4. Grow Old With You

2.6K 58 6
                                    

On the right is Alejandro's happy face. ^_^

_________

“SA ARAW NA ito, pag-uusapan natin ang conflict,” boses iyon ni Miss Edith.

Excited na napangiti si Sophia habang nakatitig siya sa speaker nila. Ang topic kasi na iyon ang pinakamahirap para sa kanya. Nakahanda na ang ballpen at notebook niya upang isulat ang anumang tips na ibibigay nito.

Pangalawang araw na iyon ng workshop nila. Sabado at Linggo lang kasi ang schedule ng workshop dahil may mga trabaho ang facilitators kapag weekdays. Sa susunod na weekend pa uli sila magkikita.

Napalingon siya sa katabing si Alejandro nang bigla nitong inilapag sa ibabaw ng notebook niya ang isang malaking chocolate bar. Lumingon siya rito. Sinalubong naman nito ang tingin niya. Tila mayroong damdamin sa mga mata nito na hindi niya matukoy. Masuyo itong ngumiti sa kanya bago ibinalik sa harapan ang pansin nito.

Napakagat-labi siya. Bigla ay nagising ang inaantok niyang diwa dahil sa ginawa nito. Sino ba namang matinong romance writer ang hindi maghahangad na gawin itong totoong hero kung ganito ito ka-sweet. 

Nililito na tuloy siya kung ano ang nais nitong iparating sa gesture nitong iyon.

Pero baka naman napa-paranoid lang siya. Chocolate bar lang naman ang ibinigay nito. Hindi niya ito dapat pag-isipan ng masama. Baka nakikipagkaibigan lang talaga ito sa kanya.

Oo nga, lihim niyang sambit.

Baka masyado lang siyang nagpe-presume na may ibig sabihin ang ginagawa nito. Baka isa ito sa mga lalaking talagang sweet sa kahit sino. But if that was the case, bakit siya lang ang binigyan nito ng chocolate bar? Bakit wala itong ibinigay sa mga ka-grupo nila sa table na iyon?

Lalo pang nabulabog ang damdamin niya nang ikinawit nito ang kalingkingan nito sa kalingkingan niya. Magkatabi lang kasi ang mga braso nila habang nakikinig kay Miss Edith kaya madali lang para dito na gawin iyon. Left handed kasi siya at right handed naman ito. Kaya madali lang para dito na gawin iyon.

Pasimpleng sumulyap siya dito. Isang kindat naman ang isinagot nito.

“May gusto ka bang i-promise sa akin?” pabulong na tanong niya dito. Kung titingnan kasi parang pinky swear ang ginagawa nito.

“Meron,” pabulong din nitong sagot.

“Ano ‘yon?” tanong niya nang hindi nakatingin dito. Nasa magkahugpong nilang mga kalingkingan ang pansin niya. 

Nang hindi ito agad nakasagot ay nilingon niya ito. Nakatingin din pala ito sa kanya. Matagal silang nagtitigan. Sa background ay naririnig nilang nagsasalita si Miss Edith pero tila hindi niya iyon pinapansin.

“I promise to make you smile,” pabulong na sagot nito sa mukha niya. Bumaba pa ang tingin nito sa mga labi niya.

Nakagat niya ang kanyang labi. Pilit niyang nilalabanan na mapangiti rito ngunit hindi siya nagtagumpay.

“Huwag mo nga akong binibiro ng ganyan, hahalikan kita diyan eh,” angal niya.

Kung kailan naman pilit niyang sinasabi sa sarili na walang ibig sabihin ang mga ginagawa nito sa kanya ay saka nito sinasabi ang ganoon. 

Waah! Kung wala siguro sila sa loob ng conferrence room ay mabilis na niya itong ninakawan ng halik. Hindi pa naman maalis-alis sa isip niya ang aksidenteng paghahalikan nila kahapon sa jeep. Konti na lang ang natitira niyang kahihiyan sa katawan. Baka sapian siya ng espiritu ng katapangan at bigla ay mahalikan niya talaga ito. 

Mr Answered Prayer [LIFEBOOKS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon