16. True Love Waits

462 12 0
                                    

A/N: heto na ang next update. hihihi one more update to go before submission time :D

nasa right na naman ang isa pang pose ni Alejandro. pagsawaan na ninyo habang nandiyan pa hahaha :P

_________________

"SIGURADO KA NA ba sa desisyon mo, anak? Talagang doon mo gustong mamasukan bilang nurse? Bakit hindi na lang sa mas malaking ospital sa bayan? Bakit doon pa?" tanong sa kanya ng kanyang mama.

Iyon kasi ang ibinalita niya sa mga ito nang malaman niyang pumasa siya sa Nursing board exam. Nais niyang mamasukan sa isang hospital sa Cabadbaran.

"Hayaan mo na ang anak natin, Matilde. Mas mabuti nga at malapit lang ang Cabadbaran dito. Pwede natin siyang dalawin kung gusto natin. Ito na ang sagot sa mga dasal mo, hindi ba?"

"Pero may lalaki siyang napupusuan sa lugar na iyon, Arnulfo—"

"Eh di mas mabuti! Ibig sabihin malapit nang ikasal itong anak mo. Naku, kailangan ko nang mamili ng kakataying baka para sa okasyong iyon," maagap na sagot ng kanyang ama.

Hindi niya mapigilan ang mapahalakhak sa sinabi ng kanyang ama. Naikwento niya kasi sa mga ito ang nangyari sa kanila noon ni Alejandro.

"Si Papa talaga kahit kailan, joker pa rin," aniya sabay yakap dito.

"Siyempre, prinsesa kita. At kung may lalaki mang magpapangiti sa'yo ay buong puso ko siyang tatanggapin sa pamilya natin," sagot ng kanyang ama.

"Sana nga hindi pa huli ang lahat para sa aming dalawa, Papa," aniya nang kumawala sa mahigpit nitong yakap.

Lumambot ang anyo nito. "Sophia, minsan lang ako magsasalita tungkol sa pag-ibig. Dahil kaming mga lalaki ay wala talagang hilig sa mga dramang ganyan. Pero ang alam ko, kung totoong mahal ka ng isang tao, makapaghihintay siya kahit gaano man iyon katagal. Kung kayo ang itinadhana, magbago man ang mundo at ang kapaligiran, kayo at kayo pa rin ang magkakatuluyan."

Napangiti siya sa narinig. "Salamat, Papa. At tama kayo, malapit lang ang Cabadbaran. Makakauwi ako tuwing day off ko," sambit niya.

"Aasahan namin yan, anak ha?" naluluhang singit ng kanyang mama. "At sana sa susunod na uwi mo, makikilala na namin ang lalaking nagpasaya sa'yo," dugtong pa nito. Niyakap din niya ito nang mahigpit.

"Sana nga po. Paano, tutuloy na po ako baka hindi ko maabutan ang bus," muli ay paalam niya.

Tinanggihan kasi niya ang alok ng mga ito na ihatid siya gamit ang nabiling sasakyan ng mga ito. Kaso ayaw niyang mapagod pa ang papa niya sa pagmamaneho.

Nakangiting kumaway ang mga ito sa kanya nang makasakay siya ng tricycle papunta sa estasyon ng bus. Hindi tulad noong nagpaalam siya sa mga ito na luluwas siya ng Manila, wala na ring lungkot sa anyo ng mga ito.

"I hope you can wait a little longer, Alejandro," lihim niyang sambit nang makaupo siya sa bus.

Dalawang buwan na mula nang huli silang nagkita. Totoong tinanggap niya ang alok ng medical director ng Cabadbaran District Hospital na maging ER nurse doon ngunit hahayaan niyang kusang magtagpo ang landas nila ni Alejandro. Nais niyang malaman nito na hindi siya nagmamadali.

I am learning to fight for what I want now. I am doing the things that I love most.

Totoong nagsusulat pa rin siya ngunit mas bibigyan niya ng priority ngayon ang kanyang propesyon. Iyon ang kanyang calling. Iyon ang totoo niyang mundo.

Mr Answered Prayer [LIFEBOOKS]Where stories live. Discover now