7. To Kiss A Broken Heart

2.1K 39 0
                                    


Pero pramis, in love na ako kay Alejandro. ^_^ on the right side is his emo pose :P

______

"READY NA BA ang mga ingredients mo?" tanong kay Sophia ni Alejandro.

Iyon agad ang bungad nito sa kanya nang pagbuksan niya ito ng pinto. Naroon sila sa condo unit nila ng kaibigan niyang si Fiona. Nasa Singapore ito noon kaya naiwan siyang mag-isa. Naipaalam na niya rito na magpapaturo siya kay Alejandro sa paggawa ng pizza. Naabisuhan na rin niya ang management ng condo na may bisita siya sa araw na iyon.

Napakalapad ng ngiti ni Alejandro ngayon. May suot uli itong baseball cap. Tila trademark na nito iyon. Naka-Tshirt lang din ito at kupas na maong.

Iyon ang araw na tuturuan siya nitong gumawa ng pizza para daw may hands-on experience siya. Tinuruan daw itong magluto ng nanay nito noon kaya marunong itong gumawa ng pizza dough.

"Ready po na lahat, Sir. Tuloy kayo," pabirong bati niya rito na nahawa na rin sa ngiti nito. "Ano 'yang dala mo?" tanong niya nang makita ang bitbit nitong paperbag na may tatak ng isang mamahaling shop.

"Ito? Aprons."

"Ha? Bakit nagdala ka pa, eh meron naman na akong ganyan," nagtatakang sambit niya.

"Siyempre ikaw ang first student ko kaya dapat lang na may remembrance ka sa akin. Terno ito eh, tingnan mo," sagot nito at inilabas ang dalawang apple green na apron. Maliliit na beetles ang naka-printa doon. May kasama rin itong terno na toque.

"Ang cute," puna niya. "Akala ko puti lang dapat ang kulay ng toque. Bakit sa'yo terno?"

"Para unique. At mas cute ang magsusuot ng mga ito." Ibinigay nito sa kanya ang mas maliit na piraso. Nakangiting sinuot niya iyon. Isinuot din nito ang toque sa ulo niya. "O, lead the way to your kitchen, madam."

"Sandali. Picture muna tayo. Remembrance lang," aniya.

Mabilis siyang pumasok sa kanyang silid at kinuha ang kanyang DSLR camera kasama ang tripod niyon. Ilang sandali pa ay magkatabi na sila ni Alejandro sa kitchen counter at nagpose doon gamit ang auto function ng camera.

"Sigurado kang hindi mo pa nasubukang mag-bake buong buhay mo?" paniniguro nito.

"Hindi pa. Ulam lang ang alam kong lutuin," nakangiwi niyang sagot.

Ngumiti lang ito at inayos ang mga ingredients niya sa iba't ibang containers. Mukhang alam nga nito ang ginagawa nito dahil hindi ito tumitingin sa recepe book niya. Mamaya pa ay pinaliwanag na nito sa kanya ang mga gagawin.

"Una mong gagawin ay i-sprinkle ang yeast sa isang medium bowl na naglalaman ng warm water. Stir until the yeast dissolves," panimula nito.

Sinunod naman niya ang sinabi nito. Pati ang boses nito ay biglang pumormal. Mukhang seryoso nga ito na turuan siya.

"Okay, nasaan nga uli ang sifted flour mo?" tanong pa nito.

Alam niyang sinusubukan nito kung natatandaan pa niya ang mga paliwanag nito kanina.

"Here," aniya sabay turo sa hinahanap nito.

"Good. Ngayon ang gagawin mo diyan, ihalo mo dito sa yeast mixture. Haluin mong mabuti," anito.

"A-ako ang gagawa?"

"Siyempre naman. So you'll get the hang of it," sagot nito.

Atubiling sinunod niya ang sinabi nito. Ilang sandaling pinagmasdan nito ang ginagawa niya bago nito ipinatong ang kamay nito sa kanyang kamay na kasalukuyang nakahawak sa laddle upang giyahan iyon. Dahil sa ginawa nito ay napalapit ito sa katawan niya. Nararamdaman niya ang hininga nito sa kanyang buhok at nakukuryente siya sa kamay nitong nakadikit sa kanyang kamay.

Mr Answered Prayer [LIFEBOOKS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon