Chapter 46: The outside

3.5K 188 132
                                    

⪼ S A P P H I R E 

Ito na ang araw na pinakahihintay ng lahat, ang araw ng paglabas namin ng Academy. Their anticipation of being able to see the outside tingled them from head to toe. Everyone's excited except for me. Just like what I've told, I have nothing and no one to expect outside this institution. Hindi katulad nilang lahat. 

Sa aming lahat, si Hadley ang hindi mausuhan ng salitang 'chill' dahil kada minuto niya ata sinasabi sa amin kung gaano siya ka-excited. Ngayong dumating na ang araw na pinakahinihintay niya, paanong pagwawala naman kaya ang gagawin niya?

"Grabe! Bakit ngayon mo lang 'to sinabi sa amin?" Hadley paused from packing her things up as she whined.

"Hindi naman kayo nagtanong." Blake said and I chuckled. Nag-usap pa ang dalawa habang kami ni Dannah ay kasalukuyang tiningnan kung may naiwan ba kaming gamit. And yes, we're currently at Hadley's room. Bigla-bigla niya kasi kaming hinila patungo rito dahil gusto niya raw ng kakwentuhan habang nag-iimpake siya. Iba rin ang babaeng 'to, kung kailang last minute ay saka palang nag-iimpake.

"Ilang buwan ka na palang nanliligaw kay Risei pero heto kami't walang ka-alam-alam! How dare you?!" Pagiinarte pa ni Hadley. And what's the big deal about that? 

Napakamot na lamang ng ulo si Blake at binigyan kami ng pilit na ngiti. Napatingin ako sa katabi kong si Dannah na abala sa cellphone niya, kapansin-pansin rin ang saya sa kaniyang mukha kaya naman napangisi ako.

"Someone's as happy as Blake." Nabaling ang tingin nila sa akin kaya naman itinuro ko si Dannah gamit ang nguso ko. Parehas na napangiti sila Hadley at Blake na mukhang nakuha na rin ang ibig kong iparating.

"Uy, Dannah. Pakisabi naman diyan kay Wayne Ford na ang ganda ko." Hadley said which made me chuckle. Dannah unconsciously nodded that made the two giggle.

"So si Ford pala talaga ang kausap mo 'no?" Panunukso ni Blake sa kaniyang pinsan kaya naman tuluyan naming naagaw ang atensyon niya. We laughed as we saw her froze.

Napailing na lang ako habang nakangiti. 

I don't know. Seeing them happy like this somehow makes me happy too.

***

"Excited na ako!" Hadley shouted and threw her hands on the air. Kaming dalawa ni Newt na nasa magkabilang gilid niya ay tiningnan lang siya ng masama. Ang aga-aga pero ang taas na agad ng energy ng babaeng 'to.

I rolled my eyes after checking the time. Bakit ba ang tagal-tagal dumating ni Mr. President? He's such a VIP.

"Saan kaya tayo dadalhin ni Mr. President?" Tanong ni Shai habang inaayos ang pagkakasuot ng cap sa kaniyang ulo. Parehas pa silang nakasuot ng kulay itim na cap ni Denver na nakaupo lang roon sa gilid at halatang inaantok pa, hindi ko alam kung nag-usap ba sila tungkol roon o ano.

"Kayo ang bahala. Pupunta kayo kung saan niyo gusto." Natuon ang atensyon namin sa nagsalita sa gilid ko. Si Bronze pala, at nang tingnan ko siya at nginitian niya ako.

"Excuse me? Kami kasi ang kausap." I said while wearing my signature poker face. He smirked and threw his right arm around me. Nakita ko ang mas lalong paniningkit ng mga mata ni Silver na kanina pa hindi nagsasalita. Hindi ko na lamang pinansin ang naging reaksyon niya at ibinaling ang tingin kay Bronze.

"You smell bad, fuck off." Pambibiro ko sa kaniya pero imbis na lumayo siya ay mas lalo pa niya akong idinikit sa katawan niya to the point na iniipit na niya ang ulo ko sa kili-kili niya. Si Giroux naman ay tumatawa lang roon habang pinanonood kami.

"Mamatay ka sa amoy ko!" Natatawang sambit niya.

Well, I don't know how we became so...close? I guess?

Napatigil kami sa pagtatawanan nang may umubo na para bang sinadya talaga. Umangat ang tingin ko at ang unang nakapukaw ng atensyon ko ay si Silver na masamang nakatingin sa kapatid niya. I bet he's the one who coughed on purpose.

"Mawalang galang na pero..." Napatingin kami kay Ford na saglit lumayo sa tabi ni Dannah para lumapit kay Bronze. Napatingin siya saglit sa akin bago itulak ang balikat ni Bronze palayo. "Kailangan mo na atang dumistansya." Ford said. Nakuha ko ang ibig niyang sabihin pero hindi ko na lang iyon pinansin. 

Sa hindi kalayuan, nakita ko si Mr. President na palapit sa amin. Nakasuot ito ng pormal na kasuotan katulad ng inaasahan ng lahat. Nang makalapit sa amin, kusa na lamang yumuko ng sabay-sabay ang ilang estudyante sa kanila at sabay-sabay rin silang umangat. Humilera rin sila na para bang may kung sinong kumokontrol sa kanilang mga katawan. 

"Aalis na po?" Tanong ni Bronze kay Mr. President at tumango ito. Pinanood ko ang mga guards na pinagtulungang buksan ang mabigat at mataas na gate ng Academy. Through the whole process, I was just eyeing the key. I wonder if that's the same key Dannah and Ford used.

"Follow me students." Utos sa amin ni Mr. President at pinangunahan ang paglalakad. Umangat ang ulo ko at nakita kong ang daming van sa labas. Ilang taon na magmula nang makita at malakaran ko ang daanang ito. For the second time, it gave me chills. Maybe because of the dead trees that prevents the road from getting sunlight. Or the chirping birds and crickets I couldn't even spot.

Nang sumunod na ang iba ay sumunod na rin ako. Sinabayan ako ni Hadley sa paglalakad pati na rin ni Ford kaya ang resulta ay nasa gitna na naman ako ng dalawa. Sana lang talaga ay hindi sila mag-away o mag-asaran ngayon.

"Saan kaya tayo dadalhin niyan?" Seryosong tanong ni Ford na para bang nagdududa kay Mr. President. Sino ba naman kasi ang hindi? Ni minsan hindi niya kami binigyan ng pagkakataong masilayan ang labas. Ngayon lang talaga.

The drivers stood beside their vehicles, opening the door for us. Una akong sumakay at tumabi naman sa ang isang estudyante na hindi ko kilala. Hindi naman kasi ako pwedeng tabihan nila Ford dahil nandito na si Mr. President. Until now, we're still hiding everything from everyone.

"Tabi tayo!" Sa lakas ng boses ni Hadley, napatingin na sa amin si Mr. President. I jolted from my seat as I felt the panic. Ang sama ng tingin nila sa akin, sa amin.

"And the rule?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Well, I think the rule only exist inside the Academy, right? Nasa labas na tayo so—" Newt suddenly grab Hadley's arm, plopping her down beside me, and proceeded to sit beside her. "Enjoy the ride!" 

"Newt—"

"Sapph, save it." He shushed me. "I said enjoy the ride." Kinindatan niya ako at siya na ang nagsara ng pinto. Ang huli kong nakita sa labas ay si Mr. President na mukha namang walang balak na pigilan kami.

As the day went by, everything and everyone are becoming more questionable. I'm so sick to know what's going on. 

I feel like greater danger is about to come and this free trip is a way to conceal it.


_

Infernio Academy 1: Touch of HellWhere stories live. Discover now