8. With You

1.8K 39 0
                                    

A/N: again, this is a raw material. Pagpasensiyahan na lang po kung magulo ang chapter na ito. Another pose of Alejandro on the right ^_^

"SOPHIA, SA TINGIN mo, ano pa ang magandang pen name?" tanong kay Sophia ni Alejandro.

Sabado na naman at nasa workshop na uli sila. Iyon ang huling araw ng workshop nila. Tulad noong nakaraang linggo, hinintay na naman siya nito sa estasyon ng tren kaninang umaga. Sabay uli silang pumunta sa venue. Wala pa ang mga kaklase nila kaya malaya pa silang nagkuwentuhan ni Alejandro.

Nabalitaan niya mula rito na nakapasa ang manuscript na sinubmit nito sa PHC noong isang buwan kaya hinihingian ito ngayon ng apat na pen name na maaaring pagpilian ng publisher nila.

Pinabasa nito sa kanya ang mga pen names na naisip nito ngunit kulang pa iyon ng isa. "How about Alexandra Martinez?" suhestiyon niya.

Kailangan kasi ay pangalan ng babae ang gagawin nitong pen name dahil karamihan sa readers ng PHC ay mga babae.

Tila lumiwanag ang mukha nito at matamis na ngumiti.

"Sige, idadagdag ko 'yan," sagot nito at isinulat sa papel ang pen name na binanggit niya.

Lihim niyang pinag-aralan ito. Abala ito sa pagsusulat at tila hindi nito napapansin na nakatingin siya rito. It had been more than a week since he kissed her. And she kissed him back. It had been more than a week since she admitted to herself that she was falling for him. Ni minsan ay hindi niya pinaghinayangan ang desisyon ng puso niya na mahulog dito. Batid niyang kahit pa mag-protesta ang isip niya ay hindi pa rin paaawat ang puso niya. Tanging pangalan ni Alejandro ang pinipintig niyon.

"Hinalikan kita kasi gusto ko yung pakiramdam na tila ba buo ang pagkatao ko dahil sa halik mo. Pakiramdam ko ay walang masakit na nangyari sa buhay ko..."

Iyon ang sinabi nito. Alam niyang iyon lang ang pwede niyang panghawakan. Wala siyang ideya kung ano ba talaga siya para dito at nangangamba din siyang magtanong. Natatakot siyang magwawakas agad ang mga moments niya kasama ito kapag nagtanong pa siya. Hahayaan na lamang niyang ito mismo ang magsabi kung ano talaga ang papel niya sa buhay nito.

Lulubusin niya ang kaligayahang hatid nito sa buhay niya. Alam niyang pagkatapos ng workshop nilang iyon ay hindi na muling magkukuros ang landas nila. Uuwi na ito sa Cabadbaran habang siya naman ay mananatili doon. Kung tutuusin, magkalapit lang ang mga probinsiya nila ni Alejandro. Ngunit nag-aaral pa siya kaya malabong makakauwi siya sa Surigao para lang mapalapit siya dito.

Sa ngayon ay i-enjoy na lang muna niya ang mga sandaling hinahalikan siya nito. Umaasa siyang sa pamamagitan man lang ng halik niya ay mabura sa puso at isip nito ang masakit nitong nakaraan.

Napasighap siya nang maramdaman ang isang halik sa kanyang ilong. Nakangiting mukha ni Alejandro ang nasa harap niya.

"Bawal ang spaced-out dito," bulong pa nito sa kanya.

Agad nag-init ang pisngi niya kaya alam niyang namumula na siya ngayon.

"Huwag mo nga akong ginugulat, baka mahalikan kita bigla diyan," banta niya rito.

Ngunit ngumisi lang ito sa kanya na parang nakakaloko.

"Sige, dare," hamon pa nito.

Nakagat niya ang ibabang labi. Nagdadalawang-isip siya kung magpapadala ba siya sa nanunukso nitong mga tingin o umiwas na lang.

Sobrang lapit ng mukha nito sa kanya. Alam niyang konting galaw lang niya ay pwedeng pwede niya itong halikan. Lalo na at tila gusto din nito iyon. Hindi ba at hinamon pa siya nito ngayon?

Mr Answered Prayer [LIFEBOOKS]Where stories live. Discover now