3. Hello There, Heart

2.3K 53 1
                                    

Nasa right side po ang pic ng isa sa mga MRT trains. ^_^

__________

“SOPHIA, WAIT!” pigil sa kanya ni Alejandro nang akmang sasakay na siya sa tren. Nasa Quezon Avenue station na sila noon.

“B-bakit?” tanong niya nang hindi nakatingin dito. Wala rin dito ang konsentrasyon niya nang mga sandaling iyon.

“Are you sure gusto mong sumakay diyan? Wala nang bakanteng upuan at pawang mga lalaki pa ang nasa loob. Dapat sa unahan ka banda. Hintayin na lang natin ang susunod na train,” anito nang maabutan siya.

Natin ang sinabi nito. Ibig sabihin, sasabay talaga ito sa kanya. Kung kanina ay ayos lang iyon sa kanya, ngayon ay nagdadalawang-isip siya. Mula nang madikit ang mga labi niya sa labi nito kanina ay hindi na mabura sa utak niya ang sensasyong dulot niyon.

Pagkababa niya sa jeep kanina ay tila wala sa sariling basta na lang siya naglakad. Ni hindi na niya inisip na nandoon si Alejandro. Tanging malinaw lang sa kanya ay ang nangyari kanina sa pagitan nila.

She was shaken by what happened earlier.  Yes, it was an accident. She was aware of that fact. Still, she couldn’t forget the feel of his lips on hers.

Malambot na malamig. Masarap na ewan.

But it was her first kiss.

And it happened with the man she just met that day. Parang napakabilis naman ata ng mga pangyayari sa pagitan nila.

Kaninang umaga lang ay na-me-mesmerized pa siya sa mga mata nito. Nahumaling din siya sa mga ngiti nito. Kanina lang ay pinangarap niyang mahalikan siya nito. How was she supposed to know they would accidentally kiss on the same day?

Kung alam lang sana niya na mangayayari ang ganoong moment ay sana napakapit agad siya sa batok nito para hindi agad matapos ang halik na iyon. Ngunit may bahagi din sa pagkatao niya ang nahihiya sa iniisip. Baka isipin nito na masyado siyang na-carried away sa ka-guwapuhan nito kaya siya na mismo ang gumawa ng paraan upang ma-harassed ito.

Pero naman talaga! They kissed!

“Ayos lang yon. Mas lalo akong mahihirapan kung maghintay pa ako ng susunod na train. Kung ayaw mo, mauna na lang ako,” aniya.

Kailangan niyang lumayo muna dito at mapag-isa. Nanamnamin niya muna ang aksidenteng paglapat ng labi nito sa labi niya. Gusto muna niyang kiligin nang hindi nito nakikita. Di bale nang magmukha siyang katawa-tawa sa ibang tao huwag lang sa harap Alejandro. Kaso mukhang desidido talaga ito na samahan siya.

“Sinabi ko sa’yo na sabay tayo, diba? Halika nga. Huwag kang lalayo sa akin kung ayaw mong mabastos ka ng ibang mga lalaki sa loob,” sagot nito sabay gagap sa kamay niya. Hinila siya nito papasok ng tren.

Nakagat niya ang ibabang labi niya habang nakatingin sa magkahugpong nilang mga kamay.  Pangalawang beses pa lang iyon na nag-holding hands sila pero parang nasasanay na ang kamay niya na hawak nito. Natatakot siyang kapag tumagal pa sila na magkasama ay hindi lang magiging hero sa isang kwentong isinusulat niya ang ide-demand ng puso niya. Baka mag-ambisyon na talaga itong gawin niyang totoong hero si Alejandro.

How she wished her grandmother was still alive. Sigurado siyang kapag nalaman nito na nagkaka-interes na siya sa isang lalaki ay magtatalak ito ng bonggang-bongga. Hanggang sa maririndi ang tainga niya at titigilan na lang niya ang kahibangan kay Alejandro. But her grandmother was no longer there. Kailangan niyang harapin ang attraction niya para kay Alejandro on her own.

Hustong nakapasok sila nang sumara ang pinto ng tren at umusad iyon. Mabuti na lang at hawak pa rin ni Alejandro ang kamay niya kaya hindi siya gaanong na-out balanced.

Mr Answered Prayer [LIFEBOOKS]Where stories live. Discover now