2. A Beautiful Accident

3.2K 63 2
                                    

“HINDI KA PA BA kakain?” pukaw ni Sophia kay Alejandro.

Kumpleto na ang pagkain sa mesa nila. Ibinigay iyon ng isa sa mga staff ng catering agency na kinontrata ng PHC para sa araw na iyon. 

 Lunch time na noon at doon na din sila kakain sa venue ng workshop. Lunch at snacks lang ang pinabayaran sa kanila ng PHC.

 Tila noon lang natauhan ang binata. Mula sa pagta-type nito sa ipad nito ay nag-angat ito ng tingin at lumingon sa kanya.

 “Sorry. May mga pointers kasi akong isinulat,” sagot nito.  

Itinabi muna nito ang ipad nito bago nito ipinamahagi ang mga styro boxes na naka-pile sa harap nito. Doon kasi nakalagay ang mga pagkain.

 “Thank you, Alejandro,” nakangiting sambit ni Marianne.

Nakaupo ito sa tapat nila ni Alejandro. Kanina ay nagpakilala na sila sa isa’t isa. Anim silang occupant ng table na iyon. Dahil nasa iisang table lang sila ay magiging group mates na rin sila mula sa araw na iyon.

Narinig niya ding nagpasalamat dito ang iba pa nilang kasama sa table nila na sina Cornelia, Lace at Yvonne nang inabot nito sa mga ito ang styro boxes. Huli siya nitong binigyan bago ito muling umupo.

 “Salamat,” sabi niya. She was about to close her eyes to pray when he stopped her. Nagtatakang bumaling siya rito. “Bakit?”

“Sa bahay namin, we hold hands when we say grace. Shall we?” sabi nito sabay lahad ng isang kamay sa kanya.

 Ilang sandali siyang hindi nakakilos agad. Nag-a-atubiling tinanggap niya ang kamay nito.  Ito pa lang ang lalaking nakilala niya na nakikipag-holding hands kapag nagdarasal. Naghatid ng kakaibang init sa puso niya ang kaalamang iyon.

 Hindi niya alam kung makakapagdasal ba siya ng maayos dahil hawak nito ang kamay niya. Hindi lang naman ito ang lalaking nakahawak sa kamay niya. Ngunit bakit bongga kung makatibok ang puso niya? Wala nang maayos na rhythm ang puso niya ngayon. Panay dug dug dug dug dug nang walang pakundangan.

Agad siyang nag-iwas ng tingin upang hindi nito makita ang kanyang pisngi. Alam niyang namumula na iyon ngayon dahil mainit ang kanyang mukha. Nagpasalamat siya na hindi nito napansin ang panginginig ng kanyang kamay. Pumikit ito at umusal ng panalangin.

Habang hawak nito ang kanyang kamay ay nakagat niya ang kanyang mga labi. May pakiramdam siya na mula sa araw na iyon ay maaalala niya ito kapag nagdarasal siya. She would miss his hand on hers.

“In a world where so many are hungry, may we eat this food with humble hearts; in a world where so many are lonely, may we share this friendship with joyful hearts. Amen,” narinig niyang sambit nito.

Agad siyang dumilat at mabilis na binawi ang kanyang kamay mula rito bago pa pasukin ng kung anu-anong ideya ang utak niya. Tama nga ang hinala niya. Nang bitiwan nito ang kanyang kamay ay tila may isang bahagi ng pagkatao niya ang nawala. Wala pang one minute ay na-miss na niyang ka-holding hands ito.

 Lihim siyang pumalatak. May pakiramdam siyang mamimiligro ang puso niya kapag lahat na lang ng ginagawa nito ay binibigyan niya ng ibang kahulugan. Kung bakit naman kasi may holding hands pa itong nalalaman? Pwede naman sanang magdasal na lang ito nang walang maraming seremonyas.

Itinuon na lamang niya sa pagkain ang kanyang atensiyon kahit pa nagrarambulan ang kanyang utak at puso. Nagtatalo ang mga ito habang ang kanyang laman-loob ay pilit niyang pinapakalma sa pamamagitan ng sunud-sunod na pagsubo ng pagkain.

“Mukhang gutom na gutom ka ah,” narinig niyang puna ni Alejandro.

Nilingon niya ito at nginitian. Lihim siyang nagpasalamat dahil puno ng pagkain ang kanyang bibig. Sa ganoong paraan ay hindi siya mapipilitang sagutin ang tanong nito.

Mr Answered Prayer [LIFEBOOKS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon