10. Hold Me Now

405 8 0
                                    

A/N: antagal kong natapos ang chapter na ito. As in literally buong araw ko siya ginawa. Andami kasi intermission hahaha. My baby cried most of the day so I had to carry him and put him to sleep. Habang pinapatulog ko ang baby ko inaantok na din ako so naiwan lang na nakabukas ang kawawang laptop ko (sorry Toshie). At ngayon medyo payapa na sa bahay kaya nairaos ko rin ang chapter na ito. Sorry sa mga inconsistencies. First draft kase hahaha :P

A few chapters to go before the end. Thanks everyone. 

btw, nasa right side po si Alejandro habang nakahiga sa duyan. hehehe sarap tumabi sa kanya ^_^

i <3 u all! xoxo ^_^

_____________________________________


"AY KABAYONG BUNDAT!" sambit ni Sophia nang bigla na lang ay may umalulong na aso sa may di kalayuan.

Saglit siyang napahinto sa pagtipa sa keyboard ng kanyang laptop at napatingin kay Alejandro. Nakangiti ito kahit na hindi ito nakatingin sa kanya. Tulad niya ay abala din ito sa sinusulat nitong kwento. Ang kaibahan lang nila ay na-distract siya sa ingay ng aso samantalang ito ay tila sanay na sanay na sa ganoon.

Tulad nga ng sinabi nito kanina ay hindi na sila natulog nang gabing iyon. Nang maubos nila ang inihandang hapunan ni Manang Asyang ay tuluy-tuloy na sila sa pagsusulat. Nagpasya silang doon na rin sila sa veranda magsusulat dahil maluwag naman doon at may garden set na kung saan sila nagsusulat ngayon. Inilabas din ni Alejandro ang water dispenser para kapag gusto nilang uminom ng kape ay hindi na sila pupunta pa sa kusina.

Bumalik na rin ang kuryente halos isang oras na ang nakaraan kaya hindi na siya masyadong napa-paranoid. Kaso takot pa rin siyang mapag-isa. Lalo na ngayon na may naririnig siyang alulong ng mga aso.

"Relax ka lang, love. Andito pa naman ako. Hindi naman ako mawawala," sagot ni Alejandro.

Tulad kanina ay nasa laptop pa rin nito ang tingin nito. She can see him typing some words while smiling. Siguro nakakakilig na eksena ang sinusulat nito ngayon.

"E-eh, paano kung mag-transform ka bigla?" tanong niya.

Saglit niyang tinapunan ng tingin ang mga puno sa paligid nila. Walang ilaw sa dako roon kaya kahit na maliwanag sa veranda ay hindi pa rin siya mapakali.

"Transform into what?" tanong ni Alejandro nang hindi pa rin nakatingin sa kanya.

Bumuntunghininga siya. "I don't know. Baka bigla ka na lang maging taong lobo o kaya ay bigla ka na lang maging bampira," aniya.

Noon din ay tumawa ito ng malakas. Tila naagaw na nga niya ang pansin nito dahil sumandal ito aa upuan nito at sinalubong ang titig niya.

"Halika nga dito," anito sabay hila ng isang kamay niya. Nagpatangay naman siya. Natagpuan na lamang niya ang sariling nakaupo na sa kandungan nito. Nakatagilid siya rito. Nakapulupot naman ang dalawang kamay nito sa kanyang baywang.

"Natatakot ka na naman ba?" pabulong nitong tanong malapit sa kanyang tainga.

"Mm-mm," sagot niya.

Hindi niya mahanap ang matinong salita para sumagot dito dahil sa nakakatuwang posisyon nila ngayon. First time niya kasing maranasan na nakakandong sa isang lalaki.

"Kahit yakap na kita natatakot ka pa rin?" Tanong uli nito.

Naramdaman niyang nagsitayuan ang mga balahibo niya sa batok. Ngunit batid niyang hindi iyon dahil sa takot sa mga multo at kung anu-ano pa mang mahiwagang nilalang. But it was because of his lips near her ear.

Mr Answered Prayer [LIFEBOOKS]Where stories live. Discover now