Chapter 37: Suddenly a team

3.9K 205 142
                                    

⪼ S A P P H I R E

Hindi ko alam kung bakit nandito ako sa Infernio Hall. The hell. Alam ko nang kukulo ang dugo ko kapag nakita ko si Mr. President pero nagpunta pa rin ako. Pero kahit naman hindi pa siya nakikita ng dalawang mga mata ko ay nag-iinit na ang ulo ko dahil sa mga titig ng ibang estudyante na para bang gusto kaming lagutan na ng hininga. Do they really think that would scare me?

"Napapansin mo rin pala. Huwag mo na lang patulan." Bulong ng katabi kong si Hadley kaya napairap ako.

"I'm so going to scrape off their eyeballs." Siniko na lamang ako ni Hadley na para bang pinapatigil ako. Muli akong napairap. 

"Hello, Hads." Umangat ang tingin ni Hadley at binati pabalik si Ford. Hindi ko siya tinapunan ng tingin pero alam kong nakatingin siya sa akin habang naghihila ng upuan. "And, hello Sapphire." He greeted me using his monotone voice. I can't handle that transition, ang sigla-sigla ng pagkakabati niya kay Hadley tapos pagdating sa akin parang napilitan lang siya dahil nandito ako.

"Greet her nicely, Wayne." Sambit ni Hadley na may halong pagbabanta sa tono. Hindi ko pa rin sila nililingon at diretso lamang ang tingin ko sa stage. 

"I told you not to call me Wayne. I'm warning you, Farell." Typical line of Wayne Ford. I bet Hadley just stick out her tongue para mas lalo pang mang-asar. The mere thought made me chuckle.

"May isang nababaliw, tumatawa kasi mag-isa." Napatingin ako kay Hadley. Kahit pa hindi siya nag-name drop ay alam ko ng ako ang pinariringgan niya. And well, that's pretty obvious.

"Huwag niyo na akong idamay. Nananahimik ako." Malamig na sambit ko. Malamig ang tingin sa akin ni Ford but I know there something behind those cold eyes.

"Alam kong namimiss mo na ring makigulo sa amin ni Hadley." Para akong nanlambot nang marinig ang sinabi ni Ford. Unti-unting kumurba ang labi niya ng isang malapad na ngiti. Ang ngiting tumibag lalo sa mga pader ko. And that smile is telling me to come back to them. 

"How sure are you?" Hindi ko maiwasang hindi mapangiti pero pinilit ko iyong pigilin pero huli na ang lahat dahil napansin na nila.

"Mas sure pa ako sa sure, Sapphire!" Bulalas ni Ford. Heto na naman ang makulit niyang side na sa amin niya lang ipinapakita ni Hadley.

"Ingay mo, Wayne." I rolled my eyes jokingly.

"Hey, Silver. Thanks for saving me." Agad tuloy akong napalingon sa kinausap ni Hadley na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko. Silver just answered with a nod.

Hindi ko alam kung paano ko siya titingnan. I remember every single thing. I'm not an awkward person, I know how to keep up with someone's presence even if they are a complete stranger or not. Pero ibang usapan na 'to, hindi ko alam pero gusto ko na siyang iwasan. 

"Mukhang ayos na kayong tatlo ah?" Bulong sa akin ni Silver pero hindi ko siya tiningnan.

"Yeah." I answered softly. I saw in my peripheral vision that he smiled a bit.

Ilang minuto lamang ang nakalipas at napuno na itong table na good for ten person. And yes, kami-kami ulit ang magkakasama. Mukhang wala na silang balak makihalubilo sa iba matapos ang botohang nangyari. 

Huling dumating sila Dannah at Blake. Hihilahin na sana ni Dannah ang upuan sa tabi ni Newt pero inunahan siya ni Blake at hinila ang upuan sa tabi ni Risei para kay Dannah. Napakunot ang noo ko dahil doon. Ayaw ba niyang makatabi ang taong gusto niya?

"Good evening."I was too distracted by these people, I ended up not noticing Mr. President.

"I'll be out in a few weeks for some important reasons. Please don't cause any trouble." I rolled my eyes when he glanced at our table. I stopped paying attention because of that. How dare him give us that look? Parang pinaparating niyang kami pa ang trouble makers. Naiintindihan kong binubuo ng competition ang Academy na 'to pero bakit naman sila ganito sa amin? 

Infernio Academy 1: Touch of HellWhere stories live. Discover now