6. The Answer To A Prayer

522 11 0
                                    

on the right is the playful side of Alejandro. ;)

__________


"LET'S TAKE a walk. Nabasa ko minsan na mabisa daw panlaban sa writer's block ang paglalakad," aya kay Sophia ni Alejandro makalipas ang ilang oras nilang pamamalagi sa Starbucks.

Sa wakas ay napagkasunduan nila na ituloy na ang plano nito para sa presentation nila sa susunod na Sabado.

That he would be the hero and she would be his heroine. Gagawin din nilang Gothic inspired ang plot ng nobelang ipe-present nila.

"Sige, maglakad-lakad muna tayo," tugon niya.

"Ako na muna magdadala niyang mga gamit mo," alok nito.

Kinuha nito sa kanya ang bitbit niyang tablet at ipinasok iyon sa backpack nito. Pagkuwan ay inilahad nito sa kanya ang isang kamay nito.

"Shall we?" nakangiting alok nito.

Matamis na ngiti ang iginanti niya rito. Pagkuwan ay tinanggap ang kamay nito. Hawak-kamay silang naglakad-lakad sa kabuuan ng Bonifacio High Street. Tila nasanay na rin siya sa kumportableng pakiramdam ng palad nito sa palad niya. Na tila ba ang makipagholding hands dito ang pinakatamang nangyari sa buhay niya

"Uy, magic sing oh. Naka-sale. Gusto mo subukan natin?" bigla ay sambit nito nang makarating sila sa Market! Market! Malapit lang kasi ang mall na iyon sa Bonifacio High Street.

"D-dito? Ngayon?" paniniyak niya.

"Why not? Susubukan lang naman natin," alok pa uli nito.

Binitiwan nito ang kamay niya at lumapit sa naka-display na magic sing. Nasa labas sila ngayon ng Market! Market! Napakaraming nagkalat na paninda doon dahil may sale. At may fountain din na patok na patok sa mga bata. It was a very crowded place.

Kung maka-asta si Alejandro ay tila sanay na sanay itong kumanta. Samantalang siya ay tila hihimatayin sa hiya. Mahilig din naman siyang kumanta kaso ang kanta ata ang walang hilig sa kanya.

"I-ikaw na lang," tanggi niya nang ibinigay nito sa kanya ang songbook na pagpipilian ng mga kanta.

Laking pasalamat niya nang hindi na ito nagpumilit pa. Pumili ito ng kanta. Ilang sandali pa ay ipinapalabas na sa maliit na tv ang videoke version ng kantang napili nito.

"Can this be true? Tell me, can this be real? How can I put into words what I feel? My life was complete I thought I was whole. Why do I feel like I'm losing control?"

Nakangiting pumalakpak siya kasabay ng mga sales crew doon. Halatang tulad niya ay nagagandahan din ang mga ito sa boses ni Alejandro. Hindi niya inaasahang magaling nga itong kumanta.

Everything about him seemed like a surprise. Hindi niya mapigilang ma-excite sa kung ano pang bahagi ng pagkatao nito ang sosorpresa sa kanya. He was like a big surprise box that she couldn't wait to open.

"I never thought that love could feel like this. And you've changed my world with just one kiss. How can it be that right here with me there's an angel? It's a miracle..."

Noon din ay lumingon ito sa kanya habang kumakanta. And she held her breath as she stared into his eyes.

"Your love is like a river peaceful and deep. Your soul is like a secret that I never could keep. When I look into your eyes I know that it's true. God must have spent a little more time on you..."

Her heart constricted, skipped a beat and raced. Hindi niya maintindihan kung bakit ngunit tila tinatamaan siya sa mga linyang iyon. As if he was singing those lines just for her.

Mr Answered Prayer [LIFEBOOKS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon