang sinabi ni Silver kanina. Wala akong ibang ginawa sa loob ng ilang oras kundi tumitig sa kisame sa kwarto ko at isipin 'yon. The hell. 

Bakit ganito kalaki ang epekto ng sinabi niya sa akin? Bakit ganito kalaki ang epekto mo sa akin, Silver? Sino ka ba para gawin 'to sa akin? Sino ka ba para pagisipin ako ng ganito?

He's falling? He's falling for me? Why? Wala akong makitang dahilan para mahulog siya sa akin. Wala akong mahanap na dahilan para magkagusto siya sa akin. He must be insane. 

It's already twelve in the morning. Dalawang oras ko inisip ang bagay na 'yon? Dalawang oras akong nakahiga habang nakatulala? Bet my bedroom ceiling's bored. Umayos ako muli ng higa at pagkatitig ko muli sa kisame ay bigla ko na lamang naalala ang mukha ni Silver.

That devil.

The only person who could give me chills. When he's near. Whenever her lips formed into a devilish smirk. Inaamin ko nakakatakot rin siya. Why? Simply because he's Silver Inferno. He's a devil himself. Nakakapangilabot ang aura nito kahit pa wala siyang ginagawa. Ano pa kaya kapag nagalit na siya? I'm so damn curious kung saan ang kayang itagal ng pasensya niya. I never saw him snap hard. I wonder how fearsome can he be.

Pero ang Silver na nakikita ko nitong mga nakaraan ay isang panibagong Silver. Hindi na siya katulad ng dati na walang pakialam sa paligid niya. Hind. Tuluyan na ba itong nawala o sadyang magaling lang siyang magtago. He's good at controlling himself, his own emotions. That's the reason why he's always chill. Kahit pa nagkakagulo na ang lahat ay parang wala siyang pakialam, parang normal pa rin ang lahat. Pero maliban sa isang pangyayari...

Noong na-trap sila sa loob ng main building at naabutan ko siyang nakaupo sa sahig habang hawak hawak ang sariling ulo. Noong mga oras na yakap-yakap niya ako, naramdaman ko kung gaano siya katakot. Apoy. Apoy ang dahilan. Sa unang pagkakataon nakitaan ko ng takot ang mga mata niya. Sa unang pagkakataon ay pinagpawisan siya ng malamig dahil sa kaba. Sa unang pagkakataon tinibag niya ang mga pader na ginawa niya at nagpakita ng kahinaan. 

I felt the vulnerability I never knew I could feel in him.

I've known Silver for being fearless but those shaking eyes, trembling lips and a soul asking for a hug proved me wrong. That made me realize that he's still a human after all. 

Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa aking lumabas sa dorm. Tutal hindi rin naman ako makatulog, aaliwin ko na lang ang sarili ko sa pamamagitan ng paglalakad rito sa Academy. 

Infernio Academy...

Sa tinagal-tagal ng pananalagi ko rito, hindi ko pa rin alam kung gaano kalaking misteryo ang bumabalot sa institution na 'to. I developed an acute trauma from that one single incident that leads to the death of my younger brother. That alone has created a large impact in my brain. And then Professor Lee happened to find me while having a talk with my psychiatrist. He approached me and said, he knows a better way to cure my trauma.

I don't easily trust people. Sumama lang ako para malayo na sa pamilya ko. Nakakapagod ang araw-araw nilang paninisi sa akin. Napapagod rin naman ako.

"Let go of me!" 

Para bang nagising ang buong diwa ko nang marinig ang isang pamilyar na boses. 

"Hadley?" Nilibot ko ang tingin sa paligid at nakita ko ang sapilitang pagtulak ng mga lab doctors sa nanghihinang si Hadley. Isang sigaw pa ang pinakawalan niya hanggang sa bigla na lang siyang nahimatay. They carried her unconscious body inside. Nang sumara ang pinto ay mas binilisan ko pa ang takbo ko. 

Infernio Academy 1: Touch of HellWhere stories live. Discover now