14. To Let You Go

408 12 4
                                    

A/N: ipinapaalala ko lang po na draft pa lang po ang mga sinusulat kong update dito. Kaya sana pagpasensiyahan ninyo ang mga inconsistencies at mga mali-mali. nyahahaha. excited lang ako tapusin ito saka ko na aayusin once everything is done. 

i <3 u all! xoxo!

muah!

___

"MABUTI NAMAN AT hindi ka na natatakot mag-isa dito Sophia," sabi kay Sophia ni Aling Asyang. Nagpasya siyang dumalaw sa mansiyon nang umagang iyon upang mas makapag-concentrate siya sa sinusulat. Kapag nasa bahay kasi siya nina Alejandro ay matutukso lang siyang makipagkwentuhan sa nanay nito o kaya manood ng TV.

At least doon sa mansion ay wala siyang maririnig na ingay. Walang mang-iistorbo sa kanya.

"Opo, Aling Asyang. Medyo nasanay na rin ho ako," sagot niya.

Isini-set up niya sa balkonahe ang kanyang laptop at mga notebooks na pinagsulatan niya ng ilang eksena.

"Mabuti kung ganoon para naman may kasama na si Alejandro dito," sabi pa ng matanda.

"P-po? Ibig ninyong sabihin, dito titira si Alejandro?" naguguluhang tanong niya.

"H-ha? Ah...w-wala," kaila nito at payak na tumawa. "Tumatanda na ata ako at nagiging ulyanin na. Sige, maiwan na muna kita. Ipagluluto na lang kita ng pananghalian. Tamang-tama dito daw kakain si Alejandro mo," dugtong nito.

Napangiti siya sa huling sinabi nito. "Sige po," sabi na lang niya at hinayaan itong bumalik sa kusina.

Siya naman ay prenteng umupo sa tapat ng kanyang laptop. Totoo nga ang sinabi niya kanina kay Aling Asyang. Kahit paano ay nasanay na rin siya sa mansion na iyon. Hindi na siya natatakot sa mga anino ng malalaking puno at sa mga alulong ng aso. Tinanggap na niya na bahagi ng landscape ng mansion ang mga iyon.

Naka-ilang pahina na rin siya sa sinusulat nang marinig ang tunog ng doorbell.

"Sophia, pakibukas nga saglit ng gate. Baka si Alejandro na iyon," narinig niyang sigaw ni Aling Asyang mula sa kusina.

"Sige po, Manang. Ako na po bahala," sabi niya at nagmamadaling bumaba sa gate ng mansion.

Inihanda niya ang kanyang matamis na ngiti sa pag-aakalang si Alejandro nga ang dumating. Ngunit nagkamali siya. Ang ngiting inihanda niya ay biglang nag-freeze sa kanyang mukha.

It was none other than Ysobel.

"So, pati pala bahay ko, gusto mo na ring sakupin," iyon agad ang bungad nito sa kanya.

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "I-I'm sorry? Bahay mo? Itong haunted house na ito?" sarkastikong tanong niya sabay tawa dito. Mabait siyang tao pero hindi niya talaga palalampasin ang pagiging bitch ng babaeng ito sa kanya.

"Haunted? Hindi ba nasabi ni Alejandro sa'yo na ang bahay na ito ang binili niya para sa akin? Dito dapat kami titira pagkatapos ng kasal namin," sagot nito.

Agad bumundol ang kaba sa kanyang dibdib dahil sa sinabi nito. Ngunit hindi niya iyon pinahalata dito.

"Wow. Iba pala ang trip mo. Ni-request mo talaga na haunted house ang magiging tirahan ninyo? Siguro ikaw ang inspiration niya sa mga sinusulat niyang horror stories," sabi niya.

Agad tumigas ang anyo ni Ysobel. "Halatang wala kang alam sa history ng bahay na ito. The rumored ghost of this place never really existed. Tanungin mo si Aling Asyang. She can tell you everything you need to know. This is not a haunted house, Sophia. This is the mansion Alejandro designed and built for me. Wedding gift niya dapat ito para sa akin kung hindi ako umalis—"

Mr Answered Prayer [LIFEBOOKS]Where stories live. Discover now