Chapter 40: The result

3.5K 170 64
                                    

⪼ R I S E I

Ilang beses kong sinubukang huwag isipin si Ford. Ilang beses kong itinatak sa isip ko ang sinabi ni Blake. Ilang beses kong sinubukang bumitaw. Ilang beses kong sinubukang bitiwan na ang nararamdaman ko para kay Ford kasi nga wala naman akong pag-asa. Kahit hindi niya sabihin, kahit hindi ko tanungin alam ko namang si Dannah ang gusto niya. The way he stares at her, malalaman mo na agad na may kakaiba. 

I'm currently sitting here on the rounded bleachers. Pinagmasdan ko ang mga tao rito sa loob ng Battle Hall. Another monthly evaluation. Everyone wore a straight face, but I know deep inside they are nervous too.

Tumabi sa akin ang bagong dating na si Shai kasama si Hadley at parehas na may hawak na tig-isang twalya at bote ng tubig. Hindi ko sila pinansin nang ngitian nila akong dalawa. Masungit. Alam kong iyan ang naiisip nila sa akin ngayon pero wala akong pakialam. 

May umupo sa tabi ni Hadley. Naging malikot ang mga mata ko, gusto kong tingnan kung si Ford ba iyon o hindi pero nilabanan ko ito at itinuon na lamang ang pansin ko sa ring. 

"Hads, si Sapphire?" I froze when I heard his deep voice. Iyon ang kumumpirma sa hinala ko. Nang lingunin ko siya ay nagtama ang mga mata namin. Bahagya niya akong nginitian bago ibaling ang tingin niya kay Hadley na siyang pinagtanungan niya. Umiwas na ako bago pa man rin ako tuluyang ma-distract. May umupo naman sa tabi ko at si Blake iyon kasama si Dannah. Nagbatian sila nila Shai pero ako ay nananatili lamang na nakatahimik. 

"Hello, Risei." Bati sa akin ni Dannah. Nang tingnan ko siya ay nakuha pa niya akong ngitian na ginantihan ko na lang ng tango.

Why am I surrounded with people who likes greeting other people? It makes me feel uncomfortable. Mas lalo kong naramdaman na ang sungit sungit ko sa kanilang lahat.

Maya-maya lang ay bumunot na si Professor Lee ng dalawang pirasong papel sa isang kulay pulang box na naglalaman ng mga pangalan naming lahat. 

"Wayne Ford Hendrix and Risei Yareli Taylor." My eyes went round. What the actual fuck?! Bakit sa lahat ng pangalang mabubunot ay bakit yung aming dalawa pa? 

"Wayne!" Humalakhak si Hadley kaya sinamaan siya ng tingin ni Ford. Hindi niya talaga gusto ang first name niya sa hindi malamang dahilan.

"Yareli." Napatingin ako kay Newt nang banggitin niya ang second name ko. "Ang cute ng second name mo. Sana naging second name ka na lang." I rolled my eyes at bumaba na ng bleachers. Bakit ba kasi buong pangalan na ang nakasulat ngayon doon sa papel? 

Tila ba nanlamig ako nang humakbang na rin paloob si Ford kaya naman ang resulta ay magkaharap na kaming dalawa. Ang taong pilit kong kinakalimutan, ang taong pilit kong binibitiwan ay ngayo'y nakatayo sa harapan ko. 

"YARELI!" Napalingon ako sa malakas na sumigaw ng pangalan ko mula sa bleachers. Tila ba nanlambot ang ekspresyon ng mga mata ko nang makita kong tumayo si Blake at ngumiti ng pagkalapad-lapad. "Kaya mo 'yan!" He even showed me a thumbs up, not minding all the stares and glares he's getting at the moment. Hindi ko namalayan unti-unti na pala akong napapangiti.

"3..."

"2..."

"1..." 

Iniyukom ko ang magkabilang kamao ko habang hnihintay ang signal. Napatingin ako sa malaking timer at nakita kong naka-set na ito sa two minutes. 

"Fight!" 

Agad kong sinugod si Ford at bumwelo ng suntok na agad naman niyang naiwasan. Mabilis siyang nagpunta sa likuran ko at bago pa man siya makagawa ng atake ay pinakiramdaman ko ang paa niya at kinawit ito gamit ang akin. Nakakawit pa rin ang paa ko sa paa niya nang harapin ko siya, mas nilakasan ko ang pwersa ko pero hindi iyon sapat para mapatumba siya, nawalan lamang siya ng kaunting balanse pero muli rin siyang nakatayo ng diretsyo.

Infernio Academy 1: Touch of HellWhere stories live. Discover now