13. To Trust and Believe

1.8K 36 5
                                    

A/N: meet Sophia. nasa right side po ang photo niya. siya ang inspirasyon ko sa nobelang ito. nagagandahan kasi ako sa kanya at proud dahil nanalo siya sa isang beauty pageant. ^_^

_________

"SOPHIA, IKAW BA ang naghanda ng lahat nang ito?"

Mula sa lababo ay bumaling si Sophia sa nagtatanong. Ang nanay iyon ni Alejandro. May bitbit itong bayong dahil galing ito sa palengke. Nakangiting inabot niya ang pinamili nito at inilagay ang mga iyon sa may lababo.

Nang araw na iyon ay doon muna siya iniwan ni Alejandro sa bahay ng nanay nito. May pinapagawang plano para sa isang multi-purpose hall ang mayor ng Cabadbaran at kinuha nito ang serbisyo ni Alejandro bilang architrch ng naturang project. Kaya naisipan nilang doon muna siya upang hindi siya matatakot. Ayaw naman kasi niyang magpaiwan sa mansiyon na tinuluyan nila kahit pa wala namang mga kaluluwang ligaw ang nagpakita sa kanya. She didn't want to take chances kaya pumayag siya sa suhestiyon ni Alejandro na samahan na lang muna ang nanay nito.

"Kumain na po kayo, Nay. Nagluto po ako ng kare-kare at binagoongang baboy," sagot niya. Ito na rin ang nagsabi na 'Nanay' na din ang itawag niya dito.

Ilang sandali itong hindi nakakilos at nakatitig lang sa kanya.

"Ngayon alam ko na kung bakit minahal ka ng anak ko," nakangiting sambit nito pagkuwan. "Salamat," dugtong pa nito.

"Walang anuman po iyon, Nay," sagot niya. "Lilinisin ko po itong isdang pinamili ninyo habang kumakain kayo."

"Iwanan mo na yan. Sabayan mo na ako. Kwentuhan mo ako tungkol sa pagkikita ninyo ni Alejandro," alok nito sa kanya.

Ilang sandali siyang hindi nakakibo. Pakiramdam niya ay simula na iyon ng maganda nilang samahan. Nakangiting pinaunlakan niya ang imbitasyon nito.

"Masarap kang magluto. Hindi magugutom si Alejandro ko kapag nagkatuluyan kayo," puri nito. Isang ngiti lang ang isinagot niya.

"Dadalhan ko sana ng pananghalian si Alejandro. Kaso hindi ko alam kung saan ako pupunta," aniya nang matapos silang kumain.

"Ay, oo. Magandang ideya iyan. Sa Government Center. Sabihin mo lang sa tricycle driver, alam na nila iyon. Kaibigan kasi ng tatay niya ang mayor dito kaya madalas ay serbisyo ni Alejandro ang kinukuha niya lalo na kapag may ipapagawa siyang gusali. Hindi naman iyon matatagalan. Siguro mga ilang araw lang matatapos na agad iyon ni Alejandro," sagot nito.

Tumango lang siya. Napag-usapan na nila iyon ni Alejandro. Ayos lang din iyon sa kanya dahil pwede naman siyang magsulat habang may inaasikaso ito. Isa pa, nakapag-submit na sila ng kani-kanilang manuscripts sa PHC. Hinihintay na lang nila ang feedback sa mga iyon. Two weeks naman ang plano nila na manatili doon. Pagbalik nila ng Makati ay magpapa-enroll siya para sa susunod na pasukan.

"Mabuti pa, dalhin mo na ngayon ang ulam. Ako na ang magliligpit ng mga ito. Sige na, lakad na," utos pa ni Nanay Lucy.

Hindi na siya nakipagtalo rito. Bitbit ang naka-Tupperware na mga ulam ay sumakay siya ng tricycle.

Hustong marating niya ang nasabing lugar nang mamataan niya si Alejandro. Halatang lunch break na noon nito kaya lumabas ito ng opisina. Ngunit bago pa man siya makalapit rito ay may sumalubong nang babae dito.

It was none other than Ysobel.

Hindi niya alam na nasa Cabadbaran pa rin pala ito. Ang sabi ni Nanay Lucy ay babalik na daw ito sa America. Hindi ba natuloy ang pag-alis nito?

Yumakap pa ito sa nobyo niya at gumanti din naman ng yakap si Alejandro dito. Ang pagbaba niya sa tricycle ay nahinto. Ilang sandali pa ay magkahawak-kamay na ang mga ito tungo sa isang karinderya. Nanlulumong pinabalik na lamang niya ang tricycle sa bahay.

Mr Answered Prayer [LIFEBOOKS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon