Epilogue

4.4K 211 188
                                    

Chapter theme: Martin Garrix & Bebe Rexha - In The Name of Love

⪼ S A P P H I R E

Am I a better person today, than I was yesterday? When was the last time I did something fun? Am I contented with my life? How could I stop myself from building walls and burning bridges?

I was walking unusually slowly, almost robotically, as if my brain was struggling to tell each foot to take the next step. Hindi ko alam kung bakit ganito kabibigat ang bawat hakbang ko. Abala ako sa paglibot ng aking paningin habang mabagal na naglalakad ngunit nang mahagip ng mga mata ko ang dalawang babaeng nag-uusap ay napatigil ako.

"Dean Lister ka, anak? Congratulations! Proud na proud ako sa'yo." 

Para bang kumirot ang puso ko nang makita ang pagyakap ng kaniyang ina roon sa babaeng mukhang ka-edaran ko lang. Kapag ba sinabi ko sa mommy ko na kasama ako sa Final 10 at isa akong Infernio Lister ay matutuwa rin siya? Magiging proud rin ba siya? Tatanggapin na ba niya ako ulit bilang anak niya?

My phone rang and when I saw that Blake's name on the screen, I immediately answered the call. Nakapokus pa rin ang aking paningin sa mag-inang magkayakap sa hindi kalayuan. I somehow felt envious. I miss Mom's warm hugs.

"Nasaan ka? Bakit bigla kang nawala?" Hindi katulad ng dati ay wala ng sigla sa kaniyang boses. And that's because of his cousin, that's because of Dannah.

Hindi pa rin namin kaya mabalikan.

"I wanted to spend time with myself and unwind." 

"Pauwi ka na ba?"

"Yeah."

"Sige. Ingat." Ibinaba na niya ang tawag matapos no'n. Iniwas ko na rin ang tingin ko sa eksenang iyon at naglakad na papalayo.

***

Ang sabi ko kay Blake ay pauwi na ako ngunit nandito ako ngayon sa sementeryo habang nakatitig sa puntod ng kapatid ko. I smiled bitterly while reminiscing our happy memories. Our bright smiles, never-ending bickering, cuddles, and everything. I wish I could turn back time.

"I miss you." Hinawakan ko ang lapida kung saan nakaukit ang kaniyang pangalan. Nang dumapo roon ang aking mga daliri ay kusa na lamang kumawala ang mga luhang pinipigilan ko. The tears burst forth like a water from a dam, spilling down my face. Salty drops fall from my chin, drenching my shirt.

"I am sorry." My thick lashes stuck together in clumps as if I've been swimming. The tears made wet tracks down my face and dripped from my wobbling chin. Ilang taon na ang nakalilipas matapos mawala ang kapatid ko pero hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang sakit, tuwing naalala ko ang nangyari na iyon ay pakiramdam ko kahapon lang iyon nangyari.

"Sino ka?" Inangat ko ang aking ulo at ipinihit sa gawi ng nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko at kusa na lamang akong napatayo nang makita ko ang dalawang taong hindi ko inaasahang makikita ko ngayon.

"Sapphire?" Gulat na tanong ni Mommy at nabitiwan pa ang hawak-hawak na basket ng bulaklak. "Anak!" Bulalas niya at dali-dali akong niyakap. Sa sobrang pagkagulat ko, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gusto ko siyang yakapin pabalik ngunit mistulang nagyelo na ako rito. 

This feeling, I missed this feeling.

"Kamusta ka na?" Tanong ni Mommy at nakita ko pa ang pagtulo ng kaniyang luha mula sa mga mata niyang puno-punong ng saya. Ang mga luha na iyon, ang sayang nakikita ko sa mga mata niya...para sa akin ba iyon? Ako ba ang dahilan no'n?

"I-I'm doing fine." 

I'm fighting for my life for four straight years. I met some devils inside Infernio Academy who wanted to end my life. There are so many instances that wherein I almost died. 

Infernio Academy 1: Touch of Hellحيث تعيش القصص. اكتشف الآن