Chapter 53: Start line

3.7K 190 326
                                    

⪼ S H A I A L A

Latang-lata akong bumangon mula sa aking higaan. Kanina pa akong umaga nakadikit rito sa higaan ko, wala akong gustong gawin pero ayaw ko namang tumunganga lang, ang gulo 'di ba? Pero ganon talaga ko, gustong-gusto maging productive pero ang totoo ay tamad na tamad naman kumilos.

Kamusta na kaya ang iba? Lalo na ang mga paniguradong makakasabak sa Infernio Battle ngayon. I hope they do well. Pakiramdam ko ang unfair ko noon dahil parati kong hinihiling na sana hindi manalo ang isa sa kanila upang ma-trap sila kasama ako. Ayaw kong maiwang mag-isa rito.

Pero ngayon, ayos lang pala sa akin na maiwan na ako. Importante ay masilayan na nila ulit ang labas na paniguradong namimiss na nila. Never akong nagkaroon ng totoong kaibigan katulad nila Dannah dahil akala nila ay napaka-arte at napakasungit kong tao kaya iniiwan nila ako agad. Hindi ako nagsasalita pero sa loob-loob ko ay gusto ko ng umiyak dahil sa sobrang sakit. They turned me into a dreadful person but the nine of them brought back the old me. Sa maikling panahon ay napalapit na ako sa kanila. Tuwing kasama ko sila, pakiramdam ko ay welcome ako lagi. Makita ko lang silang masaya, masaya na rin ako. Ganun...Ganun na ang epekto nila sa akin.

Nang makabalik ako sa kama ay saktong tumunog ang cellphone ko na nakapatong roon. It was Denver. Agad kong sinagot ang tawag at bago pa man rin ako makapagsalita ay inunahan na niya ako.

"Where are you?"

"Dorm."

"Papunta ka na ba rito? Paalis na kami." Napakunot ang noo ko sa naging tanong niya. Posible kayang kabilang siya sa mga lalahok sa Battle?

"Hindi naman ako kasali." Bahagya akong tumawa upang maitago ang pagkadismaya.

"Ha? Paano mo nasabi? Wala ka bang nakitang pulang invitation letter?" Sa pagkakataong ito, boses na ni Risei ang narinig ko. Pero ano? Pulang invitation letter?

"Wait." Inilibot ko ang tingin ko sa aking kwarto at muntik ko pang mailaglag ang cellphone ko nang makita ko sa tapat ng pinto ang invitation letter na sinasabi ni Risei.

"Shai?" Pagtawag sa akin ni Risei kaya naman iniling ko ang ulo ko upang mabalik sa katinuan. 

Gosh! Is this for real?! Kasali ako?!

"Hey, wait for me."

***

"Shaiala Reign!" Malakas na sigaw ni Hadley at sinalubong ako ng yakap. 

Napangiti ako ng malapad at niyakap siya pabalik. Inilibot ko ang tingin ko sa at nakita ko ang maraming pares ng mga matang nakatingin sa gawi namin, at ang mga pares ng mga mata na iyon ay pagmamay-ari noong walo. Para bang mas lalo ko pang naramdaman ang saya nang mapagtanto kumpleto kami ngayon.

"Ang tagal mo. Paalis na kaya ang bus." Hinampas pa ako ni Hadley matapos niya iyon sabihin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Hey Jack, help her." Sabi ni Hadley kay Denver at nginuso ang bag na nakasukbit sa isa kong balikat. Saglit na nagtama ang tingin naming dalawa pero umiwas rin siya agad at ibinuga ang usok ng vape.

"Kaya naman niya." Malamig na tugon nito at muling bumuga ng usok.

"P're, mawalang-galang na pero hindi ako pumunta rito para langhapin ang usok ng vape mo." Bakas ang pagkainis sa boses ni Blake na sa tingin ko ay kanina pa nabibiktima ng usok ng kaniyang katabi. But come to think of it, I never saw Denver use that thing before. Kailan pa siya natutong mag-vape?

"Ako pa ba mag-a-adjust?"

"Okay, sabi ko nga ako na." Lumayo si Blake habang hila-hila si Risei at gumawa ng sarili nilang mundo. Napailing na lamang ako.

"Napaka-ungentleman mo talaga! Buti pa si Newt ko." Puri ni Hadley at ikinawit pa ang braso sa braso ni Newt na ngayon ay bitbit ang bag ni Hadley. Nagkatinginan kami ni Quinn at sa tingin ko ay parehas kami ng ekspresyon at para bang nagkaintindihan kami sa pamamagitan ng tinginan kaya naman sabay kaming napabuntong-hininga at umiling. 

