11. With All My Heart

1.5K 37 4
                                    

A/N: here is episode 11 guys. thank you sa lahat ng readers nito. Do leave a comment para alam ko kung sino ang babatiin ko. nyahaha charot! :P

Libre mangarap kaya let's go. Let's dream. Malay niyo magkatotoo ^_^

i <3 u all! xoxo

_______________

I don't know how long it would take or until where

But in my heart, I believe in love and destiny

that all of these roads will lead you to me...

______________

"NOONG UNANG PANAHON, may tatlong magkakaibigang bulaklak. Sina Daisy, Rose at Tulip. Matalik silang magkaibigan," panimula ni Sophia.

Kasalukuyan niyang binabasa ang isa sa mga isinulat niyang children's fairy tale. Kasama niya ngayon ang mga pamangkin ni Alejandro na sina Kaishen at Jack.

Tulad ng pangako sa kanya ni Alejandro kahapon ay dinala siya nito sa bahay ng mga ito kaninang umaga. Ipinakilala siya nito sa nanay nito na sobrang bait at sa mga kapatid nito, pati na rin sa mga pamangkin nito na siyang kasama niya ngayon.

Kaya naman feeling at home na agad siya sa bahay ng mga ito.

Nasa sala siya ngayon kasama ang mga pamangkin ni Alejandro. Nagpresinta siyang basahin sa mga ito ang mga isinulat niyang fairy tales.

Nasa kusina si Alejandro at tinutulungan ang nanay nito sa paghahanda ng pananghalian. Sabi ni Alejandro ay babalik din daw sila sa mansion pagkatapos nilang mananghalian doon. Upang maipagpatuloy nila ang kani-kanilang mga ginagawa. Kaya naiwan pa sa mansion ang mga gamit nila.

"Ngunit sa kanilang tatlo, si Daisy ang pinaka-insecure. Sa tingin niya kasi ay hindi siya kasing ganda ni Rose o kaya ay kasing mahal ni Tulip. Pakiramdam niya ay napaka-ordinary lang niya," patuloy niya sa pagbabasa.

Mataman namang nakikinig ang mga bata. "Iyon ang dahilan kung bakit tinawag niya si Bathala at nagreklamo siya dito. Sabi niya, 'Bathala, bakit ganito ang pagkakagawa mo sa akin? Hindi ako gaanong pinapansin ng mga tao dahil mas gusto nila si Rose. Kapag espesyal na okasyon naman ay mas pinipili nila si Tulip. Walang may gusto sa akin. Madalas lang nila ako iniiwan sa hardin,' reklamo niya."

"Sumagot naman si Bathala. 'Bakit mo kinukwestiyon ang aking kapangyahiran, Daisy? Lahat ng aking nilikha ay may layunin. Lahat kayo ay may tungkulin na dapat ninyong gampanan sa kabila ng inyong pagkakaiba,' iyon ang sabi ni Bathala."

"Bakit naman niya iko-compare ang sarili niya sa ibang flowers, tita Sophie? Maganda din naman ang bulaklak na Daisy," katwiran ni Kaishen.

"May mga tao kasi talagang ganoon mag-isip, Kaisen. Lagi nilang kino-kumpara ang sarili nila sa iba," sagot naman niya.

"Tapos, anong nangyari tita Sophie? Nagalit ba si Bathala kay Daisy?" tanong naman ni Jack.

"Nangatwiran pa din si Daisy kay Bathala. Sabi niya na hindi naman niya nakikita kung ano ang kabuluhan niya sa mundo dahil wala namang pumipili sa kanya. Wala siyang napapangiting mga babae. Hindi katulad nina Rose at Tulip. Pero isang araw—"

"I'm sorry, am I disturbing you?"

Mula sa bukas ng pinto ng bahay ay may babaeng biglang nagsalita. Nabaling doon ang atensiyon niya at ng mga bata. Isang magandang babae ang nakatayo roon. She was smiling at the her and the kids. Tila pamilyar sa kanya ang sophisticated nitong anyo. Parang nakita na niya ito noon ngunit hindi lang niya matiyak kung saan at kailan.

Mr Answered Prayer [LIFEBOOKS]Where stories live. Discover now