17. The Promise of Forever

3.2K 63 14
                                    

finally, this is the last chapter. i hope you enjoyed this story guys. ^_^ parang ayoko pa magpaalam kay Alejandro hihihi ang wafu niya talaga kahit saang anggles. :D but i have to put an end to this story to make way for the other ones on my list. 

so until my next story guys! hugs and kisses for you.

i <3 u all! xoxo muah!

____________________


HUSTONG SUMAPIT ANG alas-onse y medya ng gabi nang maka-log out si Sophia sa biometrics machine sa lobby ng hospital. Sa wakas, natapos din ang shift niya nang walang aberya. Tila naubos ang lahat ng adrenaline niya sa katawan dahil sa pasyenteng isinugod nila sa Delivery Room kanina. Mabuti na lang magaling na doktor si Dr. Martinez kaya nailigtas nila ang mag-ina. Nasa neonatal intensive unit na ngayon ang sanggol habang nasa recovery room naman ang nanay nito.

"Oy, Sophia, hinihintay ka ng manliligaw mo. Kanina pa siya tanong nang tanong kung nakalabas ka na ba daw," pukaw sa kanya ng kasamahan niya sa Emergency Room na si Vivian.

Kunut-noong bumaling siya dito. "M-manliligaw?"

Sa halip na sumagot ay ininguso nito ang sagot nito. Sinundan niya ang tinutukoy nito at nakita niyang si Alejandro ang naghihintay sa kanya sa labas. Nakaupo ito malapit sa mga halamanan. May kakaibang init na hatid sa kanyang puso nang malamang hinintay siya nito. Muli ay napangiti siya at nagpasyang lumapit na dito.

Nakapamulsa ito at nakatitig din sa kanya. Hindi siya nito nilubayan ng tingin hanggang sa ilang pulgada na lang ang layo niya rito. Pakiramdam niya ay naglaho ang nararamdaman niyang pagod nang makita ito.

"Ayos ka lang ba? Hindi ba masyadong nakakapagod ang trabaho mo?" tanong nito makalipas ang ilang minutong nagtitigan lang sila.

"Oo, okay lang ako. Nasanay na rin. Masaya din kasi ako sa bago kong trabaho," sagot niya. Tumango ito ngunit nanatili pa rin itong nakapamulsa.

"That's good. Nagsusulat ka pa rin ba?" kaswal na tanong nito. Sumabay ito sa kanya palabas ng gate ng ospital.

"Paminsan-minsan kapag maluwag ang schedule ko," sagot niya. "S-si Kaishen pala, nasaan?"

"Inuwi ko na sa bahay. Bumalik lang ako para abangan ka. Akala ko nga hindi na kita maabutan. Kumusta ang emergency kanina?" tanong nito.

Ikinuwento niya rito ang nangyari. Tahimik lang itong nakinig sa kanya. Muling naghari ang katahimikan sa pagitan nila nang matahimik siya.

"Saan ka ba tumutuloy ngayon?" tanong nito.

"Sa Seafront Subdivision," sagot niya.

"Ihahatid na kita doon," anito at pinara ang dumaang tricycle. Kinausap nito ang driver bago siya nito inalalayang sumakay. Tahimik na uli sila habang nasa daan.

"T-teka, hindi dito ang daan," reklamo niya nang mapansing ibang daan ang nilikuan nila. Nalilitong nilingon niya si Alejandro.

"May ipapakita lang ako sa'yo. Ihahatid kita pagkatapos," sambit nito sabay gagap sa kanyang kamay.

Naramdaman niya ang panlalamig niyon. Lihim siyang napangiti sa kaalamang maaaring siya ang dahilan ng panlalamig ng kamay nito. Kinakabahan din kaya ito tulad niya?

"S-sige, ikaw ang bahala," sagot niya.

Ilang sandali pa ay huminto ang tricycle sa isang park. Natatandaan niyang Rizal park iyon dahil minsan siyang pumunta roon noong doon pa siya tumutuloy sa bahay nito. Napangiti siya nang tuluyang makababa sa tricycle. Ilang araw na lang at pasko na kaya buhay na buhay ang makukulay na ilaw sa park. Pati ba ang naroong fountain ay napakagandang tingnan.

Mr Answered Prayer [LIFEBOOKS]Where stories live. Discover now