Well, only single can relate.

"Ako na lang ang magbubuhat ng bag mo." Napalingon ako sa kumuha ng bag ko. Si Wesley pala iyon at nasa likuran niya si Trevor. Aangal pa sana ako ngunit agad niyang inilipat ang tingin sa iba. Nahagip ng paningin ko si Dannah na ngayon ay inaasar ako gamit ang tingin niya.

"Wow, I never expected na makakasama ko ang mga taong ito." Napalingon kami sa nagsalitang si Thalia at tiningnan kami isa-isa na para bang nandidiri. Napairap ako at piniling huwag siyang pansinin. I got no time for bitches. Those kind of people don't deserve a single bit of attention.

"Wow, I never expected that Mr. President will include you in this battle." Pambabara sa kaniya ni Sapphire kaya napangisi ako.

"So bitch what are you trying to say?" Tanong ni Thalia kay Quinn na para bang naghahamon ng gulo. Imbis na sumagot, nagkibit-balikat na lamang si Quinn at inalis ang tingin sa babaeng papansin. Magbibitaw pa sana ng salita ang papansing si Thalia ngunit biglang dumating si Mr. President kaya naman agad natahimik ang lahat.

"The twenty of you, are you ready?" Tanong niya sa amin. Handa na nga ba ako? Handa na nga ba akong suungin ang laban na 'to na magdidikta kung makakalabas ba ako?

"I am always ready." Pumihit ang ulo ng lahat patungo sa direksyon ni Quinn na wala man lang bakas ng kaba sa mukha.

"Lagi ka namang ready matalo." Sambit ng isa pang papansin na si Leah na tinawanan lang naman ni Quinn.

"Are you talking to yourself?"

"Bitch." Singhal ng dalawa.

Bahagyang umubo si Mr. President kaya naman natuon muli sa kaniya ang atensyon ng lahat. "Remember that Infernio Battle will determine your future."

Right. 

Kung mananalo kami rito, isasalang kami sa mas malaki pang battlefield. The international sparring competition. Iyon nga lang, hindi ko na alam ang mangyayari sa amin pagkatapos no'n. Are we finally free from hell?

Pero kung matatalo kami, maghihintay na naman kami ng ilang taon para makalabas.

"So paano nga ba manalo? Simple lang, kuhanin niyo lang ang kulay pulang bandera kung saan nakalagay ang pangalan ninyo at hanapin ang exit. Sounds easy, right? But it's not as it seems." 

Ayaw ko mang aminin pero kabang-kaba ako ngayon. Ni hindi ko alam kung kakayanin ko. Ngayon lang ako pinanghinaan ng loob.

"Sa Battle na ito, mae-encounter niyo ang mga bagay na inyong kinatatakutan at kailangan niyo iyong malampasan para makuha ninyo ang bandera. Kapag tumigil ang bus, umangat ang mga nagtatakip sa bintana at nakarinig ng isang malakas na putok ng baril, iyon ang magsisilbing hudyat na simula na ang Infernio Battle. You only have an hour, the first ten will own the price." Matapos niyang magsalita ay akmang aalis na siya ngunit tumigil siyang muli at nagsalita

"Kung mayroon mang magkakaibigan sa inyo, kalimutan niyo muna ang isa't isa ngayon."

Walang nakapagsalita sa amin. Obvious naman na kaming sampo ang pinatatamaan, obvious naman na alam niya ang namamagitan sa amin. Lumapit ako sa gate ng Academy at hinawakan ito. Ang Infernio Battle na lang ba talaga ang tanging daan upang malisan ko ang lugar na 'to? Kung oo...kailangan ko nga ba muna silang kalimutan para sa sarili kong kapakanan?

"Kaya mo 'yan. Huwag kang kakab—" Hindi pa man rin nakakatapos si Wesley sa pagpapalakas ng loob ko ay lumapit na sa amin si Denver at marahas na kinuha mula kay Wesley ang bag ko sabay hila sa akin papalayo. Magrereklamo na sana ako sa muling pangbabastos niya ng usapan namin ni Wesley ngunit binitiwan niya ako ng marahas at tiningnan ako ng seryoso.

"If I'm able to win this battle...you will be mine."


_

Infernio Academy 1: Touch of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon