9. Basta't Kasama Kita

1.7K 41 3
                                    

"S-SIGURADO KA BANG ayos lang na mag-over night tayo dito?" kinakabahang tanong ni Sophia kay Alejandro.

Tulad nga ng napag-usapan nila, naroroon sila ngayon sa isang lumang mansiyon na malapit sa bahay ng mga ito sa Cabadbaran. Halos buong araw din ang byahe nila mula sa Manila hanggang sa probinsiya nito.

Ayon daw sa mga kapitbahay doon ay haunted na daw ang mansiyon na iyon mula nang inabandona iyon ng may-ari.

Kaya sila naroon. Upang ma-experience first hand ang sinasabi ng mga tao doon na may mga ligaw na kaluluwa daw na hindi matahimik doon.

"Oo naman. Huwag kang mag-alala, kasama mo naman ako, eh. Kapag natakot ka, pwede mo ako yakapin. Hindi ako tatanggi," nakangiti pang sagot nito.

"Nagawa mo pang magbiro. Eh paano kung tayong dalawa ang hahabulin ng multo?"

"Hindi naman nila tayo mahahawakan. Mga kaluluwa na lang ang mga iyon kung sakali," sagot nito na tila ba normal lang ang ganoong pangyayari.

Palibhasa kasi ay sanay itong magsulat ng mga nakakatakot kaya siguro wala nang nakakatakot pa para dito. Hindi ba nga at sinabi nito na mahilig itong pumunta sa mga lugar na pinamumugaran ng mga espiritu para may maisulat itong nakakatakot?

Kagat-labing sumunod na lang siya rito. Hindi siya dapat magreklamo. Ginusto naman niyang sumama dito para mas maka-bonding pa niya ito. Kaya dapat lang na handa siya sa kung anu-anong multo o kaluluwang ligaw ang makikita niya sa lugar na iyon. Kaso natatakot talaga siya. Napa-paranoid na siya.

Nauna itong pumasok sa loob gamit ang susi na hiningi nito sa caretaker. Narinig niya kanina na madalas daw nire-rentahan ang bahay na iyon ng mga espiritista na gustong kumausap ng mga ligaw na kaluluwa. Napansin niyang tumuloy ito sa kusina habang siya naman ay naupo sa naroong white sofa set.

"Uhm...parang hindi ko yata kayang gumawa ng romantic na eskena kapag napapaligiran ako ng mga ligaw na kaluluwa," kinikilabutan niyang tanong habang iginala sa buong kabahayan ang kanyang paningin.

Kung titingnan parang hindi naman mukhang haunted ang bahay na iyon. Maaliwalas iyon tingnan dahil sa pintura niyon na kulay puti. Yari sa matibay na kahoy ang mga kagamitan at ang ilan pa nga sa mga ito ay maituturing nang antique. Maluwag din ang bahay kaya hindi maalinsangan. May terrace ito at kita mula roon ang magandang view ng dagat sa malayo. Overall, it looked like the perfect vacation house.

Hindi nga lang niya alam kung ganoon pa rin iyon pagsapit ng dilim. Napapalibutan pa naman ang bahay na iyon ng mga matatandang puno. Baka kapag sumapit na ang dilim ay saka pa lang niya mararanasan ang pagiging haunted ng buong bahay.

"Ano pala ang nangyari sa dating may-ari ng bahay na ito, Alejandro?" tanong niya rito.

Batid niyang nasa kusina pa rin ito dahil doon ito tumuloy nang pumasok ito.Iniwan nito sa sala ang backpack nito.

Tinawag niya uli ito nang hindi ito sumagot. Ngunit wala pa rin siyang narinig na response mula rito. Bumahid ang kaba sa kanyang dibdib.

"A-Alejandro? Are you okay?" tanong niya. Dahan-dahan siyang sumunod dito sa kusina. "Alejandro, huwag mo naman akong bibiruin ng ganyan o!"

Nangangatog na ang mga tuhod niya. Hindi niya maiwasang mag-alala kung napaano na ito. Posible kayang may nagpakitang ligaw na kaluluwa rito samantalang umaga pa lang naman? Hindi ba sa gabi pa naman lalabas ang mga iyon?

"Alejandro—ay kabayo!"

Mula sa kung saan ay may sumulpot na isang pumpon ng puting rosas sa harap niya. Sinundan niya ang may-ari ng kamay na iyon. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang si Alejandro pala iyon.

Mr Answered Prayer [LIFEBOOKS]Where stories live. Discover now