Chapter 32: Shot in the dark

3.8K 214 52
                                    

⪼ D A N N A H

Everything that is happening right now is a lot to take in. I feel my anxiety rising up and it makes me want to vomit. Umangat ang nanginginig kong kamay para magpaalam muna para umalis. 

They all eyed at me weirdly, especially Blake. I signaled that I'm just fine and left without answering any questions.

Nagpunta ako sa pinakamalapit na comfort room. Hindi pa rin nawawala ang takot at kilabot na nararamdaman ko tuwing mag-isa lang akong naglalakad rito sa madilim na daanan ng Academy. Para bang kahit saang sulok ay may nakatingin sa akin, may nagmamatyag sa mga kilos ko. 

Pinasok ko ang cubicle na nasa gitna kaso pagkapasok na pagkapasok ko, nakaramdam ako ng kilabot nang marinig ang unti-unting pagbukas ng pinto. Pinigil ko ang paghinga ko at pinakiramdaman ang paligid. Inisip ko na baka isa lang pala iyon sa mga schoolmates ko pero hindi ko pa rin maiwasang hindi kilabutan at matakot dahil rinig na rinig ko ang mababagal niyang hakbang.

"Dannah?" 

A woman's voice I'm not familiar with.

"Dannah Blair Winter Baeford..." I gasped when she mentioned my full name slowly. Napatakip na lamang ako sa bibig ko nang maramdaman ko ang pagtayo ng aking mga balahibo. Para bang nadikit na ako rito sa kinatatayuan ko, hindi ako makagalaw dahil sa kaba. 

"I know you're here." Narinig ko ang dahan-dahang pagtulak niya sa pinto ng isa sa mga cubicle. 

"Ah, wala ka dito sa una." Nanghihinayang sambit niya. "Dito kaya sa pangalawa?" Muntik na akong mapasigaw sa gulat nang itulak niya ng napakalakas ang pinto ng pangalawang cubicle. Two more cubicles. Two to go and I'm doomed.

"Hala, bakit wala ka pa rin?" Muli kong narinig ang takong ng mga sapatos niya, palakas ng palakas palantandaang palapit na siya ng palapit sa kinaroroonan ko.

"Purple shoes." My eyes widened at kusa na lamang lumipat ang tingin ko sa mga sapatos ko. Purple. I'm wearing a pair of purple shoes. 

"Lalagpasan ko na ang pangatlo dahil alam ko namang wala ka roon." I can feel the sweat drench my skin, the throbbing of my own eyes, the slow steps vibrating in my ears, and the thumping of my heart against my chest.

Napapitlag ako nang hampasin niya ang pinto ng cubicle kung nasaan ako.  "Open this door. Don't wait for me to lose my patience." Ang kalmado niyang boses kanina ay nahaluan na ng galit. 

Kung sakaling bubuksan ko ito, ano ang bubungad sa akin? Kamatayan? I know, I know that death is a big word pero sa maikling pamamalagi ko rito alam ko na kung paano ang takbo ng pag-iisip ng mga estudyante. Kapag galit sila, galit sila. Walang makakapigil sa galit nila.

"Good girl, open this fucking door!" Malakas na sigaw niya at pinaghahampas na ang pinto. Napaatras ako dahil sa takot. 

Nang tumigil siya sa paghampas sa pinto ay nagsalita siyang muli, "Good girl?" She scoffed at herself. "Sino bang niloloko ko? You're a devil hiding in that angel face. You're going to reveal your dark side very soon in order to protect yourself." Sambit niya at narinig ko ang mga hakbang niya paalis. Napakunot ang noo ko. 

Anong sinasabi niya?

I'm not going to hold a knife in order to protect myself. Hindi ko iyon kayang gawin!

I heard the door shut, nakaalis na siya panigurado. Huminga ako ng malalim bago buksan ng dahan-dahan ang pinto. Pagkalabas ko ng cubicle ay bumungad sa akin ang mahabang salamin. Napatitig ako sa sariling repleksyon ko pero may labis na nakaagaw sa aking pansin. Buong akala ko lumabas na siya, buong akala ko ay nag-iisa na ulit ako sa banyong ito, buong akala ko ay tinigilan na niya ako. 

Infernio Academy 1: Touch of HellWhere stories live. Discover now